“Escaping from Hell?"
NARIRINIG ko ang ugong ng mga sasakyan na papasok sa Laboratoryo. Dahil marami akong naitanong kanina kay Beatrice tungkol sa Laboratory ay nagkaroon naman ako ng kaunting kalaman tungkol sa lugar na ito. Ang malaki ang malawak na gusaling ito ay pagmamayari ni Erso Hallick. A subsidiary base of CRYPTIC. Apat na Scientist ang bumubuo sa E.H. Laboratory. Sina Doctor Celine Page, Beatrice, Cruxian at si Erso Hallick.
Ilang araw ko ding hindi nakita si Cruxian dito at kung inaakala niya na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin ay nagkakamali siya. Kailangan ko ding makakuha ng napakaraming impormasyon kay Beatrice habang magaan ang loob niya sa akin. Sabihin na nga na ginagamit ko siya para sa planong pagtakas ko rito pero wala na akong ibang paraan. Nauubos na ang oras namin dahil ilang araw nalang ay isasagawa na nila ang eksperimento nila sa amin.
“Are you going to ask again?” tanong ng isang bantay nang makalabas na ako sa gym.
Hindi ko siya kinibo at kinuha sa kanya ang gamot at pakunwaring nilunok iyon. Nang makalayo na ako sa kanya ay mabilis kong hinugot ang gamot mula sa aking bunganga at iniligay sa loob ng aking bulsa.
Sa hindi ko inaasahan ay nagsimula na ang plano nina Geek. Kagaya ng pinagplanuhan nila ay gumawa ng eksena sina Larry at Mark. Nabaling ang tingin ng lahat sa kanilang dalawa. Tila ba’y makatotohanan ang bawat pagsuntok ng bawat isa sa kanila.Hindi ko na nakita kahit ang anino ni Geek sa buong cafeteria. Paniguradong nasa loob na siya ng plenum space para puntahan ang surveillance room. Ilang minuto pa ang aming panonood sa sapakan ng dalawa ni-isa sa mga bantay na nakapalibot ay walang nagtangkang awatin sila. Doon na ako biglang kinabahan sa kanilang plano.
“Nate…” pabulong na tawag sa akin ni Bain Cane. “Mukhang…”
“Wala na akong pakialam sa kanilang ginagawa,” pinutol ko ang kanyang sasabihin, “sa una palang ay hindi na sila nakinig sa akin.”
Naririnig ng lahat ang pagdaing ng dalawa mula sa mga suntok na natatanggap nila sa isa’t isa. Kahit halos hindi na maimulat ni Larry ang kanyang mga mata dahil sa mga suntok na natamo niya kay Mark ay disidido parin itong ituloy ang kanilang pinagplanuhan.
Maging ang ibang mga immunes ay hindi na sila pinansin at itinuloy na nila ang kanilang pagkain. Nabigla naman ang isang grupo ng immunes nang biglang nahulog sa kanilang lamesa si Mark at natapon lahat ang kanilang pagkain.
Akmang papatulan ng ibang immunes sina Larry at Mark nang tinutukan sila ng baril ng mga bantay. Sa ginawa nilang iyon ay talagang hinahayaan nila ang dalawa na magpatayan.
Hindi pa nga natatapos ang kanilang suntukan nang biglang nagkagulo sa kaliwang parte ng cafeteria dahil sa pagpapanggap ni Lola na nalason sa nainom niyang gamot.
Kumisay ito ng napakatindi na para bang isa siyang aktor na gagawin ang lahat para lang makuha ang parangal na Best Actor. Agad na pinag-agawan siya ng bantay para isugod sa Medical Room ng Laboratoryo. Namangha rin ako sa kanyang ginawa dahil lumalabas sa kanyang bunganga ang puting bula na senyales na nalason ito sa kanyang ininom na gamot.
Nang maisugod nila si Lola sa Medical Center ay biglang gumalaw ang mga surveillance camera sa buong cafeteria. Pinagtaka iyon ng lahat at nang mapagtanto ng isang bantay na mayroong hindi tama sa mga oras na ito ay siya na mismo ang tumawag sa iba niyang mga bantay gamit ang kanyang walkie-talkie. Nang papalabas na ang bantay sa cafeteria ay nangyari na ang pinagplanuhan nina Geek.
Isang malaking pagsabog ang nangyari sa loob ng laboratoryo. Nabalot ang buong lugar ng makapal na usok hanggang sa hindi ko na makita ang aking dinaraanan. Nataranta na rin ang lahat kung saan pupunta. Mayroong natutumba nalang sa isang tabi dahil sa sobrang sikip ng aming dinaraanan.
