Kabanata 24 - Kiss

32.3K 1K 490
                                    

"Let's go, Ma'am?" aya ko dito nang ma-lock nito ang pinto ng office. She nodded her head at nauna na itong naglakad papuntang parking area.

Habang nauuna itong naglalakad ay muli na namang napadako ang tingin ko sa pang-upo nito. Bawing-bawi talaga si Miss Leyla sa part na yan! Jusmiyo! Kalami ba kumuton! Charot!

Kung bakit naman kasi nagsusuot ng hapit na hapit? Ayaw tuloy mag-behave ng utak at ng mga mata ko.

Kagat-labing binilisan ko ang paghakbang habang pasulyap-sulyap dito dahil mabilis itong naglalakad at hindi talaga nagsasalita. We were walking side by side now nang basagin ko ang katahimikan.

"So, ano po ang ginawa mo kanina sa office, Ma'am?" pigil ang ngiting tanong ko. Naalala ko na naman kasi ang pinanood nito at ang mga sinulat kanina.

"I'm studying." tipid nitong sagot.

"Studying what?" the side of my mouth rose up 'cause she was so cute right now. Napanguso kasi ito.

"I'm studying Mobile Legends, Georgina."

"Why? Dahil ba sa 1v1?" I grinned.

She stopped on her track at seryosong hinarap ako. Matiim itong tumitig sa mukha ko at marahang humakbang palapit. She put her hands on my waist dahilan para mapasinghap ako bago ito nagsalita. "If you have a plan to look for someone to play with, then tell me. I'm willing to learn how to play the game...just don't look for someone else to play with you." she said at muling naglakad papunta sa kung nasaan nakapark ang sasakyan ko.

Gulat na napasunod na lang ako ng tingin dito. Hindi ko aakalain na sasabihin nito iyon. Dahil ba ito kanina sa cafeteria? Dahil ba nakita nitong ka laro ko si Riley? Hindi nagtagal ay unti-unting lumawak ang pagkakangiti ko at kagat-labing huminto sa harap nito.

"Don't worry, Ma'am. Para sa'yo, gagawa ako ng smurf account makasabay ka lang sa rank game."

She rolled her eyes at pumunta sa gawi ng passenger's seat. "Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo, Georgina. Hayaan mo munang mapag-aralan ko ang lahat. Okay?"

Nakangiting tumango lang ako at sumunod sa likod nito para mapagbuksan ito ng pinto. Mabilis itong pumasok at ngumiti sa akin at ako naman ay umikot pabalik sa driver's seat.

"Where to go, Ma'am?" tanong ko nang makapwesto sa loob. Amoy na amoy ko ang mabangong perfume nito na may halo ng natural nitong amoy na pamilyar na sa akin.

She looked at me and smiled again. "Sa bahay ko."

Natigilan ako nang marinig ko ang sagot nito. Sa bahay nito? Tama ba ang narinig ko? Sa bahay ni Miss Leyla? Wait! Ibabahay nya na ba ako?!

"I-ibabahay nyo na ba ako, Miss Lei? Hindi pa nga tayo eh."

Natatawang napanguso ako nang makatanggap ako ng kurot mula dito. Tsss. Ang sadista talaga!

"Sa bahay na tayo kakain dahil hindi natuloy ang paglabas natin kanina. I'll cook for us tonight."

Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nito. "Really?"

"Yes." she smiled.

Neexcite na pinaandar ko ang sasakyan ko at malapad ang ngiting pinaharurot ito. The last time someone cooked for me was when my mother was still alive. Simula nang mawala kasi ito, kapag hindi ako ang nagluluto, sa labas na ako kumakain. Kaya nakakatuwang malaman na ipagluluto ako ngayon ng propesor ko.

Matapos ituro sa akin ni Miss Leyla ang bahay nito ay tahimik na naming binabagtas ang daan pauwi.

Nagdaan ang higit kalahating oras na pagmamaneho ay nakarating kami sa isang maganda at malaking bahay. Napapalibutan ito ng mga magagandang halaman at bulaklak sa loob na halatang araw-araw inaalagaan.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now