“Tellereza Regotea”
NAKATAYO ako sa gitna ng aking silid para hintayin ang pagdating ni Geek at Bain Cane dahil ngayong gabi nila ipagpapatuloy ang kanilang isinagawang pagpaplano sa pagtakas dito sa Laboratoryo ni Erso.Nasa 8:16 na ng gabi at kinakabahan ako sa kanilang gagawin. Hanggang ngayon ay wala akong maisip na ideya kung papaano nila ako pupuntahan dito sa aking kwarto para sunduin papunta sa lugar ng pagpupulungan nila.
Maraming bantay ang nakapaligid sa buong Laboratoryo. Sa Cafeteria, sa Gym, sa Laboratoryo ni Beatrice, sa opisina ni Erso, sa opisina ni Cruxian at bawat sulok ng buong lugar ay hindi mawawala ang mga surveillance camera. Puwera nalang kapag mayroon silang invisible cloak kagaya ni Harry. Naalala ko tuloy ang kuwento sa akin ni Dad tungkol sa napanood niyang pelikula nang hindi pa nagkaroon ng Central City.
Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin natatanggal ang aking paningin sa pinto. Hinihintay ko ang pagkatok ni Geek pero ikinagulat ko ng lubos ang paglitaw nila mula sa itaas ng kisame. Napaatras ako ng kaunti dahil sa pagkagulat at agad akong nginitian ni Geek. Napansin niya sigurong halos mahimatay ako sa pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot nila.
“Mukhang nakakita ka naman yata ng multo. Mutlang-mutla ka,” natatawang sabi niya at ngumiti ng bahagya para ako'y asarin.
Ngayon alam ko na kung papaano sila nagkikita-kita para sa pagpupulong. Dumadaan sila sa loob ng ventilated ceiling para hindi sila mapansin ng mga bantay. Agad kong ipinuwesto ang kama ko para maging patungan namin sa pag-akyat sa itaas ng kisame. Dalawa silang sinundo ako sa aking kwarto. Si Geek at ang kasama niyang lalaki na hindi ko alam kung ano ang pangalan.
Medyo may kalakihan ang espasyo sa loob ng Ventilated Ceiling dahil kasya kaming tatlo sa loob. Dahan-dahan lang ang paggapang sa loob dahil kapag bibilisan namin ang aming mga galaw ay lilikha iyon ng nakakapansing tunog sa mga bantay.
Sa pagkakatanda ko ay tatlong beses kaming lumiko sa kanan at isang beses sa kaliwa hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Geek kung saan doon isinasagawa ang pagpapalanong pagtakas. Sampu ang bilang nila at nang sumali kaming dalawa ni Bain Cane sa kanila ay nasa labing-dalawa ang kabuuang bilang namin. Wala na ding planong maghakot pa ng ibang mga immunes si Geek dahil sa aming bilang palang ay agad na iyong nagpasikip sa kanyang silid.
Nang makita ako ni Bain Cane na bumaba sa kisame ay agad niya akong nilapitan para batiin.
“Mabuti naman ay hindi kayo napansin ng mga bantay. Kami kase kanina ay muntik na kaming mahuli. Mabuti nalang ay nagawan namin ng paraan na makapunta dito ng maayos,” sabi niya at hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang ipinakilala sa akin ni Geek ang mga pangalan ng mga immunes na kasama namin sa loob ng kanyang kwarto.
Si Larry Lamentis, 18 years old at medyo may katangkaran sa akin ng kaunti. Si Xentry, 15 years old, ang pinakabata sa grupo pero hindi halata sa kanyang katawan ang tunay niyang edad. Maskulado kasi ito kumpara sa aming lahat. Si Octavia, 17 years old, medyo ayaw makipag-usap sa lahat dahil tinitignan niya ng masama ang sinumang lalapit sa kanya. Kryztel, 16 years old, pangalawang babae sa grupo, mahahalata sa kanyang personalidad ang pagiging masiyahin. Si Mark Gregg, 17 years old, sa tingin palang ay talagang mataba ang kanyang utak dahil sa kung papaano siya kumilos at makipag-usap. Si Torrest, 17 years old, may pagkamaldito at medyo aroganteng tignan. Si Lola, 17 years old, pangatlong babae sa grupo at tahimik lang sa isang tabi. Si Thung- Ki, 18 years old, ang pinakamaingay sa grupo. At si Tellereza Regotea, 17 years old, ang babaeng umagaw ng atensyon ko. Siya ang babaeng nasagi ako sa cafeteria nung nakaraang araw. Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaman ko ang kanyang pangalan.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
خيال علميAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...