“Variation”
“YOU all need to master all of these,” sabi ni Dwell habang nasa gym kaming tatlo. Nagsasanay kami ngayon sa paggamit ng baril. Hindi naman kami ganoon kahirap na gumamit ng baril pero ang problema ko lang ay ang pag-asinta.Kumpara kay Tellereza at Bain Cane ay mas magaling silang umasinta sa mga shooting range target na nasa dulo ng pasilidad. Sabi ni Dwell ay puwede naming gamitin ang aming mga abilidad pero pinagbabawal kaming gamitin iyon ng Empress. Hindi ko alam kung sinusunod niya ba ang pinag-uutos sa kanya ng kanilang lider o hindi.
Sabi niya pa ay bukas kami magsisimula sa paghahanap kay Eleneor. Sa loob ng isang linggo ay dapat mahanap na namin si Eleneor para mabayaran kami ni Mr. Oliver. Iyon kase ang nakalagay sa mission request na nailagay ni Armando sa papel.
“Nice shot, Tellereza,” pagpupuri ni Dwell sa kanya pero agad niya itong inirapan.
“Nababasa ko ang isip mo,” mahinahon ang mukha ni Tellereza pero taliwas ito sa tono na kanyang sinabi kay Dwell.
“Please, don’t use that ability to me. It’s my privacy. Don’t read it.”
“I don’t care,” mataray nitong sabi tsaka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Nang matapos kami sa aming pagsasanay ay agad kaming sinamahan ni Dwell sa silid na kung saan mayroong napakaraming mga libro. Ayon sa kanya ay ito raw ang maliit na library ng RAPSCALLION patungkol sa mga edible plants sa loob ng Central City. Tungkol sa mga buong Palace at sa mga bagay-bagay na patungkol sa kung paano ginawa ang buong siyudad.
Mayroong tatlong lamesa na nakapuwesto sa gitna ng library. Bawat lamesa ay mayroong apat na upuan at halata sa buong lugar na hindi ito ginagamit dahil sa mga alikabok na nasa itaas ng mga lamesa. Gumuhit si Bain Cane ng mahabang linya sa mga alikabok na nasa lamesa at agad namang nandiri si Tellereza matapos niyang gawin iyon.
Isang oras kaming nag-eensayo sa at agad dumeritso kami dito sa loob ng library. Mayroon daw kaming pag-uusapan sabi ni Dwell. Kailangan daw naming malaman iyon para mayroon kaming kamalayan sa topikong pag-uusapin namim.
“Let’s begin our discussion,” pagsisimula ni Dwell at agad na kaming umupo sa mga upuan. Dahil ayaw umupo ni Tellereza ay mas pinili na niyang tumayo habang nakikinig sa mga sinasabi ni Dwell.
Ang unang sinabi niya ay ang kabuuang mapa ng Central City. Ipinakita niya sa amin kung saan nakapuwesto ang Central City. Nasa gitna ang siyudad at napapalibutan ito ng mga makakapal na kagubatan. Itinuro rin niya ang apat na labasan ng pader. Ito raw ang apat na Gate nga Central City palabas sa misteryosong lugar.
Wala kaseng libro o taong nakakaalam sa labas ng Central City’s wall. Mayroon namang nagsasabi na wala iyong mga puno, hayop, o tao. Tanging malawak na kawalan. Walang iyon kahit ano. Mayroon namang bersyon ng kuwento na napupuno ang labas ng pader ng mga mababangis na hayop na kumakain ng tao at iyon ang tanging dahilan kung bakit kinulong ang buong sangkatauhan dito sa loob ng siyudad.
Dahil matagal na ang mga kuwentong iyon ay mayroon ng iba’t ibang bersyon ang binawasan at dinagdagan. Dahil doon ay mayroon ng mga teorya ang mga tao kung ano ba talaga ang nasa labas ng Central City.
“But we are not talking about the history of our City. We all know the history of our City. What am I discussing here in front is about the variation of golden troops,” sabi ni Dwell habang mayroon siyang hinahanap na libro sa mga estante na nakahalera sa buong silid.
Bigla akong nagkaroon ng interes sa kanyang sinabi. Hindi kase nababasa o tinuturo ang patungkol sa mga golden troops. Wala akong alam kung bakit hindi iyon pinag-uusapan sa klase. Ang tanging alam ko lang ay ang golden troops na nagkalat sa buong Central City. Dahil gusto iyong pag-usapan namin ni Dwell ay agad akong ginanahan sa pakikinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Ciencia FicciónAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...