Kabanata 39 - The Reason Part 1

25.2K 1K 933
                                    

"What happened to her, Miss Jefferson?" narinig kong sigaw ni Charlie mula sa hindi kalayuan.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paglapag sa akin sa malambot na kama at ang pagdampi ng mainit na palad ng kung sino man sa pisngi ko.

"I'm sorry, she fainted--"

"I told you it was a bad idea. Natumba ba sya? O bumagsak?" ang kaninang pasigaw na boses ni Charlie ngayon ay nag-aalala na.

"No, I caught her bago pa bumagsak."

Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Charlie mula sa tabi ko. "I'm sorry, Miss Jefferson, but I won't let her go meet that woman again--"

"C-cha." I called with a hoarse voice at dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

"Hey, are you okay? Anong masakit sayo? Nahihilo ka ba?" muling tanong ni Charlie nang may pag-aalala sa boses at yumuko palapit para haplusin ang mga pisngi ko. "I told you not to go, right? Pero ang tigas ng ulo mo."

I chuckled. Natatawa ako sa hindi malamang dahilan. Natatawa ako dahil sa mga nararamdaman kong hindi ko maintindihan. And before I could even utter a word, a single tear escaped my eyes.

Then I sobbed pulling Charlie closer to me.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Charlie sa katawan ko at ang paghigit ng yakap nito sa akin. She was caressing my back and whispering inaudible words in my ear.

"C-cha..." I called with a shaky voice.

"....s-sana ginising mo ako ng mas maaga. S-sana pinilit mo ako na magising, C-cha. Edi sana n-nakausap ko sya, diba? E-edi sana hindi sya nakahanap ng iba, diba? A-ako parin sana, diba?" I cried on her chest.

"Ssshhh. It's water under the bridge now, Ley. Wala na tayong magagawa, nangyari na." sagot nito sa akin at hinalikan ako ng masuyo sa noo bago ito muling napabuntong-hininga.

"Everything will be alright. I promise. Please, stop crying, makakasama sayo yan. Tahan na ha?"

Umiiyak lang ako sa dibdib nito hanggang sa unti-unting mapagod ang aking mga mata kaya dahan-dahang napapikit ako. Makalipas pa ang ilang sandali, naagaw na ng antok ang diwa ko at nakatulog na yakap-yakap nito.

---

A sad smile escaped my lips when I saw her sitting inside the restaurant. She looked so happy staring at the love of her life while the other woman, THAT woman in front of her wiped something in her mouth.

Hindi ko aakalain na sa dinami-daming mamahalin nito, si Miss Roberts pa. Bakit ito pa?

Muli akong napatingin sa gawi ng mga ito. They looked so in love. So crazy in love. And here I am sitting inside my car staring at them smiling with each other, holding each other's hands.

I chuckled. Para akong tanga na ilang araw na silang sinusundan kung saan sila magtungo at iiyak kapag masasaktan. Sobrang tanga lang.

A single tear left my eye when I remembered how her girlfriend proposed to her. I can still remember how surprised ang happy she was when her woman proposed and offered her a diamond ring during her birthday party.

Sa ilang araw na sunod kami nang sunod ni Andy, ni hindi pa ako nakakakuha ng tyempo na makausap ito.

Hindi ko na planong maghabol pa, hindi ko planong agawin ito sa bago nito, dahil sa nakikita ko, masaya na ito at nakamove on na sa akin. I just wanted a proper closure. I just wanted to say sorry for hurting her. Hindi ako mapapalagay hangga't walang maayos na pag-uusap sa pagitan namin. Gusto ko nang ipahinga ang puso at isip ko sa mga sakit na nararamdaman ko. Pagod na pagod na ang buong pagkatao ko.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now