CHAPTER TWENTY

24 5 9
                                    

“Rapscallion”


MOM, I’m home…” sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Hindi naman kalakihan ang aming pamamahay kumpara sa mga bahay ng aking mga kaklase. My dad is a postman. delivering mails and parcel posts to businesses and residences. My mom is a housewife. Cleaning our entire house when me and Dad left for work and school.

Today, I got a low scores from five of my subjects. I don’t know what happened. I tried last night to study but I ended up being a failure. I always like this since I was in grade school. Always out of the class. Slow to catch up with our topic and because of that, I rarely making friends with my classmates. They don’t like me and I felt like I always out of place.

Agad kong iniwan ang aking sapatos sa gilid ng pinto at pumunta agad sa kusina para hanapin si Mom. Balak ko sanang itago sa kanila ang aking iskor kanina sa pagsusulit pero napagdesisyunan ko na sabihin nalang dahil makakaluwag iyon sa aking dibdib. Wala na rin namang saysay kung itatago ko pa.

Nadatnan ko sa loob ng kusina ang kumukulong tubig sa malaking kawali. Agad ko iyong binuksan para tignan kung ano ang niluluto ni Mom at nang makita ko ang loob nito ay doon ako nakaramdam ng matinding gutom. Sa bango at aromang binibigay ng kanyang niluluto ay nakakapagbigay sa akin ng humaling na kumain.

She’s cooking a Chicken in a ginger broth with sliced green papaya and green leaves of siling labuyo, together with onions and fish sauce. In short, she’s cooking Chicken Tinola. One of my favorite dish during cuddling weather.

Nandito ka na pala?” agad akong napalingon sa boses na biglang nagsalita. Nakita ko ang mukha ng aking Ina. Nakangiti ito sa akin at dahil doon ay nag-aalangan akong sabihin sa kanya ang nakuha kong grado kanina. “Malapit nang magtanghali. Umupo ka na diyan dahil may pasok ka pa mamaya,” pagpapatuloy ni Mom at ginabayan niya akong umupo sa harap ng lamesa.

Pinaghain niya rin ako ng mainit na sabaw kasama ng napakaputing kanin. Perpektong kombinasyon dahil wala pa ring tigil ang kakabuhos ng ulan mula sa kalangitan.

Kumusta ang naging pagsusulit ninyo?” tanong niya sa akin at agad kong iniwas ang aking paningin sa kanya.

Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang aking pagkain dahil sa kanyang tanong. Ayaw ko namang basagin o sirain ang kanyang matatamis na ngiti dahil sa nagkaroon ako ng mababang iskor kanina.

Nang mapansin niya yatang wala akong balak na sagutin ang kanyang tanong ay doon na muli siyang nagsalita. Naglaho na ang masaya nitong ekspresyon at agad na hinawakan ang aking kamay.

“Nate. I know you’re trying your best to be good at school but let me know what’s your score?” mahinahon nitong tanong sa akin.

“Umm…” nag-aalangan kong sabi sa kanya, “mababa. Hindi manlang ako nakakuha ng mataas na iskor kanina.”

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon