CHAPTER FIVE

45 11 43
                                    

"The Plan”


“DO I need to swallow this everyday?” tanong ko sa bantay na nakaabang sa gym ng E.H. Laboratory.

“There’s a policy here, no asking questions or else…” pagbabanta nito at agad na hinimas ang hawak niyang baril.

“Okay, relax. I get it. I get it,” sabi ko sabay inilagay ang tableta sa ilalim ng dila ko. Nang nagawa ko iyon ay agad ko siyang nginitian at tumungo na sa cafeteria. Agad ko namang kinuha ang tableta sa aking bibig at mabilis na pinasok sa aking bulsa.

Lahat kami ay nakasuot ng puting pang-itaas at pang-ibaba. Karamihan sa amin ay sumpak ang pisngi dahil sa sobrang pagod ng pinapagawa sa amin sa loob ng gym.

Pagkatapos sa gym ay sunod naman naming gagawin ay ang pagpasok sa Combat Obstacle Room para masubukan ang aming katawan sa mga obstacles courses tulad ng balancing bridges, stepping stone, dodging panels at marami pang iba. Hindi lang simpleng pagtakbo ang ginagawa namin dahil kapag huminto kami sa aming ginagawa ay agad nila kaming hinahampas sa likod ng hawak nilang metal rod.

Ang iba rin ay wala ng tulog dahil sa iniinda nilang sakit sa kanilang mga katawan. Isama mo pa ang tests na ginagawa sa amin ni Beatrice na nakakawala ng lakas. Hindi rin sapat ang pagkaing binibigay nila kaya hindi napapalitan ang lakas na nawala namin. May tatlong araw pa kaming natitira bago isagawa ng E.H. Laboratory ang kanilang eksperimento.

Sabi sa akin kanina ni Beatrice ng matapos na ang observation tests niya sa akin ay kapag hindi namin nakamit ang ideal body measurements ay mapipilitan ang CRYPTIC na barilin kami sa ulo. Kaya pinipilit ng mga kabataan na makamit ang gusto ng Laboratoryo. Hindi ko rin alam kung papaano namin makukuha ang ideal measurements sa loob ng isang buwan.

“I’m so sorry,” pagpapaumanhin ng isang babae ng masagi niya ako ng kanyang siko.

“It’s okay,” sagot ko naman sa kanya. Tinitigan ko siya ng maigi at inaamin ko na maganda siya lalo na nang ngumiti ito sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin ng deritso at agad na naglakad palayo sa kinatatayuan ko.

Medyo wala siyang tulog dahil lubog ang kanyang mata pero hindi iyon naging hadlang para lumitaw ang magandang kulay ng kanyang mata.

“Double time!” sigaw ng lalaki na nagbibigay sa amin ng pagkain. Tinuro niya ako bilang pagtawag sa akin. Agad akong lumapit sa kanya at inilahad ang isang pinggan para lagyan niya ng pagkain.

Mainit pa ang kanyang ibinigay sa aking pagkain kaya muntik ko ng maihulog ang pinggang hawak ko.

“Parang hindi ka lalaki. Parang yan lang,” pamumuna nito.

Pinigilan ko ang aking sarili na huwag ihampas sa kanyang mukha ang hawak kong pinggan dahil kapag nangyari iyon ay paniguradong bugbug  ang aabutan ko.Tinignan ko siya sa pangalawang beses ng masama  bago pumunta sa isang bakanteng lamesa. Doon ay hinintay ako ni Bain Cane at mayroon siyang kasamang isang immunes.

“Who’s that?” tanong ko nang makaupo na ako sa harap nilang dalawa.

“I’m Geekoin. Geek for short. Nabanggit kasi sa akin ni Bain Cane ang plano ng CRYPTIC sa atin kaya naisipan kong isama kayo sa gagawin naming pagtakas dito sa E.H. Laboratory.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at agad na tinakpan ang kanyang bunganga ng aking isang palad dahil biglang dumaan sa gilid namin ang isang CRYPTIC na binabantayan kami kapag kumakain.

“Hindi ko nga nagawang makapag-isip ng plano para makatakas dahil sa higpit ng pagbabantay nila sa atin,” sabi ko sa kanya bilang pagtutol sa kanilang binabalak.

“Kakasimula lang namin kagabi pag-usapan ang plano. Ayaw naming maging produkto kami ng eksperimento ng Laboratoryong ito,” sagot ni Geek habang umiiwas ng tingin sa mga bantay na nasa gilid ng cafeteria.

