CHAPTER NINE

20 7 7
                                    

“Mood Ring”


“ARE you okay?” I asked her when I have a chance to talk to her. She have a lot of bruises on her face. Also some cuts to her shoulders and arms. It’s their three days of punishment and I saw how tough she was. She still wearing a smile even though how rough the punishment was.

Hindi pinapakita sa aming ibang mga immunes ang kanilang pagpaparusa sa grupo ni Geek. Maririnig lang sa kalayuan ang panaghoy nila sa sakit ng ginagawa ng CRYPTIC sa kanilang mga katawan. Kaya hindi ko na natiis ang sarili ko na kausapin si Telleraza. Hindi ko na inalala kung sasawayin ko ang utos ni Cruxian na huwag silang kausapin. I need to check her if she was okay. I was worried about her everyday.

“I’m okay. It’s just a scar,” sagot niya sa akin, “don’t talk to me. That’s against the rule.”

“That is not a simple scar. Ano ba ang ginawa nila sa inyo? Mukha hindi naman yata tama ang pinagagawa nila.”

Agad na umiwas sa akin si Tellereza nang nakita niya ang isang bantay na papalapit sa kinatatayuan namin. Maangas itong tumingin sa akin at doon palang ay uminit na ang ulo ko. Akmang hahamunin ko siya ng suntukan nang pinigilan ako ni Telleraza.

“Walang kakausap sa kanila. Hindi mo ba naintindihan ang bagay na iyon number 50?!” maangas na tanong ng bantay sa akin.

“I just checked her if she was okay. It’s not that big deal.”

“Ito yung big deal!” sigaw nito sa akin at hinampas ang balikat ko ng kanyang hawak na baril dahilan para mawalan ako ng balanse.

Napaluhod ang isang tuhod ko sa kanyang ginawa at mabuti nalang ay nasalo ako ni Telleraza kaya medyo hindi ako natumba ng tuluyan. Binalaan niya ako na kapag kakausapin ko pa ang siyam na immunes na pinarusahan ay paniguradong basag daw ang bungo ko. Agad naman itong umalis sa aming kinatatayuan.

Dahan-dahan akong tumayo habang inaalalayan ni Tellereza at napansin yata niya ang suot kong singsing at agad siyang nagtanong sa akin tungkol doon.

“It always stays at black,” sabi nito at agad ko namang tinignan ang singsing.

“Palagi yang itim. Mukhang hindi naman totoo ang mood ring,” sabi ko habang pinipisil ng marahan ang balikat ko na hinampasan ng baril kanina.

“Saan mo ba iyan nakuha?” tanong nito at mabilis ko siyang sinagot.

“Kay Beatrice, yung babaeng palaging may observation tests sa atin,” sabi ko na wala namang pakialam sa topiko ng aming pinag-uusapan. Akmang babaguhin ko sana ang tema ng aming pinag-uusapan nang bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay na may suot na singsing.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko na agad kong pinagtaka ng matindi. Parang mayroong kuryenteng dumaloy mula sa aking kamay papunta sa aking tiyan at nanatili sa aking dibdib. Sa sobrang bilis ng pagpintig ay nahigirapan na akong huminga.

“Nagbago siya!” magiliw nitong sabi ng napansin niya ang biglang pagbabago ng singsing. Mula sa kulay itim ay marahan itong nagbago sa kulay na kahel.

Nanlaki ang aking mga mata sa nangyari dahil buong akala ko ay sira ang mood ring na ibinigay sa akin ni Beatrice.

“Kinakabahan ka ba?” tanong ni Tellereza habang natutuwa siyang pinapanood ang singsing.

“M-Medyo?”

“Subukan mong kumalma,” sabi niya at tinignan ako sa mata, “breathe. Just breathe. Let your heart relax.”

Sinunod ko ang kanyang ginagawa. Sabay kaming huminga ng malalim at sabay ding pinapakawalan ang aming mga hininga. Ilang minuto ang nakalipas ay medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko at hindi na nagwawala ang pintig ng aking puso. Ilang saglit ay halos mapatalon sa tuwa si Tellereza nang makita niya na bumago na naman ang kulay ng singsing. Naging kulay berde ito.

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon