“Brain Scanner”
Nang nakapasok na ang lahat sa loob ay sinalubong kami ng isang lalaki para ipaghiwalay ang mga babaeng kabataan sa lalaking kabataan. Pumipila ang lahat papunta sa kanya para malagyan ng numero ang pulso namin gamit ang isang itim na marker. Limampu ang nakuha kong numero at nang malagyan ako nun ay bigla itong naglaho sa aking pulso. Agad ko namang ikinagulat ang nangyari.“All the numbers you have serves as your identity. It is also a tracker if you try to escape. If I were you, I will make this place as my own home,” sabi ng lalaking nasa harap at hindi ko na pinakinggan pa ang sumunod niyang sinabi at naglakad papunta sa isang pintuan.
Ang pinto ay gawa sa salamin at nakapaskil sa labas ang mga letrang ‘XY’ na nasa kulay bughaw. Nakabantay sa gilid ang dalawang CRYPTIC na tinignan ako sa mata. Hanggang sa pagpasok ko sa loob ay hindi nagpatalo sa tinginan ang dalawa.
Isang bullet proof glass cube ang nakapuwesto sa gitna ng silid. Nakapalibot dito ang mga nakahelerang mga computers na umuugnay sa loob ng cube. Isang lalaki ang nakaupo sa loob ng cube habang kinakausap ang isang babae. Matapos nilang mag-usap ay mayroong isang likido ang ipinasok sa katawan ng lalaki gamit ang isang syringe. Pagkatapos nang kaganapang iyon ay agad niyang sinamahan sa isang silid ang lalaki.
Naputol ang aking pagmamasid sa kanilang ginagawa nang may isang babaeng biglang kumausap sa akin. Nakangiti itong tinanong ako kung ano ang aking pangalan at agad ko naman siyang sinagot. Isa siyang doktor at nasa thirty-five na ang kanyang edad. Ang babaeng nasa loob ng cube ay nasa twenty-three ang edad.
“I’m Doctor Celine Page and my personal assistant is Beatrice Connel. She will be your personal doctor here in E.H. Laboratory.” Pagpapakilala nito sa akin. “Pumasok ka doon sa loob para masuri namin ang iyong utak para sa gagawing eksperimento sa iyo mamaya,” sabi nito at agad akong sinamahan papasok sa cube.
Doon ay binati ako ni Beatrice. Agad niya akong pina-upo sa gitna ng cube at mayroon siyang mga tanong na ibinato sa akin.
“Your name?”
“Umm… Nate.”
“Nate???” Kunot-noong tanong niya.
“Nate Peter Horseson,” sagot ko at hindi ko nagawang ngumiti sa kanya.
“Age?”
“18,” sagot ko sa kanya.
“Well, Nate Peter Horseson, take a deep breath,” sabi nito sa akin at agad ko naman siyang sinunod.
Ilang saglit lang ay mayroon siyang inilagay sa aking ulo. Isang brain scanner helmet na nagbigay sa akin ng konting sakit pero agad naman iyong napalitan ng matinding antok. Limang minuto ang itinagal ng pag-scan bago natapos. Agad akong tinurukan ng isang syringe na may lamang likido sa aking batok na ikinawala ng aking antok.
“Follow me,” sabi ni Beatrice at agad kaming lumabas ng cube at pumasok sa isang silid.
Nadatnan ko sa loob ang mga cylinder glass na mayroong lamang bughaw na likido. Sa loob ng cylinder glass ay ang mga kabataang mga lalaki na walang mga malay. Matapos ko iyong makita ay biglang nanaig sa akin ang labis na pagkatakot.
“Okay, Nate, take off your shirt,” sabi niya na ikinailang ng aking pakiramdam.
“Why?”
“For some purposes,” sabi nito sa akin habang abala siya sa kanyang computer.
I have no choice therefore I took my shirt off in front of a lady. She’s busy doing something with her computer so I traveled my sight around the room. There’s no window and the air inside is thinner than I realized. I saw my reflection at the one of the cylinder glass. I saw myself, I saw how my eyes are wearing a deep of sadness.
