Kabanata 42 - The Truth

26K 1.1K 1.1K
                                    

"Fuck you, Lorraine!"

Nanginginig ang katawang sigaw ko sa pagmumukha nito.

I slapped her for the second time when she tried to reached for my arms again. I noticed her bit her lip and that's when I saw some blood on it na agad naman nitong pinunasan.

Nilabanan ko ang sariling hawakan ang mukha nito nang makitang nasasaktan ito pero kung ikukumpara ay walang katumbas na sakit naman ang idinulot nito sa puso at buong pagkatao ko. I love her...but I don't condone cheating.

"B-baby, please listen to me-"

"Shut the fuck up, Lori! Ang baboy mo! Y-you almost raped Andy at may gana ka pang humingi ng pagkakataon para magpaliwanag?! G-gaano ka ka walang-hiya?!" I stuttered trying myself not to cry in front of her.

Tanging hikbi lamang ang naisukli nito sa akin at sa nanginginig na mga kamay ay marahang inaabot nito ang mga braso ko. "B-baby, please. I-I love you. Please give me a-another chance." hilam sa luhang pagmamakaawa nito.

Pigil ang mga luhang natawa ako ng pagak kasabay nang pag-atras ng tatlong hakbang palayo dito. "Kung mahal mo ako, hinding-hindi mo ako lolokohin, Lori! Kung m-mahal mo ako, hinding-hindi mo m-magagawang saktan ako!!" sigaw ko at mabilis na lumapit dito para hampasin ng ilang beses ang balikat nito na hindi naman nito pinipigilan at sinasangga.

"Alam mo kung gaano na ako nasaktan noon, Lor. A-alam mo ang hirap na pinagdaanan ko sa ilang taon na yun. P-pero bakit pinaramdam mo ulit sa akin?" hindi ko na mapigilang maiyak sa harap nito habang ginagawaran ito ng walang lakas na mga palo sa dibdib nito.

"Pero mas masakit palang harap-harapan kong makita na ginagago mo ako. Ang sakit-sakit na makita ng dalawa kong mga mata ang pambababoy mo! Ilang babae na ba ang mga napagparausan mo sa mga pagkakataong tinatanggihan kita? Ha Lori?! Ilan?!" hagulgol ko kasabay nang paghawak sa akin ni Arki para ilayo dito.

"I-I'm sorry--"

"Putangina mo, Lorraine!!" Hilam sa luha ang mukhang sigaw ko at sa pangatlong pagkakataon ay sinampal ito.

She suddenly kneeled down in front of me and held the hem of my shirt. "F-forgive me baby, p-please. I can't lose you. H-hindi ko na kayang mawala ka sa akin. Please, just one chance. I-I promise, I won't do it again." she desperately pleaded.

Pinunasan ko ang aking luha sa pisngi at hindi tumitinging malamig na nagsalita. "Sana naisip mo yan bago mo ako niloko, Lori..."

Then I looked down on her.

"Sana naisip mong hindi mo ako kayang mawala bago ka gumawa ng katarantaduhan... And you know what?" I took off the ring in my finger at saka ito ibinato sa dibdib nitong tinakpan pa nito ng puting kumot.

"...Maghanap ka na lang ng babaeng kayang ibigay ang mga pangangailangan mo. Yung babaeng kaya kang pasayahin sa kama na hindi ko magawa. We're done, Lori. Wala nang kasalang magaganap pa." matapos sabihin iyon ay marahas kong tinanggal ang mga kamay nitong nasa damit ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

I didn't dare look back. Gusto ko na lang umalis sa lugar na ito dahil sa mga halo-halong nararamdaman ko.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Sa lahat ng mga nasaksihan ko, tila ba hindi ko na kilala ang Lori na nakasama ko ng ilang taon. O kilalang-kilala ko na ba talaga ito? Mula sa confrontation nila ni Leyla, hanggang sa mga panloloko nito, talaga bang kilala ko na ito? Bakit pakiramdam ko ang daming mga bagay ang hindi ko pa alam mula dito?

May dapat pa ba akong malaman? Kung meron man, ano ang mga iyon?

Gulong-gulo man ang puso at isip ko, I managed to contact Flare and told her I needed to get back to Manila. Ilang ulit akong humingi ng pasensya kung hindi man nila ako maaabutan the next day. I just wanted to be alone right now. Siguro sa susunod na mga araw ko na sasabihin sa kanya ang mga nangyari 'cause I just wanted to rest my mind and my heart for now.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now