“Reaping Day”
ANG grupo nina Geek ay matagumpay na natapos ang kanilang isang linggong parusa. Mabuti naman ay ni-isa sa kanila ay walang namatay dahil sa mahigpit na pagpaparusa sa kanila ng CRYPTIC. Kasabay ng pagtatapos ng kanilang parusa ay siya namang mabilis na pagkukumpuni ng E.H. Laboratory.Kapag tinitignan ito ng matagal ay hindi mawawari na ito ay nasira dahil sa pulidong pagkakaayos ng CRYPTIC dito. Nagpapakita lang na masyadong advance ang kanilang gamit na teknolohiya. Sa loob ng isang linggo ay naayos nila iyon ng napakabilis. Kahit sa inembento nilang hydrogen bomb ay masasabi mo ring advance ang pagakakagawa.
Dahil sampu ang mga namatay sa nangyaring aksidente kasama na ang pagkamatay ni Larry ay siyamnapung mga immunes ang mapapasailalim sa sinasabi nilang Reaping Day. Ang lalaking pinatay ni Cruxian noong unang araw namin sa E.H. Lab ay agad napalitan ng bagong immune kaya hindi napabilang ang kanyang pagkamatay sa mga namatay na kabataan noong nakaraang linggo. Inutusan kanina ni Cruxian ang mga tagasunod niya na kumuha ng sampung mga kabataan para makumpleto ang aming bilang.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit eksaktong isang daan ang kakailanganing bilang para sa ginagawa nilang eksperimento. Balak ko pa sanang tanungin si Beatrice tungkol doon pero pinigilan ko nalang ang aking sarili baka makahalata siya na panay ako tanong tungkol sa buong Laboratoryo.
Kagaya ng dati ay nagsimula na naman kaming mag ehersisyo at uminom ng gamot na binibigay nila sa amin. Hindi nila alam ay pasimple kong itinatapon ang gamot para hindi maging sunod-sunuran sa kanilang mga gusto.
“Are you okay? You look so pale,” pagpupuna sa akin ni Beatrice habang nasa observation session kaming dalawa sa loob ng kanyang laboratoryo.
“Kinakabahan lang para mamaya,” mahinahon kong sagot sa kaniya.
Matapos ang kanyang ginagawa sa kanyang computer ay agad siyang humarap sa akin habang isinusuot ko ang puti kong damit. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat ng kanyang mga nadiskubre sa kanyang obserbasyon.
“Pareho lang ang mga results na nakuha mo noong una. Consistent. The Project Green is perfect fit to you,” sabi nito.
“Umm…” pag-aalangang tanong ko.
“Yes? I heard you,” sabi nito habang abala ang kanyang mga mata at kamay sa kakahanap ng kung anong bagay sa kanyang lamesa. Hindi ito nakatingin sa akin pero nakaabang ang kanyang tenga sa aking susunod na sasabihin.
“Can I ask?”
“Sure,” mabilis niyang tugon.
“What is Project Green?”
Dahil sa aking sinabi ay napatigil ito sa kanyang ginagawa at agad na umupo sa aking harapan.
“Project Green,” sabi nito sabay huminga ng malalim, “is a kind of experiment about your mind. It’s a complicated way to explain but I’ll make this information short. If you are the chosen one for this Project Green you can have this power. You can move objects by the power of you mind. You have this gravitational and anti-gravitational forces. A dangerous power.”
Kinalibutan ako sa mga sinabi ni Beatrice. Nakakatakot pakinggan ang kanyang ibingay na impormasyon sa akin. Kung sino man ang immune na makakatanggap ng nasabing eksperimento ay tiyak magiging malaking panganib siya sa buong Central City.
“What is the reason why CRYPTIC doing this?”
Inakala ko na hindi niya sasagutin ang aking tanong pero nagkamali ako. Agaran niyang sinabi sa akin ang plano ng CRYPTIC sa aming lahat.
“They’re making a super soldier to invade the Golden Palace and the rest of the City,” mahinahon pero nakakatakoy niyang tugon. “They are doing a genetic engineering experiment to your body after this reaping day.”
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...