Kabanata 11 - El Paraiso

26.8K 1K 619
                                    

Namamanghang inilibot ko ang tingin sa maputing buhangin at kumikislap na dagat ng El Paraiso de Santillan. Ilang oras din ang binyahe namin and sadly, si Kate na ang naka-tabi ko at katabi naman ni Miss Leyla si Jady.

Iniwasan na ako nito after nang nangyari sa Jollibee kanina. Ni hindi na nga ako tinapunan ng tingin eh.

Pangit na ba talaga ako sa paningin ni Miss Leyla at parang ayaw na ayaw nito sa akin? Gosh! Sinasayang lang nito ang magandang katulad ko, kung alam lang nito.

Hawak-hawak ko ang braso ni Flare na hinihila ito palapit sa dagat nang may mamataan ang mga mata ko.

"Wowwwww. Ang gandaaaa." namamanghang wika ko. Binitawan ko ang braso ni Flare at awang ang labi na humakbang palapit sa babaeng nakaupo sa isa sa mga malalaking payong na nakatusok sa buhangin.

Naka suot lamang ito ng blue two piece swim suit at nakapatong ang sunglass sa ulo nito habang may hawak na wine glass at nakatingin sa dagat.

She's super pretty and sexy. At ewan ko ba, bigla yatang nagising ang kalandian ko ngayon.

"Hi miss." namamanghang titig ko dito.

Yes, confirmed. She's gorgeous, no doubt about it.

Taas ang kilay na napalingon ito sa akin at saka ngumisi. I noticed her eyes roamed around my body and I mentally smirked. She just checked me out. Hindi talaga pumapalpak ang gaydar ko.

"Hi! What can I do for you?" malapad ang ngiti nito na ikinatulala ko. Oh mama mia! Ang ganda!

Napakurap-kurap ako.

"Aah eh, I'm Mandy. Mandy Muriedo. May I know your name, Miss? You're so pretty!" kasabay ng pagpapakilala ko ay ang paglahad ng palad ko sa harap nito.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at gustong-gusto ko nang sampalin ang sarili ko nang mapagtanto ang ginagawa ko.

Gosh! Anong nangyayari sa akin? Nakakahiya ka talaga, Mandy!

Ngumisi ulit ito at tinanggap ang kamay ko.

"I'm Marie Elaine Stoneiron."

Oh wow, ang ganda ng pangalan. Kasing-ganda ng may-ari.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Flare mula sa likod ko kaya hinarap ko ito at sinamaan ng tingin.

Ibinalik ko ang tingin kay Marie at nginitian ito.

"Such a beautiful name, Miss Marie. Kasing ganda mo."

Muling bumunghalit ng tawa ang baliw sa likod ko at nang lingunin ko itong muli ay naiiyak na ito sa kakakatawa.

"Ano ba, hindi ka titigil? Panira ka naman baby eh." inis na usal ko at napanguso dito. Muli akong napatingin kay Miss Marie at humingi ng paumanhin.

"Sorry, Miss Marie. Nabubuang na kasi itong bestfriend ko. Tumatawa na lang nang mag-isa eh."

I saw her smirked at Flare at napakunot-noo ako kung bakit. Ako ang kumakausap dito tapos sa kanya ito ngingisi? Mga baliw na ba ang mga tao dito? Don't tell me pati itong Marie na 'to eh na love at first sight din kay Flare?!

"Fuenteval and Muriedo!" napatigil sa pagtawa ang buang sa likod ko nang may tumawag sa amin.

Isang propesor lang naman na masama na ang tingin sa amin ang nakatayo at nakapamewang na tinatawag kami.

"Mamaya na kayo makipag landian at kailangan pa nating mag check in lahat." masungit na sigaw nito na ikinasimangot ko.

Hindi pa nga ako tapos dito tapos madadamay pa ako sa selos ng propesor na 'to.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now