Narinig na namin ang emergency alarm ng Laboratory at mas lalo iyon nagbigay sa amin ng matinding pagkataranta. Patuloy pa rin ang aming siksikan hanggang sa hagdanan ng ika-sampung palapag ng Laboratoryo. Dahil makapal pa rin ang usok ay para kaming mga bulag na kumakapa sa aming harapan. Hindi ko na rin alam kung nasaan na si Bain Cane at kung nakalabas na ba sina Geek.
Ilang sandali lang ay mayroong boses ang nagsalita sa bawat speaker na nakakabit sa buong Laboratoryo.
“All immunes, look for the red lights and go there for your own safety.” Boses ng babae ang nagsalita.
Narinig ng lahat ang kanyang sinabi at inilibot namin ang aming paningin para hanapin ang pulang ilaw. Nasa bandang kanan namin ang ilaw at biglang nag-uunahan ang lahat papunta sa nasabing ilaw. Dahil marami ang bilang ng mga immunes ay hindi kami nagkasya sa hagdan at ang handrail ng hagdan ay biglang bumigay sa sobrang lakas ng puwersa namin sa pag-uunahan.
Kasama ng pagkahulog ng handrail sa ibaba ng Laboratoryo ay ang paghulog din ng mga immunes. Nabalot ng sigawan ang aming kinatatayuan dahil sa nangyari. Maririnig mula sa ibaba ang kalabog ng kanilang mga nabasag nilang ulo sa sobrang lakas ng kanilang pagkahulog.
May iilang maswerteng nakakapit sa kanilang mga kaibigan kaya hindi sila nakasama sa mga namatay na immunes. Mayroong umiiyak ng napakalakas dahil sa nangyari. Ang iba naman ay nagmistulang isang rebulto dahil napahinto ang buo nilang katawan sa kanilang nasaksihan.
Hindi ko na sila pinansin at mas inalala ko ang aking sariling kaligtasan kaya tumakbo na ako papunta sa pulang ilaw dahil halos lahat naman ay napahinto dahil sa nangyari. Kahit mayroong taong nakaharang sa aking harapan ay marahan ko silang hinahawi para makalapit sa pulang ilaw.
Nang malapit na ako sa pulang ilaw ay napansin ko ang isang pinto. Akmang bubuksan ko iyon nang biglang nagkaroon ng pangalawang pagsabog. Akala ko ay isang pagsabog lang ang gagawin nila hindi ko alam na gusto nilang wasakin ang buong lugar na ito.
Natabunan ang pinto ng mga nahulog na mga debris kaya hindi na iyon mabubuksan pa. Wala na akong nagawa kundi ang bumaba ng hagdan. Sa ground floor ng Laboratoryo ay nagkalat ang mga dugo at mga utak dahil sa nangyari kanina. Muntik na akong masuka sa aking nakita pero pinilit kong maglakad papunta sa labas. Hindi parin nawawala ang makapal na usok hanggang sa nagawa kong makalabas ng Laboratoryo.
“Number 50. Where’s the others?” tanong ni Celine Page.
Hindi ko muna siya sinagot agad dahil hinahabol ko pa ang aking hininga. Nahihirapan din akong kumuha ng hangin dahil marami akong nalanghap kaninang usok.
“They were stuck…” I coughed for a bit “...On the stairs. They’re dead,” sabi ko sa kanya at agad niyang inutusan ang mga bantay na iligtas ang ibang mga immunes sa loob.
Nang nilingon ko ang Laboratoryo ay kalahating parte nito ay nilalamon na ng apoy. Mula sa itaas ay pinapatay nila ang apoy gamit ang tubig mula sa kanilang drones. Hinanap ko si Geek at hindi naman ako nabigo.
Nakita ko silang nakaluhod at nakayuko. Nasa likod nila ang mga bantay na mayroong hawak na baril.Bawat isa sa kanila ay may sari-sariling bantay. Nakita ako ni Geek na nakatingin sa kanila at agad niya akong tinignan ng masama. Sinabihan ko na sila na hindi magiging matagumpay ang kanilang ginagawang pagtakas pero hindi sila nakinig.
“Nate!”
Isang boses ang aking narinig at agad ko siyang nilingon. Agad akong sinunggaban ng mahigpit na yakap ni Bain Cane habang umiiyak ito.
“He’s dead. My best friend. Charles,” sabi nito.
Hindi ko kilala si Charles pero base sa naging reaksyon ni Bain Cane ay mukhang matagal na ang kanilang pinagsamahan. Niyakap ko rin siya ng mahigpit habang patuloy itong tumatangis ng matindi.
“He’s dead,” muli niyang sabi.
Thank you for reading:)
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...