Kabanata 40 - The Reason Part 2

24.1K 1.1K 748
                                    

Nagising akong masakit ang likod, masakit ang tyan, masakit ang ulo, at masakit ang lalamunan. I tried to open my eyes and mouth to say something but I couldn't.

What's happening to me?

"Ley?"

Para akong nasa loob ng isang tunnel na may naririnig na boses na ume-echo sa paligid.

"Ley? Can you hear me?"

Ayan na naman ang boses na pakiramdam ko ay malapit pero malayo. Hindi ko maintindihan.

Nang makabawi ng lakas, sinubukan kong muli na imulat ang aking mga mata at bigla ding napapikit sa sakit ng liwanag na tumambad sa akin.

"Oh God, she's awake, Tito."

"Call the Doctor, Charlotte! Hurry up!"

"Yes po."

I could still hear those muffled voices around me kaya mas lalo ko pang sinikap na imulat ang mga mata. Paunti-unti kong ina-adjust ang paningin sa nakakasilaw na paligid at nang masanay ay buong lakas kong iminulat ang mga ito.

"God, Thank God. My daughter! You're awake!"

Doon ko lang na-realize na sina Daddy at Mommy pala ang nakapaligid sa akin ngayon.

Napatitig ako sa mga mukha ng mga ito na umiiyak habang hinahaplos ang pisngi ko. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para sana magtanong pero hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari.

Bakit hindi ko kaya? Bakit hindi ko kayang magsalita? May problema ba sa akin?

I've tried and tried pero mga ungol lamang ang lumalabas sa bibig ko at nang mapagtanto ng parents ko ang nangyayari ay biglang humagulgol si Mommy.

"D-doc, I think something is wrong with my d-daughter. What is happening?"

I heard my mom asked the doctor when she arrived together with Charlie.

Sinimulan akong i-check ng doctor at nang matapos ay malakas itong napabuntong-hininga at hinarap ang Mommy at Daddy ko. Nakita ko din sa peripheral view ko si Charlie na ngayon ay nakatitig sa akin na may bahid ng pag-aalala ang mukha.

"Due to your daughter's traumatic brain injury and trauma, her speech muscles weakened and paralyzed, with that, her ability to speak is temporarily damaged. She can't talk for now since the muscles are still weak...it's understandable din since she was in coma for four years."

What?! Four...four years?! I was asleep for four years? I was in coma...for four years? How? Paanong nangyaring ganoon katagal? Paano na si Georgina? Does she know? Oh God! Alam ba nito na ganito ang nangyari sa akin?

Dahil sa nalaman ay sinubukan kong hanapin ito sa paligid, pero sina Charlie, Mom, at Dad lang ang nandirito kasama ang doktor.

Base na din sa mukha ng ospital, alam kong nasa ibang bansa ako ngayon. Pero ang mas pinag-aalala ko...alam ba ito ni Georgina? Nandito ba sya? Kumusta sya? Anong nangyari sa nakalipas na apat na taon?

"...and since her spinal cord was injured due to the accident, expect that some parts of her upper body, lower body, and legs are temporarily paralized too."

Muling bumalik ang isip ko sa kasalukuyan nang marinig ang sinabi ng doktor. Para akong nabingi sa mga naririnig ngayon. Hindi ko alam kung nananaginip parin ba ako o totoo na ang lahat ng mga ito.

Hindi ko...maigagalaw ang katawan ko pansamantala? I can't speak?

Sa mga naiisip ay bigla kong naramdaman ang paglandas ng mga luha ko sa mukha. Sinubukan kong magsalitang muli pero tanging ungol lang parin ang lumalabas sa bibig ko.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now