Kabanata 8 - I like you

27.5K 1K 397
                                    

"Miss Muriedo, could you please hand me the glue gun?" napatingala ako mula sa pag-aassist kay Kenny at muli ding napapikit na ibinalik ang tingin sa baba nang biglang magsalita si Miss Leyla.

Nakapatong na naman kasi ito sa mataas na mesa at nagdidikit ng mga palamuti sa pinakamataas na bahagi ng pader ng classroom.

Ewan ko ba, sa loob ng dalawang buwan na kasama ko ito ay ang hilig nitong umakyat at pumatong sa mesa para lang magdikit ng kung ano-ano sa mga pader. May si-unggoy yata itong teacher na to eh. Pero maganda at sexyng unggoy naman to ha!

I cursed in silence when I saw the glue gun beside her feet at kung gugustuhin naman nito ay makukuha naman nito iyon agad na hindi na kailangan ng tulong ko.

Iniiwasan ko na nga na mapatingin dito tapos tawag naman ito ng tawag sa akin. Kanina pa ito Miss Muriedo nang Miss Muriedo sa akin kaya paulit-ulit lang din akong napapamura sa isip.

I could feel her piercing eyes staring at me when I stood up at hindi parin ito nililingon na kinuha sa paanan nito ang glue gun. Nakayukong inabot ko ito dahil ayaw kong tumingin dito.

Kanina ko pa kasi talaga iniiwasang mapatingin dito kasi jusko naman, may lakas ng loob pa talaga itong umakyat kahit na ang ikli-ikli ng suot nitong skirt. Tapos naka loose v-neck blouse top pa ito kaya kapag itinataas nito ang mga kamay ay sumisilip ang abs nito sa tyan. Shit!

Kaming tatlo lang naman kasi ni Kenny ngayon ang nandirito sa loob ng classroom dahil need nito ng tutorial para makahabol. Umuwi na ang mga bata kaya ito ngayon ang ginagawa namin pareho, ako nagtuturo sa bata tapos si Miss Leyla naman, nagpapaganda na naman ng classroom nito.

"Miss Muriedo!"

Kunot-noo akong nakayuko parin nang nagdaan na ang isang minuto ay hindi parin nito kinukuha ang glue gun sa kamay ko. Ano ba ang ginagawa nito at ang tagal nitong kunin ang iniaabot ko? Nangangalahay na ako Miss ha!

"Muriedo!"

Hindi ko alam anong trip nito eh. Umiiwas na nga ako tapos tawag naman ito ng tawag. Tssss. Hindi ba nito alam na natutukso ako sa mapuputing mga legs nito at sa visible na mga abs nito? Ang hirap kaya nang ganito. Gosh!

"Amanda Georgina!"

Napapitlag ako nang inis na isinigaw nito ang pangalan ko and I unconsciously looked up to her. I gulped when I directly faced her flawless legs kaya napakurap-kurap ako ng mga matang idiniretso ang tingin sa mukha nito.

She's looking down at me now with a furrowed brow and she suddenly faced my side and crossed her arms.

"Y-your glue gun, Ma'am?" basag ko sa katahimikan at muling inilapit ang glue gun dito nang hindi man lang ito nagsalita at nakatitig lang sa akin.

Seryoso parin itong nakatingin sa akin at mabilis na napasulyap kay Kenny na hanggang ngayon ay nagcocolor parin.

"I can't do it alone, Miss Muriedo. Get up here and help me." sa wakas ay nagsalita din ito.

Napatiim-bagang ako dahil bukod sa iniiwasan kong tumingin dito ay ayaw ko din na tulungan ito sa pagdidikit dahil sa liit ng mesang pinapatungan nito. Yes, sakto ang dalawang tao pero ang hirap kaya gumalaw na magkadikit kayo.

Malandi ako dito, oo. Lalo na kapag bumabanat ako. Wala talaga akong hiya at walang preno ang bibig ko kung nilalandi ko ito pero hanggang doon lang yun. Hanggang salita lang naman ang kaya ko. At saka sanay na din ito sa mga banat ko na sinusuklian lang naman nito palagi ng irap.

I heaved a sigh and looked at Kenny. "Miss Leyla, hindi pa po kasi ako tapos kay Kenny--"

"Don't worry about him, he can continue his lesson tomorrow. I want you to help me here." taas ang kilay na sagot nito.

Amanda Georgina (GxG) (ProfxStudent)Where stories live. Discover now