I have a monolid-shape eyes. A thick eyebrows that is normal for a boy like me to have. I have also a noticeable prominent jawline. Other than some teenagers, I like to grow my facial hair and create a muscular facial hairstyle. A chin trap with a simple brush up, sideburns that connected to my beard and I both trimmed my mustache and beard that creates a recognizable jawline silhouette.
“What’s with that tattoo?”
I looked at my tattoo as she noticed it. My tattoo placed between my upper right chest and lower right collar bone. Written in a roman numeral number of nine and twenty-three (IX.XXIII)
“It’s none of your business,” sagot ko sa kanya at hindi na siya nagpumilit pang magtanong.
Pumunta ito sa isang glass cylinder na walang lamang bughaw na tubig. Binuksan niya ito gamit ang limang kombinasyong mga numero.
“Please go inside,” sabi nito sa akin habang nakangiti. Hindi ko siya sinunod at tintigan ko lang siya sa kanyang mata hanggang ito ay mailang.
“Please, if you’re thinking to hurt me and escape here, kindly remember the number planted in your wrist. By one click to activate that from our control room will definitely send a signal to blast-off your skull within a seconds.”
Nang masabi niya iyon ay agad na akong pumasok sa loob ng cylinder glass dahil sa kanyang pagbabanta. Ayoko pang mamatay. Ipinangako ko pa sa mga magulang ko na kahit anong mangyari ay hindi ako mamatay at bibigyan ko sila ng hustisya.
Unti-unting lumalabas sa sahig ng cylinder ang isang bughaw na likido hanggang umabot ito sa aking baywang. Ilang saglit lang ay may isang usok na lumabas sa aking uluhan at nagbigay sa akin iyon ng matinding antok.
Pinilit kong huwag langhapin ang usok pero kinakapos ako ng aking paghinga hanggang sa natalo na ako ng matinding antok. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay siya namang ikinalunod ng buo kong katawan sa bughaw na likido sa loob ng cylinder glass.
Three bullets.
One for my mom and Two for my dad.Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nakikita silang nag-aagaw buhay. Isang kalagim-lagim na araw ang aking naranasan sa kamay ng mga CRYPTIC. Bago nila tuluyang paslangin ang aking mga magulang ay pinahirapan muna nila sila gamit ng kanilang mga malalakas na suntok.
Hindi ko nagawang ipaglaban sila dahil maghigpit ang kanilang pagkahawak sa dalawa kong mga braso. Nagmakaawa ang aking mga magulang na huwag huwag akong saktan pero nagbingi-binghan lang ang mga walang kaluluwang mga miyembro ng CRYPTIC.
Kinaladkad nila ako palabas sa aking kuwarto habang pinipilit ni mom na pigilan ang lalaki sa kanyang ginagawa sa akin. Si dad naman ay nakikipag-usap ng matiwasay sa kanila pero hindi siya nito pinakinggan.
Isang tatlong malalakas na putok ng baril ang aking narinig na ikinahinto ng aking mundo. Hindi ko lubos maisip na pagkatapos naming magsaya ng aking mga magulang ay ito ang mararanasan namin. Wala kaming ginawang masama sa grupo. Bigla nalang silang pumasok sa aming pamamahay para guluhin kami.
Nang nalagutan na ng hininga ang dalawang taong importante sa buhay ko ay agad kong sinabi sa kanila na kailangan ko silang ipaghiganti. Gagawin ko ang lahat para mabuhay at para mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay. Hindi ko sila mapapatawad!
Nang nasiguro na nilang wala ng buhay ang mga magulang ko ay kinaladkad nila ako palabas ng bahay para ipasok sa kanilang sasakyan. Doon ay hinampas nila ang aking ulo gamit ang kanilang hawak na baril at sa aking pagmulat ay nasa loob na ako ng isang truck.
Naputol ang ang aking panaginip nang biglang inahon ako ng dalawang lalaki palabas ng aking cylinder glass. Nang nailabas nila ako ay itinulak nila ako sa harap ng isang lalaking nakasuot ng weirdong kasutoan.
“Hi, Nate. I am Erso Hallick,” sabi niya at ngumiti ito sa akin.
Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...