Bonus Chapter Part 2 - Flare's 🔞

28.6K 791 733
                                    

Warning!‼️Slight kiskisan below! 🔞 HAHAHAHAHAHAHAHA

A/N: Huwag kayong mag-alala. Pati ako ikinakahiya na ang mga pinagagawa ng mga bakla. Bestfriends goal. 🥲😔

PS. Read at your own risk kasi mas wild 'tong dalawang ito. VULGAR AND STRONG WORDS BELOW! I already warned you! 👍😭

-----

Tahimik ang paligid. Nilinga ko si Chastity na ngayon ay nakahiga sa kama na abalang nagbabasa ng libro habang ako naman ay nakatayo sa itaas ng kama kung saan nakapwesto ang ulo nito.

"What are you doing?" Chastity asked habang nakatingala sa akin.

"Shhh." Pagpapatahimik ko rito at mabilis na idinikit ang tenga sa pader kung saan nakapagitan ang guest room na kung nasaan kami at ang kwarto ni Mandy.

"I can't hear anything. Tulog na ba siya kaagad? Kaka-goodnight niya lang ah." Salubong ang kilay na bulalas ko na ikinailing naman ng asawa ko.

Muli akong nakinig habang nakapikit ang mga mata at nang marinig ang mahinang boses ni Mandy na inis na napapalatak sa kabila ay napangisi ako. Dahil doon, napagdesisyonan ko nang sinimulan ang aking planong asarin ito.

"C-chas! Holy fuck!" Malakas na bigkas ko bago mahinang humagikgik.

Kasabay noon ay mabilis ding napaangat ng tingin si Chastity na ngayon ay salubong ang kilay at nagtatanong ang mga mata.

"What the hell are you doing—"

"Babe! Shhhhh! Quiet down." Mabilis akong napaluhod sa gilid nito at tinakpan ang kaniyang bibig.

Nang masiguradong hindi na ito mag-iingay ay dahan-dahan kong inalis ang palad sa bibig nito at bumulong.

"Inaasar ko si Mandy sa kabila. Leyla's not here so it's my chance na makaganti sa kaniya." I said smirking.

Naalala ko na naman kasi ang ginawa nito noong nakaraang linggo. Dalawang araw nang wala sa tabi ko si Chastity dahil nga pinuntahan nito ang kaniyang mga magulang at may limang araw pa akong hihintayin bago ito makitang muli.

Mandy called me that night through a video call at nang sinagot ko ito ay nakangiti na ito habang nagpupunas ng kaniyang basang buhok. Mayroon kasi itong kailangang i-discuss sa akin noong gabing iyon kaya naka ready na ako.

Mula sa pagpupunas nito ng buhok ay nagpaalam ito saglit na may kukunin sa banyo kung kaya ay kinuha ko muna ang aking phone para i-chat si Chastity. Dahil na rin online ito ay dito na muna ako nag focus nang makitang hindi pa nakakabalik ang bestfriend ko at tanging ang kama lang nito ang kita sa kabila.

Dahil siguro sa naaaliw ako sa mga kwento ng asawa ko ay hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Mandy at nang magpaalam si Chastity na may pupuntahan muna ito ay muli akong napatingin sa aking laptop.

Pero laking gulat ko na lang talaga noong sa pagtingin ko sa screen ay ang naghahalikang sina Mandy at Leyla ang nabungaran ko habang nakaupo ang una sa kama at si Leyla naman ay nakakandong sa hita nito.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapagmasdan ang mga ito sa ganoong tagpo. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang magsimulang gumalaw si Leyla sa itaas nito habang unti-unti silang napapahiga sa kama.

Hindi ko lang talaga alam kung sadya ba iyon ni Mandy o talagang nakalimutan lang nito na naka video call pa ito sa akin dahil na rin sa napansin kong para bang pinapatigil nito si Leyla at itinuturo pa kung saan nakapwesto ang laptop nito na gamit niya nga sa pagtawag sa akin.

Pero hindi natinag ang gf nito. When Leyla tried to take off her dress that night, doon ko na rin napagdesisyonan na patayin ang call.

Para akong hinabol ng mga aso sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihingal din ng mabilis. Pakiramdam ko tuloy nanood ako ng live porn. Piste!

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now