"Hope"
Nasa loob kami ngayon ng kanyang kuwarto at kasama ko si Bain Cane. Nagbago ang pagturing nito sa akin dahil sa aking sinabi. Kating-kati na siyang ipakita sa aming dalawa ni Bain Cane ang magagawa ng kanyang imbensyon. Hindi niya pa ito nasusubukan at mayroon itong limitasyon. Hindi niya magagawang ma-hack ang mga surveillance cameras ng Palace. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay napakahirap iyong pasukin.
“Dito nalang muna tayo. Mas maganda rito kapag gagamitin ko ang aking naimbentong software,” sabi niya at agad na umupo sa harap ng kanyang sariling mga computer.
Mayroon pa siyang ibang ginagawa bago niya simulan ang paghahanap sa taong dumukot kay Eleneor. Muli na naman siyang ipinaliwanag sa amin ang kayang gawin ng kanyang software na tinatawag niyang CIPHER’S eye. Cipher kase ang tawag sa kanya rito at hindi naman malayo ang dahilan kung bakit tinawag niya ang kanyang software na CIPHER’S eye.
“Okay. We’re ready. Sino ang gusto mong hanapin?” tanong nito habang nakatutok ang kanyang mga mata sa screen ng kanyang computer. Sa kanyang lugar kase nito ay malakas ang signal kaya malaya niyang magagamit ang kanyang imbensyon.
“May nakita kase akong surveillance camera sa lugar na ito,” sabi ko sabay abot sa kanya ng isang pirasong papel na ibinigay sa akin ni Dwell kanina nang nasa loob kami ng siyudad.
“Okay. I just need to encode this coordinate and then…” kinakausap nito ang kanyang sarili habang mayroon siyang ginagawa sa kanyang computer, “here we go,” sabi nito matapos niyang pindutin ang enter button.
Napatulala kaming dalawa ni Bain Cane sa kanyang ginawa at halos mapatalon kami sa tuwa nang makita namin ang ginawa ni Trevor. Maging siya ay tuwang-tuwa sa kanyang ginawa. Agad ko siyang niyakap at nagpasalamat.
Lumabas sa screen ng computer ang bakanateng lote na pinuntahan namin kanina. Nakita ko doon si Reynard na natutulog sa mga gulong. Muling pinindot ni Trevor ang enter button at lumipat ang camera sa ibang posisyon. Mas malapit ang kuha nito sa natutulog na si Reynard.
“Siya ba hinahanap mo?” tanong niya.
“Hindi, eh,” sabi ko, “ang video ba iyan ay nangyayari ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Ang nakikita niyo ngayon ay nangyayari ngayon,” sagot ni Trevor at uminom ito ng tsaa na nasa mesa.
“Kaya ba nitong makita ang video na nakunan ng surveillance cameras noong isang lingoo mula ngayon?” tanong ko sa kanya at nasamid siya sa kanyang iniinom. Napatili ulit ito at halos hindi niya makontrol ang kanyang sarili dahil sa kanyang narinig mula sa akin.
“Oh… I like that, newbie. Pinipiga mo talaga ang software na ito,” nakangising sabi sa akin at mayroon na naman siyang pinindot sa kanyang keyboard, “kahit anong araw ay kayang-kaya ko iyong makita gamit ng sarili kong software. Depende lang kung naka-save iyon sa kanilang computer or deleted na.”
Matapos niyang sabihin iyon ay mayroon na naman siyang ginawa sa kanyang keyboard at napamura ito nang makita niya ang kanyang gustong makita.
Biglang nagbago ang video na nasa screen at nakita ko doon si Reynard na nakikipag-usap sa isang babae. Nagtawanan silang dalawa at paniguradong si Eleneor nga iyon. May dala pa itong bag at malamang ay kakagaling lang niya mula sa Central City High School.
“Ito na ba ang hinahanap mo?” tanong ni Trevor at tumango ako sa kanya bilang pagsagot sa kanyang tanong.
Abala ako sa susunod na mangyayari dahil ilang saglit lang ay malalaman na namin kung sino ang may responsibilidad sa pagkawala ng anak ni Mr. Oliver. Ilang minuto ang nakalipas at mayroong babaeng tumatakbo sa harap nila at nadapa ito. Tinignan ko ng mabuti ang babaeng nadapa at isa siyang immune. Nakikita ko ang kanyang mukha ng nasa E.H. laboratory pa kami.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...