“Reynard”
“ARE you ready?” tanong ni Dwell habang nag-aayos kami ng aming mga dadalhin na sandata. Dahil pupunta kami sa siyudad ay kailangan naming itago ng mabuti ang aming mga armas para hindi iyon makalikha ng atensyon sa mga golden troops at sa mga tao na nasa siyudad.Nakasuot kami ng itim na suit at gun strap. Agad kaming nagsuot ng itim na trench coat para itago ang aming mga armas. Kapag kakailanganin naming lumaban ay huhubarin nalang ang trench coat at puwede na makipagsabayan sa kalaban. Ganoon kasimple.
Hindi na bago sa mga myembro ng RAPSCALLION ang magsuot ng trench coat dahil kailangan daw ito kung gagawin ang misyon. Nasa 9:23 na ng umaga at hindi pa rin kami nakakaalis dahil hindi raw mahanap ni Clifford ang kanyang maskara. Kanina niya pa iyon hinahanap sa kanyang silid pero hindi niya makita. Hindi rin kami puwedeng pumasok sa kanyang silid dahil ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha. Kaya napagdesisyunan ni Dwell na kapag lagpas 10:00 ng umaga at hindi pa rin lumalabas si Clifford ay iiwan namin siya.
“I think we’re ready,” sagot naming lahat.
“Seems like Clifford can’t join us today but at least we have you guys,” sabi nito at tumawa ng kaunti at kami nina Tellereza at Bain Cane ang kanyang tinutukoy.
“Are we going or what?” pagrereklamo ko na agad na ikinabago ng kanyang ekspresyon.
“Well. Let’s go,” mahinang sagot nito at agad na kinuskus ang kanyang mga palad at naglakad palabas ng bunker.
Nang makalabas na kami ng bunker ay may narinig kaming putok ng baril sa hindi kalayuang distansya mula sa amin. Agad kaming napayuko sa pagkabigla at agad inilibot ang aming mga paningin para hanapin kung nasaan nanggaling ang putok ng baril.Ilang saglit lang ay isang myembro ng RAPSCALLION ang mayroong hinihilang golden troops. Base sa suot ng troops ay isa siyang scout golden troops.
“Muntik na niyang makita ang covert. Mabuti nalang ay mayroong mga bantay ang nakapalibot sa mga puno,” sabi ng lalaking RAPSCALLION at nakita ko nga ang wala ng buhay na golden troops. Agad nilang ipinasok ang bangkay sa loob at hindi na namin inalam pa ang mga sumunod na nangyari dahil nagmamadali na kami sa aming misyon.
Medyo masukal ang gubat at walang magandang daan sa palagid kaya nahihirapan kaming maglakad. Idagdag pa ang mabibigat naming mga dalang armas na lalong nagpahirap sa aming sitwasyon. Dahil nakaramdam ng uhaw si Bain Cane ay agad siyang gumamit ng kanyang abilidad para gawing maiinom na tubig ang mga bato sa daan. Laking tuwa ang naramdaman naming lahat dahil sa ginawa ni Bain Cane. Kahit papaano ay napawi ang aming uhaw sa kakalakad sa masukal na kagubatan.
“Ilang saglit lang ay makakarating na tayo sa highway,” sabi ni Dwell at kahit alam ko na nagsisinungaling siya ay pinilit ko nalang paniwalaan ang kanyang sinabi para naman kahit papaano ay hindi ako mapagod kakaisip na malayo pa ang aming lalakarin.
“Then we are here!” magiliw na sabi ni Dwell dahil sa wakas ay narating na namin ang highway. Maraming linggo na rin ang nakalipas na huling nakita ko ang highway na ito. Matagal na kase ang mga pangyayari sa E.H. Laboratory. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakalabas kami sa lugar na iyon.
“Hindi ka pa rin makapaniwala?” biglang tanong sa akin ni Tellereza.
“Binabasa mo na naman ang isip ko?” nakangiting sabi ko sa kanya at agad naman niyang tinanggi ang aking paratang sa kanya, “kung gusto mong basahin ulit ang iniisip ko ay gawin mo na. Be my guest.” At ako'y ngumiti.
Tinignan ko ang kanyang magagandang mga mata habang hinihintay ang kanyang magiging reaksyon sa pagbabasa sa aking isipan. Ilang sandali lang ay ngumiti ang kanyang mga mata at paniguradong nalaman na niya ang aking inisiip.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...