CHAPTER TWENTY-TWO

11 4 6
                                    

“Must Impress the Empress”


“MY answer is NO,” biglang sigaw ng kanilang pinuno nang nakiusap si Dwell na kung maari ay manatili muna kami sa kanilang covert. Nakangisi naman ang mokong sa kanilang pinuno at sinasabayan ng kanyang panginginig ang labis na pagpapawis sa kanyang mukha.

“B-but—”

“Don’t you dare to interrupt me while I’m talking. What do you think of us here? Orphanage? Do you think our food will not be enough for so many stomachs here below the ground??” pagpapatuloy niyang pangsesermon kay Dwell habang nakatalikod ito sa aming lahat.

Noong nagsimula ang pag-uusap nilang dalawa ay nakatalikod lamang ito habang inaayos ang kanyang sarili sa harap ng salaming hawak niya. Mayroon siyang dalawang alalay na tumutulong sa kanyang ginagawa.

“I don’t care who they are. I don’t care where did you find these filthy teenagers. My decision is already fixed. No one can change my mind,” mataray nitong sabi.

Mukhang matalim ang dila ng kanilang pinuno at hindi manlang niya napapansin ang kanyang mga binibitawang mga salita.

“Kung iniisip niyong masakit akong magsalita ay isipin niyo lang na ganito na talaga ako dati pa. And let me say this. RAPSCALLION are not accepting some vagabonds from our enemies. You should go somewhere. We don’t want any trouble. We have enough of it.”

Bawat pagbigkas ng mga salitang pinalalabas niya ay mayroong halong panggigigil at mabigat na diin. Dahil medyo nararamdaman ko na hindi niya kami kayang tanggapin sa loob ng kanilang lihim na taguan ay agad kong kinausap si Tellereza na nakatulala at hindi ko mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.

“Saan na tayo ngayon pupunta?” tanong ni Tellereza.

“Hindi ko alam. Mukhang masasaktan lang tayo rito kapag ipinilit natin ang ating mga sarili. Malaki ang Central City. Puwede tayong makapagtago sa mga abandonadong nga eskinita,” suhestiyon ko kay Tellereza. Mukhang sumang-ayon naman ito sa aking mga sinabi at agad na siyang humakbang ng dalawang hakbang palayo sa akin.

Hindi naman namin ibababa ang aming mga sarili para makiusap sa pinuno nilang babae. Kung ayaw niyang tumulong ay wala na kaming magagawa ukol dun. Ang tanging pagpipilian nalang namin ay makalabas sa kagubatan at pumunta sa siyudad.

Ang kagubatang ito ay nasa gilid ng Central City at nasa gitna ang siyudad kung saan nangyayari ang mga kalakalan, negosyo, at iba’t ibang gawain para sa ikakaunlad ng ekonomiya ng siyudad. Hindi naman siguro kami mamatay sa loob ng siyudad kapag mananatili kami doon.

“Dwell,” pabulong kong tawag kay Dwell para magpaalam sa kanila, “aalis nalang kami. Mukhang mainit ang paningin ng inyong Empress sa aming tatlo. Kung ipipilit mo pa ang iyong nais ay baka ikaw ay madamay sa kanyang galit.”

Huminga muna ito ng malalim bago siya sumagot sa aking sinabi, “mayroon pang paraan. Hindi ko naman puwedeng hayaan kayo na palaboy-laboy sa loob ng kagubatan.”

“Maya-maya ay dadating na ang RAPSCALLION’s Five Pillars of Death. Ipaghain mo sila ng makakain,” sabi ng kanilang Empress sa isa niyang katulong. Kahit mahina lang ang kanyang sinabi ay narinig namin iyon dahil umalingawngaw ang buo niyang boses sa kanyang silid.

Akmamg magsasalita ako nang biglang lumaki ang mga mata ni Dwell. Siguro ay mayroon siyang naisip na ideya kung papaano kami mananatili dito sa loob ng kanilang lihim na taguan.

“That’s it!” masayang sabi ni Dwell at agad na pinisil ng matindi ang dalawang balikat ko sa sobrang saya na kanyang naramdaman. Agad siyang lumingon sa kanilang Empress at mabilis na nagsalita. “Empress Jerline Castillo. Paano kung gusto nilang maging myembro ng RAPSCALLION? Papaalisin mo ba sila?” nakangising tanong ni Dwell sa babaeng nakasuot ng galit na mukha.

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon