Kabanata 44 - Moment of Truth

30.1K 1.3K 1.2K
                                    

A/N: Not Edited.

"Where do you think you're going, Amanda?!"

Napapitlag ako nang may mga kamay na pumigil sa akin para hindi tuluyang makalayo sa lugar na iyon.

Nang lingunin ko kung sino ito ay ang hinihingal na si Charlie ang nabungaran ko.

"And why...are you...crying..huh?!" usal pa nito na habol parin ang hininga habang mahigpit na hinahawakan ang palapulsuhan ko. Mukhang napagod ito sa pagtakbo para lang sundan ako.

Pinahid ko ang aking mga luha at saka hinarap ito ng maayos.

"I...I realized I'm not yet ready, Charlie. I'm very sorry." pagkatapos sabihin iyon ay napayuko ako.

I heard Charlie hissed at mas lalo pang humigpit ang hawak sa akin.

"Oh goodness gracious, Amanda! Once and for all, stop being a pussy, will you?! Pwede bang tigilan mo na ang kakatakas mo kapag nararamdaman mong natatakot ka? Talk to your woman bago pa mahuli ang lahat!" namumula ang mukha nitong singhal sa akin. Medyo napalakas din ang boses nito kung kaya may iilang napapatingin sa amin.

I bit the inside of my cheek after she said those words. Anong ibig nitong sabihin na kausapin ko si Leyla bago mahuli ang lahat?

Tila dumoble ang pagtibok ng puso ko nang seryoso itong nakatitig sa akin na para bang hinihintay akong magsalita.

Nang mapansin nitong wala akong balak magsalita, she looked at her back and pointed her fingers at the entrance of the airport.

"That man...yung kasama nyang lalaki...that's the son of her Doctor, Amanda. That's Doctor Matthew Leandres, her suitor and at the same time ang nag-alaga sa kanya sa nakalipas na taon..." she paused.

"...And based on your reaction earlier, I assume you still haven't moved on from her. Am I right? Pero kung takot ka talaga at hindi pa ready, wala na akong magagawa. Leyla is planning to make them official. It's your choice if you want to make your move or not."

Gulat na napatitig ako sa mukha nito hindi dahil sa sinabi nitong manliligaw ni Leyla ang kasama nito, hindi rin dahil sa sinabi nitong may plano na itong sagutin ito...kundi dahil sa isang salitang nakaagaw ng aking pansin.

Doctor. Leyla's Doctor. Bakit may doctor si Leyla? May nangyari ba sa kanya?

"B-bakit may doctor sya? What do you mean may nag-alagang doktor sa kanya sa nakalipas na taon?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko mawari pero heto na naman ang puso ko na para bang tinatambol sa lakas ng pagtibok nito.

Ano ang nangyari dito?

Napabuga ng hangin si Charlie. "That's why I'm telling you to talk to her, Amanda. Now, ayusin mo ang sarili mo, wipe your tears...and be brave." inabot pa nito ang sariling panyo sa akin na agad ko namang kinuha mula sa palad nito at saka ko ipinunas sa mukha ko.

Magsasalita pa sana itong muli nang makarinig kami ng pamilyar na boses mula sa likod nito.

"Cha." Leyla's sweet and soft voice echoed into my ears.

Napakagat ako sa ibabang labi nang muling magtama ang mga mata namin at kasabay niyon ay ang muling pag-agaw ng kanyang atensyon mula sa akin nang hawakan ito ng doktor sa braso. Epal!

Charlie took a step towards them at nakita kong parang may sinasabi ito sa dalawa. Mababakas ang pagtutol sa mukha ng doktor at ang pagkabigla naman sa mukha ni Leyla.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik ito sa harap ko at walang pasabing kinuha ang isang kamay ko. Gulat na napatingin ako sa susi na inilapag nito sa palad ko at nagtatanong ang mga matang tinitigan ito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now