Kabanata 9 - Jealousy

30K 1K 662
                                    

I was holding Kenny's hand habang papalabas kami ng classroom dahil tumawag na ang guard na nasa labas na daw ang sundo ng bata.

After lumabas kanina ni Miss Leyla ay hindi pa ito bumabalik at tanging kami na lamang ni Kenny ang naiwan kaya pinagpatuloy ko ang pagtuturo dito.

Pa sway-sway pa kami ng braso ni Kenny at naghahagikgikan habang papalabas at nang makarating sa dome ay bigla nitong binitawan ang kamay ko at sumigaw nang napakalakas.

"Mamiiiiii!" tumakbo ito papunta sa waiting area at sinalubong ng yakap ang mommy nitong naghihintay dito.

Malapad ang mga ngiti kong nakasunod ang tingin kay Kenny nang yakapin nito ang naghihintay na nanay nito. So sweet talaga ni baby Kenny.

While they were hugging each other, my mouth went agaped when my gaze landed on her mom....'cause damn! Nanay 'to ng bata? Seriously? She looked so young, so beautiful and....sexy. Seryoso talaga ito?

"Hello pumpkin, I missed you! How was school?" her mom asked.

"It was good, mami. Teacher Mandy helped me with my books." bibong sagot nito at humiwalay sa pagkakayakap sa mommy nito at lumingon sa akin.

Dahan-dahan akong humakbang sa kanila nang nakatingin na ang mga ito sa akin.

I smiled at them at ginulo ang buhok ni Kenny at muling sumulyap sa mommy nito.

"Good afternoon po, Mrs. Roberts." I greeted her when our eyes met and she giggled.

"It's Miss Roberts, Teacher." saad nito na malawak ang ngiti.

"Po?" kunot-noo kong tanong dito. Ano daw?

She chuckled and offered her hand.

"Lori Roberts, Teacher. Kenny's my brother's son."

"Oh!" napakamot ako sa batok nang marealize ang sinabi nito. It makes sense. Kaya pala ang bata pa nitong tingnan. Tita pala ni Kenny itong chika na 'to.

Tinanggap ko ang kamay nito at marahang pinisil.

"Teacher Amanda po, Miss Roberts." pagpapakilala ko dito.

"Nice to meet you. I didn't know my nephew has a gorgeous teacher huh." ngumisi ito sa akin.

"Student-teacher pa po ako." paglilinaw ko.

"Scratch the po please, I think hindi naman nagkakalayo ang edad natin, Teacher."

I nodded my head and grin. "No probem, Miss Roberts."

"Teacher Mandy is pretty right, Mami?" nanlaki ang mga mata ko nang magsalita si Kenny. Walangya! Sige pa Kenny, ipangalandakan mo pa ang kagandahan ko!

Miss Roberts chuckled and pinched her nephew's nose. "She is, kid. I think I'll enjoy picking you up now. Kung ganito ba naman palagi ang sasalubong sa akin." she looked me in the eye and smirked.

Is she flirting with me? What the heck! Biot ba 'to?!

"Miss Muriedo!" natigilan ako nang may tumawag sa akin mula sa likod. Bago ko pa man lingunin si Miss Leyla ay nakita ko munang napataas ng kilay si Miss Roberts dito.

"Yes po, Miss?" tanong ko nang makitang papalapit ito sa amin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Tsss.

"Pack your things, sasakay ako sayo papuntang University." seryosong usal nito na nakatingin kay Miss Roberts.

Sasakay sya sa akin? Luh. Desisyon sya. Charot. Of course, para sa bebe ko, go tayo agad no. Pero......what?!

"Sasakay ka.....sa akin, Ma'am? Sasakyan mo ako?" ngisi ko dito na ikinasalubong ng mga kilay nito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now