CHAPTER TWENTY-FIVE

13 4 5
                                    

“ Mission”

HINDI kasing laki ang kanilang pasilidad sa pagsasanay kumpara sa pasilidad na nasa loob ng E.H. laboratory. Sapat lang ang espasyo nito sa sampung tao kaya nang pumasok kaming anim sa loob ay parang naging masikip na ang buong paligid. Sa loob ng dalawang buwan ay kaming tatlo lang ni Tellereza at Bain Cane ang unang recruit ng RAPSCALLION para maging myembro nila.

Iniiwasan kase nila ang dumagdag ng myembro dahil nga sa kapos ang kanilang pangangailangan sa araw-araw. Kahit mayroon silang silid para sa pagtatanim ng mga gulay at prutas ay hindi pa rin sapat iyon sa kabuuang bilang ng grupo. Tinitipid din nila ang kanilang kuryente para sa artificial sunlight ng kanilang mga tanim. Dahil nga iilan lang ang natatanggap nilang mga misyon ay kapos sila ng pera at kung mayroon mang misyon na dumating na sasapat sa buong grupo ay ang tanging makakagawa lang ng misyon ay ang Five Death Pillars. Sila lang daw kase ang may kakayahang pagtagumpayan ang misyon ng maayos.

Ang Five Death Pillars ay nasa misyon ngayon. Maaga silang umalis para gawin ang sinasabi ng misyon. Ang sabi ni Dwell ay ang misyon nila ay patungkol sa pagpatay ng isang tao. Hindi na niya alam kung sinong tao ang kanilang papatayin. Hindi na siya nagtanong pa patungkol sa kanilang misyon at isa pa ay madalang lang silang mag-usap. Kumbaga ay hindi sila magkaibigan.

“Sa totoo lang ay wala kaming ibang maituturo sa inyo kundi ang tamang paghawak at pag-asinta lang ng bala at baril,” sabi ni Dwell nang tumayo ito sa gitna ng gym. Nasa likod niya ang kanyang dalawang kasama at talagang hindi sila naghihiwalay kahit saan sila pumunta, “alam ko naman na mayroon kayong abilidad na wala sa isang normal na tao. Sapat na iyon para maprotektahan ninyo ang inyong mga sarili.”

“Nasaan na ang baril? Gusto ko ng subukan!” sabi ni Bain Cane at atat na atat na siyang gumamit ng baril.

Umalis muna sandali si Dwell at sa kanyang pagbabalik ay mayroon na siyang dalang tatlong baril. Bago niya pa itong ilahad sa amin ay may biglang dumating sa loob ng gym. Naramdaman namin ang kanyang presenya nang isinara niya ng malakas ang pinto.

“Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Dwell sa lalaking biglang nagpakita sa gilid namin.

Hindi ito nagsalita at paika-ika ito kung maglakad. Marami rin siyang mga sugat sa katawan at gula-gulanit ang kanyang kasuotan.  Parang nanggaling siya sa isang labanan at himalang nakatakas sa kanyang mga kalaban.

“Don’t talk to me, you, jerk!” maangas nitong bulyaw sa kanyang kausap at mabuti nalang ay nakontrol agad ni Dwell ang kanyang emosyon.

“Did you know that guy?” tanong ko kay Dwell at nabaling ang kanyang atensyon sa akin.

“He’s Vyxin Vix. One of the member of RAPSCALLION,” sabi ni Dwell sa akin habang tinitignan si Vyxin na mayroong ginagawa sa isang sulok ng gym, “mayroon siyang ibang paraan sa pagkolekta ng misyon. Hindi siya kadalasan tumatanggap ng misyon na nakapaskil sa mission board na nakasabit sa Assembly Hall ng bunker.”

“Ano ang mission board?” tanong ni Tellereza sa kanya.

Agad siyang sinagot ni Dwell at ayon sa kanya ay ang mission board ay isang malaking tabla kung saan nilalagay at pinapaskil ang mga misyon na natanggap ng mga receptionists ng RAPSCALLION. Dagdag pa niya ay ang mga receptionists ay ang mga tao ng grupo na hindi nananalagi sa bunker na kung saan kami ngayon. Malayo ang distansya nila mula sa amin para maprotektahan ang daan papunta sa bunker ng RAPSCALLION.

“Mamaya ay pupunta tayo sa kanilang kinaroroonan para magkaroon kayo ng ideya sa takbo ng buong RAPSCALLION,” pagtatapos ni Dwell sa kanyang pagpapaliwanag kay Tellereza.

“Hindi mo ba nagawa ng maayos ang iyong misyon kaya nagkaganyan ka?” tanong ni Dwell kay Vyxin na abala parin sa kanyang ginagawa, “ano ba kase ang nangyari?”

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon