CHAPTER THREE

44 12 46
                                    

"Doctor Hallick"

I heard his phone vibrating. He didn’t pick it up until he finally stir his coffee tidily. He kept his conversation from someone on his phone away from me by walking towards to the window of his office. I’m not intrigued what’s their topic because that is not my nature. I traveled my sight around his office and there’s a lot of noticeable stuff here.

A saw a numbers of 1,9,8,9 written in backward in his cabinet. A bunch of book perfectly placed above his table based on its height. Wrath of Love by Yknihc was one of the title of the book and I am sure that it’s all about romance. As far as I can remember, the last novel I’ve read was written by Delia Owens. It’s called Where The Crawdads Sing. It was a good book.

I’ve got all the demons hiding underneath, Nobody can see them.

That sentence was written on the piece of paper he was holding whilst busy talking with someone over his phone. As he noticed that I took a glimpsed to his paper he immediately ended his call.

“This is a lyrics from my daughter’s favorite song,” sabi nito at agad na umupo sa kanyang puwesto, “I played that song before she died.”

“I- I am sorry for your lost.” Nabigla ako sa kanyang sinabi at nakita ko ang malungkot nitong mukha na itinago ang papel sa kanyang cabinet.

Huminga ito ng malalim hanggang sa tinignan niya ako ng masinsinan sa aking mga mata. Wala akong ideya kung bakit niya ako dinala sa kanyang opisina. Nang magising kase kami kanina sa glass cylinder ay ako lang ang kanyang tinawag para pumunta sa kanyang opisina at ang iba naman ay tumungo sa cafeteria ng E.H. Laboratory.

“May I ask something personal query?” Pasimula niya.

“What is it?”

“I know that your both parents died from the accident—” I cut him off as he said a wrong information about the death of my parents.

“Shut the hell up. They died because of your men!”

“Easy, easy…  I’m just joking around,” sabi nito at tumawa pa.

“Hindi nakakatawa,” sabi ko habang pinipigilan ang aking sarili na huwag siyang suntukin sa kanyang mukha dahil kapag ginawa ko iyon ay tiyak basag ang bungo ko.

“Pinatawag kita dahil sa naging result ng brain test na ginawa namin sa iyo kahapon,” sabi niya at mayroon siyang kinuha sa kanyang gabinete at inilahad sa harap ko ang isang papel na nakasulat ang naging resulta sa ginawa nilang tests sa akin.

“What is it?” kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Your brain is qualified for the Project Green. Well, dalawa kayong kaya ang Project Green. Ikaw at si Mr. Greenwood.”

“What does it mean?” I asked again because everything is unclear.

“Ibig sabihin lang ay magkakaroon ka ng kakaibang kakayahan dahil sa taas ng IQ mo,” sabi nito at tumawa pa, “So, do you like my offer, you’re going to accept it, right?”

Tinignan ko siya ng masama na agad naman niyang ikinabahala. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi niya dahil kumplikado siyang intindihin.

“Stop looking me like that. I’m giving you an offer. And if you accept my offer you will become my apprentice. We will rule this E.H.. Laboratory.” Sabi nito sa akin na buong sigla.

“Let me ask you…” sabi ko sa kanya habang unti-unting binabago ang topiko ng aming pinag-uusapan, “You haven’t ask me a personal query, haven’t you?”

Nakita ko ang pagguhit ng kanyang mga labi ng maliit na ngiti sa aking sinabi.

“Yes…  How does it feel to witnessed the death of your parents?” tanong nito sa akin na ikinainit ng buong ulo ko. Mukhang gusto talaga ng matandang ito na makatikim ng malakas na suntok sa kanyang pagmumukha.

“My answer is how you felt after your daughter died.”

“Nope. She was my experiment. A tester.”

Nang sinabi niya iyon ang nanlaki ang aking mga mata sa pagkagulat. Sabay ng kanyang kahindik-hindik na tono nang masabi niya iyon ay inilabas niya ang isang litrato ng kanyang anak na babae na nakahiga sa isang kama na napupuno ng dugo.

Animo’y parang nasunog ang buong katawan nito. Nawawala ang kanyang isang mata at nalagas din ang buong buhok. Ang kalahating mukha nito ay binalatan hanggang sa nakita na ang kanyang bungo. Hindi ko lubos maisip na magagawa iyon ng isang Ama sa kanyang anak. Talagang halang ang kaluluwa ni Erso Hallick.

“A-ano ang ginawa mo sa kanya?”

“Dahil ninakaw ng traydor naming myembro na si Siyaszo ang buong impormasyon na kailangan para sa aming eksperimento ay wala na akong ibang pagpipilian pa. Kailangan kong subukan ang mga eksperimentong nagawa ko sa aking sariling anak para maging perkpekto ito.  Sa hindi inaasahan ay ganoon ang naging resulta niya.” Tuloy-tuloy nitong pagpapakawala ng mga salita sa kanyang bibig at hindi manlang siya kinikilabutan sa kanyang pinagsasabi.

“Hindi ka manlang nagsisi—”

“Hindi,” mabilis niyang sambit, “Nanggaling siya sa akin kaya may karapatan akong patayin siya.”

“Hayup ka.”

“That word is not fit for me. Think more.”

“Wala kang kaluluwa!”

“More!” sabi nito at tumawa pa ng malakas.

“Lumalayo na tayo sa ating pinag-uusapan kanina—” pinutol ko ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang sinuntok sa mukha.

Napaatras ito sa sobrang lakas ng aking pagsuntok. Nawalan siya ng balanse hanggang sa nasagi niya ang kanyang mga kagamitan na nakapuwesto sa kanyang likod.

“Hindi ko tatanggapin ang inaalok mo sa akin! Dapat sa iyo ay patayin din!” sigaw ko sa kanya tsaka ko kinuha ang isang ballpen na nasa kanyang lamesa at akmang aatakihin siya.

Nang pinuno ko na ng buong lakas ang aking kanang kamay para saksakin siya sa kanyang dibdib ay bigla kong naramdaman ang isang matalim na bagay na tumusok sa aking batok. Kinapa ko iyon ay naramdaman ko ang isang syringe.

Napalingon ako sa likod at nakita ko sina Beatrice at Celine Page. Nanlambot ang aking mga tuhod dahilan para hindi ako makatayo. Gumapang ako papunta sa kanila pero hindi ko na naramdaman ang buo kong katawan.

“Numbness,” sabi ni Celine Page at agad niyang inalalayang tumayo si Erso Hallick, “Are you okay, Sir?” Tanong nito kay Erso pero hindi siya nito pinansin bagkus lumapit ito sa akin.

“Hayup kang bata ka! Dapat sa iyo pinaparusahan!” sigaw nito sa akin at tinadyakan ako sa mukha.

Hindi pa siya nakuntento at binigyan niya ako ng napakaraming tadyak. Ilang sandali lang ay tinawag niya ang iba niyang mga myembro para buhatin ako palabas. Bago pa ako makalabas ay binulungan ako ni Erso.

“Welcome to Hell, Nate Peter.”

Hindi ko na siya nakita ng malinaw dahil natatabunan na ng sarili kong dugo ang aking paningin. Unti-unting nararamdaman ko ang sakit ng kanyang ginawa sa aking mukha hanggang sa nawalan ako ng malay.

Thank you for reading :)

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon