“Telumkinesis”
NAKITA ko ang aking sariling compartment dito sa loob ng TGSA. Bawat number ng immune ay mayroong sari-sariling separate compartment, bawat compartment ay dinisenyo base sa kanilang mga abilidad. Dahil kaya kong kontrolin ang electricity ay napupuno ng kable ng kuryente ang buo kong kompartimento.Nang hahakbang ako papasok sa loob ay biglang may kumalabit sa aking likuran. Agad ko namang nilingon siya para tignan ang kanyang mukha. Ngumiti ito sa akin nang magtama ang aming mga paningin. Maging ako ay napangiti nang makita ko siya.
“Dude! I thought you were dead?” maligayang sambit ni Bain Cane at bigla niya akong niyakap.
“Nakikita mo naman siguro akong buhay?” pagsasarkastikong sambit sa kanya. “But seriously, I’m good to see you.”
Nang makabitiw na siya sa pagkakayap ay nagsimula na itong magtanong sa aking ng kung anu-ano. Malaki ang kanyang pinagbago. Mukhang nanunumbalik ang sigla ng kanyang katawan matapos ang eksperimento sa amin.
“Look,” sabi nito sa akin at agad na hinablot ang kamay ng isang immune papunta sa amin. Hinawakan niya ang laylayan ng damit ng isang immune at bigla nalang nagbago iyon. Naging tubig ang kanyang damit at umagos pababa sa sahig.
Nagulat ako sa aking nakita at maging ang immune na hinablot niya ay hindi rin makapaniwala sa nangyari. Sa sobrang pagkamangha ng aking nakita ay halos mapalundag ako sa tuwa. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng ganoong pangyayari.
“Dude, your gift is… beyond epic,” pagpupuri ko sa kanya habang ngumingiti ito sa akin. Nang akmang magsasalita ito ay bigla siyang binatukan ng immune na kanyang hinablot kanina.
“Sira ulo ka. Wala na akong damit. Pagagalain mo ako rito na walang damit pang-itaas!?” galit na galit na bulyaw niya kay Bain Cane.
“Easy, buddy. I’m just showing my ability to my friend,” pagpapaumanhin ni Bain Cane sa lalaking immune pero parang hindi siya madadala sa tamang pagpapaumanhin lang.
“Alam mo gusto ko ding subukan sa iyo ang abilidad ko,” sabi ng immune kay Bain Cane at nanlilisik na ang mga mata nito sa sobrang galit. Hindi ko alam kung ano ang kanyang pangalan at ang kanyang numero dito sa Laboratoryo. Habang pilit na pinapakalma ni Bain Cane ang lalaki ay bigla nalang mayroong lumabas na matalim na bagay sa kamay ng lalaking immune.
Nagulat ako sa kanayng ginawa. Tila ba ay nagmula ang matalim na bagay na iyon sa kanyang katawan. Wala siyang hawak na kutsilyo kanina o kung ano mang bagay na matalim. Dahil doon ay alam ko na nanggaling sa kanyang katawan ang matalim na bagay na nasa kanyang kamay.
“My ability called as Weapon Manipulation or Telumkinesis,” sambit ng immune na kasama namin ni Bain Cane, “kaya kong makagawa ng matatalim na bagay gamit lang ang mga enerhiya na nasa paligid ko. Kaya magandang subukan ang aking kakayahan sa iyo kung gaano ba katalim ang mga kutsilyong gagawin ko,” pagbabanta nito kay Bain Cane.
Nang susubukan niyang saksakin si Bain Cane ay agad na sumulpot sa harap namin ang isang bantay ng CRYPTIC. Tinutukan niya kami ng baril at ipinakita sa amin ang hawak niyang voice remote control.
Dahil doon ay napilitan ang kasama naming immune na lumayo kay Bain Cane. Naglakad ito palayo sa amin para hanapin ang kanyang kompartimento. Tinulak naman ako ng bantay papasok sa sarili kong kompartimento at naiwan sa labas si Bain Cane. Wala na rin siyang nagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad. Kasabay ng kanyang pag-alis ay ang pagsara ng pinto ng aking kompartimento.
Mukhang unang araw palang ng aming pag-eensayo ay nagkaroon na agad ng pag-aalitan sa bawat immune. Nang magsisimula na ako sa aking pagsasanay ay mayroong electronic voice ang nagsalita sa speaker.
“Welcome, Immune number 50. Your first training will be controlling the electric bolts. This device will unleashed a two electric bolt towards to you and you need to control it for able to survive. Good luck,” sabi ng electronic voice. Balak ko pa sanang magtanong tungkol sa kanyang mga sinabi dahil hindi ko siya naintindihan nang biglang lumabas sa harap ko ang isang kakaibang bagay. Bilog na kristal na nagbibigay ng bughaw na liwanag. Walang anu-ano ay lumabas doon sa bilog ang isang electric bolts at tinamaan ako sa dibdib.
Nangisay ako sa pangyayaring iyon at talagang hindi ko napaghandaan ang pag-atakeng iyon. Ilang saglit lang ay intake ulit ako nito. Pinilit kong kontrolin ang electric bolts pero nagagawa nito akong tamaan sa katawan. Pilit kong umiwas sa pag-atake pero palagi naman akong natatamaan. Kailangan ko pang kontrolin ng maayos ang aking abilidad para makaalis dito ng buhay.
“Shit,” mahina kong sambit nang tinamaan muli ako ng electric bolts. Hindi ko na nagawang makatayo sa sahig dahil sa isang oras na pagsasanay dito sa loob. Kahit pilitin kong igalaw ang mga paa ko ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang pagod. Kahit isang oras na ang nakalipas ay hindi ko parin makontrol ang kuryenteng pinapakawalan ng device na iyon.
Nang nagpakawala muli ng isang electric bolt ang device na iyon ay pinili ko nalang pumikit ng aking mga mata at tanggapin ang sakit na ipaparamdam sa akin kapag tinamaan ako ng electric bolt. Pero ilang segundo ang nakalipas ay hindi ko naramdaman ang electric bolt. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at sa sobrang gulat ko ay napatulala ako sa aking nakita. Huminto sa ere ang electric bolt at nang sinubukan kong kontrolin iyon at dalhin sa kaliwang bahagi ng kompartimento ay halos mapalundag ako sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong kontrolin ang kuryente.
Isang electric bolt ang akmang aatakihin ako nang nagawa ko iyong kontrolin sa pangalawang pagkakataon. Hinawi ko iyon na parang isang kurtina at doon tumama sa sahig ng kanang bahagi ng kompartimento. Napangiti ako sa aking ginawa at doon lamang bumukas ang pinto ng aking kompartimento.
“Good job, Nate Peter Horseson. You passed this first training,” sabi ng electronic voice. Agad kong kinontrol ang kuryente na dumadaloy doon sa speaker at pinasabog iyon. Naiirita ako sa kanyang boses kapag naririnig ko siya.
Paika-ika akong kung maglakad palabas ng aking kompartimento at nang mapansin ko ang ingay na nagmumula sa gitna ng Training Ground ay nagkaroon ako ng kuryusidad kung ano ang ingay na iyon.
Agad ko iyong pinuntahan kahit nahihirapan akong maglakad. Napupuno iyon ng napakalakas na ingay ng mga immunes. Isa iyong Fighting Ground na napapalibutan ng buong immunes. Sa likod nito ang mga elite guards ng CRYPTIC at lahat sila ay abala sa kanilang pinapanood.
Pinilit kong makisiksik para makita ko kung ano ba ang kanilang pinagkakaabalahan at nang magawa kong makita kung sino ang nasa Fighting Ground ay parang gusto kong sumali sa dalawang immunes na naglalaban sa gitna. Sina Bain Cane at ang immune na kasama namin kanina. Nabanggit ng isang immune na katabi ko ang pangalan ng kalaban ni Bain Cane. Siya si Vel Martin. Number 29.
Napuno ng hiyawan ang buong Training Ground nang magsagupaan ang dalawa sa gitna ng Fighting Ground. Nakita ko ang paglitaw ng isang mahabang espada sa kamay ni Vel Martin at mabilis na inatake sa Bain Cane. Dahil hindi nama magpapatalo si Bain Cane sa kanyang kalaban ay mabilis niyang hinawakan ang espada ni Vel Martin at ginawa iyong tubig.
Napansinghap ang lahat sa nangyari at mas lumakas pa ang hiyawan dahil sa napakatinding pakikipaglaban ng dalawang immunes sa gitna. Mukhang hindi yata gusto ni Vel ang nangyari at gumawa pa ito ng napakaraming mga dagger at isa-isang hinagis kay Bain Cane.
Nakakaiwas naman si Bain Cane pero dahil napakarami ang bilang na hinahagis ni Vel ay nagagawa nitong sugatan ang katawan ni Bain. Matindi ang paglalaban nila at bawat galaw nila ay napakabilis at parang sanay na ang dalawa sa pakikipaglaban.
Naririndi na yata si Vel kay Bain Cane at nagpalabas ito ng isang Claymore at akmang hahatiin sa dalawa ang katawan ng kanyang kalaban. Mabilis na nahawakan ni Bain Cane ang claymore at biglang naging bulaklak ang sandatang hawak ni Vel. Nanginginig na sa inis si Vel at naghahari sa kanyang mukha ang matinding galit at inis dahil sa bawat mga armas na ginagawa niya ay madali lang itong nababago ni Bain Cane.
“PAPATAYIN KITA NGAYON!” sigaw ni Vel at gumawa ng isang bow pero agad silang pinatigil ng mga elite guards gamit ang voice remote control.
“Okay, it’s enough for today. You all need to rest. Your training for today is over. See you tomorrow,” sabi ng electronic voice at agad kaming kinaladkad ng mga elite guards palabas ng TGSA.
“That was so intense,” bulong ko sa aking sarili.
Thank you for reading:)
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...