CHAPTER ONE

94 12 45
                                    

"Metal Knight Truck"

THIS vehicle has an eight wheels to support the length and width of it. It is design to be invulnerable to bullets. It also creating an  irritable noises that can affect your good mood to worst.

Every time we passed on rocky surfaces of the roads, our heads bumped up to the ceiling of the truck. This truck called the Metal Knight Truck, serves as the transportation of immunes to the E.H. Laboratory.

There’s two Metal Knight Truck behind us and every truck is carrying twenty passengers. All of our hands were locked by a chain that is connected to the chair. There’s no window inside aside from the front of the vehicle. If we tried to escape, the chain automatically release an electric jolt to put us in calm.

A random teenage boy suddenly talk to me. He introduced himself and his name is Bain Cane. A very strange name of him.

“May ideya ka ba kung saan nila tayo dadalhin?” he asked.

“Narinig ko kanina sa isang CRYPTIC na papunta tayo ngayon sa E.H. Laboratory Facility. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa atin.” I answered.

“I don’t want to be a Lab Rat.” He released a sad sighed.

Tinignan ko siya at nababakas sa kanyang mukha ang matinding kaba at kalungkutan. Ganoon din ang nararamdaman ko pero hindi ko lang pinapakita. Lahat ng mga kabataang sakay ng truck ay mayroong mga luha ang mga mata. Hindi nila lubos na matanggap na biglaan silang mawawalay sa kanilang mga pamilya.

Sa isang araw ay nagawa ng CRYPTIC na dukutin ang isang daang mga kabataan sa loob ng Central City. Pinilit ng iba na labanan ang CRYPTIC para makatakas pero nauwi lang sila sa isang kasawian. Malakas ang kutob ko na hindi kami mamamatay kapag napasailalim kami sa kanilang eksperimento. Wala akong matibay na basehan na hindi kami mamamatay, tanging ang kutob ko lang.

Ang CRYPTIC ang pinakamakapangyarihang grupo sa buong Central City. Kahit ang mismong gobyerno nito ay walang magawa sa karahasang ginagawa ng nasabing grupo. Sila ang nagdadala ng pagtangis at takot sa buong mamamayan ng Central City.

Tumataas ang bilang ng mga taong namamatay na walang dahilan. Natatandaan ko pa noong bata pa ako na mayroong mga bangkay ng tao na nagkalat sa gitna ng kalsada at walang may nagtangkang lapitan iyon dahil alam ng lahat na kagagawan iyon ng CRYPTIC.

Hindi matuntun ng gobyerno ang pinagtataguan ng grupo at ilang taon na nilang hinahanap ito sa buong siyudad pero wala silang makitang bakas ng pinagtataguan nila. Kahit sa mga sulok ng siyudad at sa mga masusukal na kagubatan ay narating na ng gobyerno para lang mahanap ang grupo pero nabigo lang sila sa kakahanap.

Kahit nagkalat ang mga golden troops na nakasuot ng itim na helmet at itim na war suit ay hindi parin nila nadadakip ang mga myembro ng CRYPTIC. Ang akin ngang inisiip ay kung hindi sila makita dito sa loob ng Central City ay baka nandoon sila sa labas ng mataas na pader na mayroong electric bars. Walang may alam kung ano ang nasa labas. Ayon sa sabi-sabi ay ang grupo lang ng CRYPTIC ang nakakaalam sa kung ano ang naghihintay sa labas ng pader.

Sa unang pagkakataon ay dumating sa punto na ang kasamaan ng CRYPTIC ay mas lalong lumala. Sa loob lang ng tatlumpung minuto ay nadukot nila ang isang daang mga kabataan sa buong siyudad. Dahil doon ay nagtagumpay na naman sila sa kanilang ginawa. Walang may alam kung ano ang hangarin ng grupo kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na iyon. Ito ay nananatiling palaisipan sa nakakarami.

Halos naka isang oras na kami rito sa loob ng sasakyan at hindi pa rin ito tumitigil sa pagtakbo. Wala rin kaming ideya kung nasaan na kami ngayon dahil walang bintana ang truck. Mas lalong dumagdag ang kalungkutan sa loob dahil sa napakatahimik ng lahat.

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon