“Covert”
“Y-YOU are what?” nauutal kong tanong sa kanya habang hinahawakan ang kamay ni Tellereza. Kapag tatangkain niya kaming atakihin ay pipigilan ko siya para mayroon pang pagkakataon si Tellereza na makatakas.“We are a mercenaries. We’re being hired and serving the person who paid us for wages.” Hanggang ngayon ay mahinahon pa rin ang kanyang pananalita.
“Kung gayon ay bakit nandito kayo? Binayaran ba kayo ni Erso Hallick para patayin kami?”
Nagkatinginan silang lahat matapos nilang marinig ang aking sinabi. Ilang sandali lang ay nagsintawanan silang lahat. Dahil doon ay napakunot ako ng noo dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko.
“Erso Hallick? One of the elite Doctor of CRYPTIC?” hingal na hingal na sabi ng lalaki dahil sa sobrang kakatawa kanina. “Hindi kami nandito para patayin kayo. Napadaan lang kami kase pauwi na kami sa aming covert.”
“Covert?” bulong ko sa aking sarili at agad nabaling ang aking paningin kay Tellereza. Agad niyang naintindihan ang aking tinging iyon. Dahil doon ay binasa ni Tellereza ang kanilang mga isipan kung nagsasabi ba sila ng totoo.
Nang mapatunayan ko na nagsasabi sila ng totoo gamit ang abilidad ni Tellereza ay muli ko silang tinanong.
“Kung hindi kayo naparito at kung napadaan lang kayo ay bakit wala ng malay ang aming kaibigan na nakahiga sa lupa?”
A guy who wore a mask suddenly sat in a squatting position to watch our friend, Bain Cane, on the ground. He’s still out of conscious. The weight of the guy with mask is on his feet while his hips and knees are still in bent. I was amazed of how he can hold his sitting position in that long period of time.
“Hindi namin siya sinaktan. Habang naglalakad kami ay bigla nalang siyang nabangga sa likod ko at doon ay nawalan na siya ng malay. Wala kaming ginawang masama sa kabigan niyo,” sabi ng lalaking mayroong maskara.
Noong una ay hindi pa ako nakumbinsi sa kanyang sinabi pero nang napatunayan ni Tellereza na hindi sila nagsisinungaling ay agad na akong nakahinga ng malalim.
“Kung ganun ay pasensya na sa abala. Maari ba ay paraanin niyo kami baka maabutan kami ng mga CRYPTIC,” sabi ko at pinuntahan ang kinaroroonan ni Bain Cane.
“Kayo ba ang mga immunes ng E.H. Laboratory?” tanong ng isang lalaki.
“Oo,” mabilis kong sagot sa kanila habang inaalalayan sa pagtayo si Bain Cane. Agad naman akong tinulungan ng lalaking nakamaskara sa pagbuhat kay Bain Cane.
“Saan ngayon kayo pupunta?” tanong ng lalaking kausap ko kanina.
“Hindi ko alam,” sabi ko.
“Sumama kayo sa amin. Doon puwede kayong manatili pansamantala. Ngayong malalim na ang gabi ay delikado para sa inyo ang gumala sa loob ng kagubatan. Maraming mga mababangis na hayop at baka mahanap pa kayo ng mga CRYPTIC.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Hindi ko naman puwedeng pagkatiwalaan siya ng basta-basta. Kahit nagsasabi sila kanina ng totoo ay mayroon pa ring pagkakataon na baka patayin nila kami.
“Huwag niyo kaming alalahanin. Alalahanin ninyo ang inyong mga sarili,” sabi ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
Akmang maglalakad kami palayo sa kanila nang awtomatikong huminto ang aking mga mata sa paggalaw nang may narinig kaming putok ng baril sa iba’t ibang deriksyon ng kagubatan. Makailang ulit itong tumunog hanggang sa pumalibot sa amin ang tatlong Rapscallion para kami ay protektahan.
“Hindi ko gusto ang tunog ng baril na iyon,” mahinang sambit ng isa sa kanila, “Mabuti pa ay sumama kayo sa amin para doon muna magpalipas ng gabi. Delikado ang magpagala-gala sa gitna ng kagubatan lalo na’t nasa paligid pa rin ang mga CRYPTIC.”
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...