“Paano kayo nakakapag-usap tungkol sa plano kung magkaiba-iba ang mga kwarto natin. Isa pa ay kapag lalabas ka ng kwarto ay paniguradong makikita ka nila dahil sa mga surveillance cameras na nakakalat sa buong Laboratoryo?”

Huminga ito ng malalim tsaka kinuha ang tinidor at tinusok ang isang piraso ng gulay at kinain iyon. Bago pa niya nasagot ang tanong ko ay nilunok niya muna ang kanyang minumuya sa kanyang bunganga.

“Malalalaman mo ang lahat kapag papayag kang maging parte ng misyon naming makatakas dito sa kahindik-hindik na lugar na ito,” sabi niya at itinuro ako gamit ng tinidor na hawak niya.

Agad kong tinignan si Bain Cane dahil mabigat ang loob ko kay Geek. Hindi ko maipaliwanag pero parang mahuhuli kami sa mga padalos-dalos nilang mga desisyon. Isa pa ay kagabi lang nila nasimulan ang pagpaplano. Binigyan ko ng tingin si Bain Cane na parang nagtatanong sa mga sinasabi ni Geek. Ito namang si Bain Cane ay hindi agad nakuha ang pinaparating ko sa kanyang tingin.

“Ano na? The clock is ticking. Mamayang gabi ay tatapusin namin ang plano at sa susunod na gabi ay doon na namin isasagawa ang aming pinagplanuhan. Sasama ka ba?”
Tinignan ko muna si Bain Cane at sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya na naman nakuha ang gusto kong iparating.

“So, what’s your decision, man?”

“I’m in,” maiksing kong sagot na lubos nilang dalawang ikinatuwa.

“Mamayang gabi ay aasahan namin ang pagdating mo,” sabi niya sa akin at agad na tumayo at pumunta sa isa pang mga immunes na nagkukumpulan sa kabilang lamesa.

Nakita ko ang babaeng nasagi ako kanina. Nasa grupo siya ng mga immunes na pinuntahan ni Geek. Doon ay nakikipagtawanan siya sa mga ibang mga immunes. Namumukod tangi ang kanyang kagandahan sa ibang mga kababaihan na katabi niya. Hindi ko tuloy maalis ang aking sa kanyang magandang mukha. Napansin niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya naman ay naglabanan ang aming mga mata sa titigan sa isa’t isa.

Naputol lang ang aming tinginan nang sinaway sila ng isang bantay dahil sa nililikha nilang ingay. Isang oras lang ang binibigay sa amin para tapusin ang aming pagkain kaya walang nagawa ang bantay kundi sawayin sila na umalis na sa cafeteria ng E.H. Lab.

Kagaya ng mga nagdaang mga araw ay pagkatapos ng aming umagahan ay babalik ulit kami sa gym para parusahan ang mga sarili namin. Kailangan ng iba na makamit ang ideal measurements para maging qualified sa kanilang eksperimento. Kung hindi ay tiyak basag ang bungo namin. Kahit sa loob ng gym ay nakabantay parin ang mga CRYPTIC.  Lahat sila ay maangas ang mga tingin sa aming lahat. Animo’y kapag hihinto kami sa aming ginagawa ay lalagyan nila ng bala ang mga katawan namin.

Dito sa loob ay maraming mga obstacle courses na kailangan naming ulit-uliting gawin. Hindi ko na iisa-isahin ang mga tawag sa bawat courses dahil ang totoo ay hindi ko naman alam ang mga tawag doon. Napakahirap lang gawin ay ang maglambitin kami sa isang steel bar dahil  hindi malakas ang core muscle ko. Matatapos ang tanghalian ay agad na naman kaming pupunta sa gym at ganito natatapos ang aming buong araw. Paulit-ulit. Walang pahinga, kahit hindi na kaya ng aming mga katawan ang pinapagawa nila ay pinipilit namin dahil ayaw pa naming mamatay.

We’re only teenagers, we supposed to enjoy our lives but these evil CRYPTIC ruined everything. It seems like we’re exist just to follow these to be their lambs, waiting to be slaughtered in grief and suffering. They have no hearts!

“Man, are you okay?” A random guy asked when I accidentally fell from the bars.

“Yes” I said.

Thank you for reading :)

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon