CHAPTER NINETEEN

15 5 7
                                    

“For Your Brother”

KINAUSAP ko muna si Tellereza tungkol sa aming binabalak. Kailangan ko munang gamitin ang abilidad ni Tellereza para kausapin ng palihim ang immunes para hindi kami paghinalaan ng mga bantay. Sa oras na matanggal na sa buong immunes ang tracker tattoo ay sabay-sabay naming aatakihin ang mga bantay at sa oras na iyon ay tiyak na makakamit namin ang aming minimithing kalayaan.

Unang kinausap ni Tellereza ang grupo nina Geek. Mayroon kaming isa at kalahating oras na pagpapahinga dito sa cafeteria at dapat mabilis na matanggal ni Bain Cane ang tracker na nasa mga pulso nila. Wala naman sa aking isipan na mayroong magtatangkang isumbong ang aming balak sa bantay dagil iisa lang aming gusto, iyon ay ang kalayaan.

Dahil nag-iisa lang ang device na gamit namin pangtanggal sa tattoo ay dapat na bilisan ni Bain Cane ang kanyang ginagawa. Lumalabas ang isang pulang laser ang tracker removing device para tanggaling mabuti ang tattoo na nasa mga pulso namin kaya nakakaramdam kami ng matinding sakit. Matapos iyong matanggal ay mag-iiwan iyon ng permanenteng peklat.

Alam ko na ano mang oras ay nasa kaalaman na ni Erso ang ginawa ni Beatrice sa amin. Imposibleng hindi nila malalaman dahil sa nagkalat na surveillance cameras sa kaniyang laboratoryo.

“Halt!” sigaw ng isang bantay na ikinatigil ng lahat, “your break is over. Where’s Nate Peter Horseson?”

Sa kanyang sinabi ay bigla akong kinabahan. Mukhang alam na nila ang nangyari kanina sa laboratoryo ni Beatrice. Inulit pa ng bantay na tawagin ang aking pangalan sa napakalakas nitong boses na agad na ikinagulat ng lahat. Nang tumayo ako para ipakita ang aking sarili sa kanya ay biglang tumunog ang alarm ng E.H. Laboratory. Umalingaw-ngaw ito sa buong silid habang papalapit ako sa bantay na tumawag sa akin kanina.

“You all are going to relocate to our new laboratory. And you, Nate Peter, you have something from us,” sabi ng bantay at nang nasa tapat na niya ako ay tinignan niya ako ng masama, “now, all of you stand up and—” putol nitong sabi nang biglang tumalsik ang buong bantay dahil sa biglang pagwasak ng pader na nasa likod nila.

Nabaling ang paningin naming lahat sa isang lalaking nagtatago sa usok sa nangyari kaninang pagwasak ng pader. Humakbang ito ng ilang beses at nang makaalis na siya sa makapal na usok ay nasilayan namin ang mukha ni Kevin.

“Bilisan niyo na ang inyong ginagawa. Parating na si Erso Hallick!” sigaw ni Kevin sa amin habang ginagamitan niya ng kanyang abilidad ang mga bantay.

Agad na pinagpatuloy ni Bain Cane ang kanyang ginagawa. Dahil hindi ako mapakali sa kalagayan ni Beatrice ay mabilis ko siyang pinuntahan. Iniwanan ko na sa kanila ang lahat dahil kailangan kong iligtas si Beatrice. Ngayong nagkakagulo na ang buong E.H. Laboratory ay wala ng oras para magpabagal-bagal pa.

Nakalimutan ko na kase ang tungkol kay Beatrice nang papunta na ako sa mga immunes. Ang alam ko ay nasa kanyang laboratoryo pa siya. Pero hindi ako nakakasigurado na hindi pa siya nadadakip ng mga CRYPTIC dahil patuloy parin ang pagalingaw-ngaw ng alarm sa buong EH. Lab.

Mabuti nalang ay nandoon si Kevin sa mga immunes para pigilan ang mga bantay. Nawa’y matanggal nila ang tattoo sa mga pulso nila.

“Halt! Don’t move any muscle or else—” pagpipigil sa akin ng isang CRYPTIC at tinutukan ako ng baril. Tatlo ang kanilang bilang at nakasuot sila nga itim na jacket. Nang akmang babarilin nila ako dahil hindi ako nakinig sa kanilang pagbabanta ay mabilis ko silang ginamitan ng aking abilidad.

Agad nilang binaba ang kanilang mga baril dahil sa pinaglaruan ko ang kanilang elektrisidad sa kanilang mga utak dahilan para magkaroon sila ng anxiety confusion. Magagamit ko lang ang teknik na iyon kapag malapit sila sa akin ng dalawang metro. Nang malagpasan ko na sila ay doon lamang nawalan ng bisa ang abilidad ko na iyon sa kanila.

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon