“Change”
“ANO ang nangyari noong nakaraang linggo?” tanong ko kay Beatrice nang nasa laboratoryo niya ako para sa sinasagawa niyang obserbasyon sa aking katawan.Isang linggo na rin ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakokontrol ng maayos ang aking abilidad. Iilan lang sa mga immunes ang nagagawang makontrol ang kanilang abilidad ng maayos at walang palya. Hindi ko na rin nagawang makapag-report kay Cruxian at Erso dahil hindi pa sila nakakapunta rito. Hindi ko na rin nakausap pa si Kevin at hindi ko na alam ang kanyang binabalak na pagtakas dito.
“I beg your pardon?” tanong ito sa akin habang seryoso siya sa kanyang ginagawa sa kanyang computer.
Kakalabas ko lang ng capsules at inulit ko ang aking tanong sa kanya habang pinupunusan ang buo kong katawan ng isang puting tuwalya. Hindi ko talaga gusto ang berdeng likido na nasa loob ng capsules. Wala naman itong amoy pero hindi maganda sa pakiramdam. Napakalagkit kapag tumagal na sa balat.
“Mukhang nataranta kase kanina si Cruxian at ang ibang mga bantay palabas ng E H. Lab.”
“Bakit mo naman naitanong ang tungkol diyan,” tanong nito sa akin at sa pagkakataong ito ay tinignan na niya ako sa aking mga mata.
Isinuot ko muna ang isang T-shirt tsaka lumapit sa kanya at sinagot ang kanyang tanong.
“Alam mo ba na mayroong nangyari sa pangalawang laboratoryo ni Erso Hallick?” sabi nito at tumayo para umupo sa isang sofa na nasa gitna ng kanyang laboratoryo. Agad ko naman siyang sinundan at doon niya pinagpatuloy ang kanyang sinasabi, “mayroong dalawang binatang lalaki ang nagpasiklab sa buong Laboratoryo. Bilib nga ako sa kanyang ginawa. Napadapa niya ang buong Laboratoryo sa isang iglap. Wala silang mga aking abilidad pero nagawa nila iyon.”
Dahil sa sinabi ni Beatrice ay nagkaroon ako ng interes sa kanyang kinuwento. Hindi ako makapaniwala na mayroong binata ang kayang makipaglaban sa CRYPTIC kahit wala silang aking abilidad tulad namin.
“Kaseng edad ba kami ng lalaking iyon?”
“Siguro. Iyon lang kase ang narinig ko sa mga doktor na nag-uusap tungkol sa nangyari kanina. Ayon din sa mga narinig ko ay mayroong matinding galit ang binatang iyon kay Erso. At mayroon ding isang bagay na hinahanap si Erso sa binatang iyon. Hindi ko alam kung ano iyon,” pagpapatuloy nito.
Bigla nalang umusbong sa aking dibdib ang matinding selos sa binatang binabanggit ni Beatrice. Kaya niyang makipagsabayan sa CRYPTIC kahit sila lang dalawa ng kanyang kaibigan. Kami nga rito ay hindi namin magawang ipaglaban ang aming mga sarili dahil sa voice remote control na nasa pulso namin. Mayroon namang isang beses na nagtangka ang ilang mga immunes na tumakas pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa ang bagay na iyon.
Galit na galit ako sa buong CRYPTIC at binabanggit ko lagi na papatayin ko si Cruxian pero hanggang ngayon ay nakakulong parin kami sa kalagim-lagim na Laboratoryong ito. Mukhang hanggang salita nalang siguro ako at walang ginagawa kundi ang sumunod at tumango sa mga pinag-uutos ni Erso.
“Ayos ka lang?” tanong ni Beatrice sa akin nang mapansin niya yatang malalim ang aking iniisip.
“Iniisip ko lang na bakit nagagawa nilang kalabanin ang CRYPTIC samantala ako ay sunod-sunuran parin na parang aso kay Erso?” mahinahon kong sabi sa kanya at hindi niya ako sinagot bagkus ay tumayo siya at mayroong kinuha sa kanyang lamesa.
Nang makabalik na siya sa akin ay mabilis niyang hinugot ang ang aking kamay. Mayroon siyang inilapat na isang device sa aking pulso at bigla akong namilipit sa sakit sa ginawa niya. Napakapit ako sa kanyang braso para doon kumuha ng lakas dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...