“Glowing Eyes”
SINABI sa akin ni Bain Cane ang dahilan kung bakit sila naglaban ni Vel Martin kanina. Ayon sa kanya ay pinahintulutan silang dalawang magduwelo ng mga bantay. Gusto raw ng CRYPTIC na masaksihan ang kanilang mga abilidad kung kaya nitong makipaglaban sa isa’t isa. Dahil sa kanilang ginawa ay nagbigay sila ng libangan sa buong Laboratoryo.Nang matapos ang aming pagsasanay sa TGSA ay agad akong pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha. Ang ibang immunes ay nasa cafeteria para kumain ng kanilang pananghalian. Kailanman ay hindi kami nakatikim ng masarap na pagkain. Palagi nalang walang lasa ang kanilang pagkaing hinahain sa amin at konti lang ang binibigay sa amin bawat araw. Mukhang tinitipid nila kami sa pagkain at pinaparusahan sa pagsasanay.
Habang nakatingin ako sa salamin ay sinubukan kong gamitin ang aking abilidad. Bawat tubig na dumadaloy sa aking mukha ay gumugulo sa aking konsentrasyon. Sinusubukan kong patayin ang ilaw sa buong banyo. Sa tagal ng aking konsentrasyon ay unti-unting lumiliwanag ang bughaw na kulay ng aking mga mata.
My pupil in my eyes started to glow like a neon lights. When I got nervous about what happened, I immediately closed my eyes to convinced myself that I am hallucinating. For the second time, I tried to use my ability to distort all the lights inside this bathroom and when I did that my eyes started to glow again. I closed my eyes and the light bulbs at ceiling started to get back to normal like there’s nothing happened. Therefore, I concluded that whenever I use my ability my eyes started to glow at the same time.
“Are you okay there, dude?” tanong ng isang lalaking immune na nasa labas ng banyo.
“Patapos na ako,” sagot ko sa kanya at agad na binuksan ang pinto at naglakad patungo sa cafeteria.
Twelve fifteen na ang oras at napupuno na ng buong immunes ang cafeteria. Nasa gilid ang mga bantay habang minamatyagan kaming lahat na kumakain. Nasa plato ko ang isang parte ng manok na hindi ako sigurado kung anong klaseng pagluto ang ginawa nila. Steam ba o prito.
Nasa gilid ng parte ng manok ang isang cabbage salad na may kasamang pahabang hiwa ng carrots, boiled eggs, parsley at corn. Mayroon ding kasamang fried hake fish at rice with beans. Kahit nakakaayang tignan ang pagkain na nakaayos sa aking plato ay kung susubukan mong tikman iyon ay parang pinagkaitan ka ng asin dahil sa walang kalasa-lasang pagkain.
Hindi ko nakita sa cafeteria si Bain Cane. Nagkahiwalay kami kanina nang pumunta ako sa banyo para maghilamos. Balak ko na sanang huwag ubusin ang aking pagkain nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Nilingon ko kung sino ang nagsalita pero abala ang lahat sa kanilang kinakain.
“Nate,” tawag ulit sa akin ng babaeng boses.
“Who’s that?” pabulong kong sabi sa aking sarili at agad na sumubo ng pagkain.
“Lift your head.”
Habang patuloy ang kanyang pagsasalita ay tumatayo na ang balahibo ko sa katawan dahil sa takot. Nahihibang na ba ang isip ko kaya ko naririnig ang boses na iyon?
Agad na naputol ang malalim kong pag-iisip nang inilapag ng isang immune ang kanyang plato sa tabi ng plato ko. Agad ko namang tinignan ang ang taong gumawa nun. Nang makita ko ang kanyang mukha ay labis ang saya na aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman dahil sa gusto ko siyang yakapin o lumundag sa harap niya nang makita ko siya.
“Tellereza?” marahan kong sabi sa kanya at ngumiti ito sa akin.
Hindi niya ako sinagot bagkus ay biglang lumiwanag ang kanyang mga mata at narinig ko na naman ang boses na tumatawag sa akin kanina. Ngayon ko nalaman na siya pala ang babaeng tumatawag sa akin kanina gamit ang kanyang abilidad na tinatawag na telepathy.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...