“What happened to Eleneor”
“G'DAY, mate. Long live and Thrive!!” biglang bati sa amin ng isang lalaking pumapasok sa kanilang covert. Ito ay nakatago sa ilalim ng lupa at napapalibutan ng makakapal at matataas na damo.Hila-hila pa rin nila ang isang lalaking mayroong maliit na sako sa kanyang ulo. Kung titigtignan ang kanyang kasuotan ay masasabing isa siyang mayaman at negosyante sa loob ng Central City. Nakasuot kase siya ng isang business formal suit kaya hindi mapagkakaila na mataba lagi ang kanyang pitaka.
Kaya nila nilagyan ng sako ang kanyang ulo ay para hindi niya malaman ang covert ng receptionist. Iilan lang ang nakakaalam sa grupo ng RAPSCALLION at tanging ang mga mayayaman lang na tao ang may kakayahang magsuhol sa mga myembro nito para gawin ang kakaibang bagay na hindi magawa ng mga golden troops.
“How long that I need to wear this sack?” tanong ng lalaking kanilang hinihila kanina pa.
“Did you see this remarkable place that we have?” tanong ng lalaking RAPSCALLION sa kanya. Siya din ang lalaking bumati sa amin kanina, “this is our covert. Beautiful, isn’t?”
“Are you kidding me? My head is in the sack!” sigaw ng lalaki at nabigla naman ang lalaking humahawak sa kanya at mabilis nitong inalis ang sako sa kanyang ulo.
“Oh, I almost forgot. So…” pagpapatuloy ng lalaking bumati sa amin kanina at nabaling ang kanyang atensyon sa aming anim, “bakit kayo nandito? Akala ko ba ay napadala ko na kay Velmor ang mga mission request para ipaskil sa mission board?”
Nagkatitigan kaming anim sa kanyang sinabi at nabaling naman ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng formal suit. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at halata sa kanyang mukha ang matinding pagkakabagabag sa lugar na kinaroroonan namin.
“No, no. We were just showing around all the RAPSCALLION’s place with our new members. Nate, Tellereza and Bain Cane,” sagot naman ni Dwell habang ngumisi ito sa kanya.
“Ahhh.. Kung ganon ay tamang-tama dahil mayroon tayong bagong requester. Or should I say customer? Just kidding,” sabi nito at agad siyang nagpakilala sa aming tatlo, “I’m Armando Forsche. Head receptionist. Welcome to the club,” sabi nito at kinaladkad niya papasok ang lakaki sa isang silid. Sumunod naman kaming anim sa silid na kanilag pinasukan.
Maliit lang ang kanilang covert kumpara sa covert ng RAPSCALLION. Hindi ito kagaya sa lugar ng Empress na maraming pagkakaabalahan. Nandoon ang mga vegetation room, assembly hall, gym, at kung ano-ano pa. Kumpara rito ay madali kang mababagot.
Nakaupo lang kami ngayong lahat sa loob at nasa dulo ng lamesa ang lalaking nakasuot ng formal suit at nasa likod niya ang isang lalaking RAPSCALLION. Napakatahimik at wala manlang ibang tao bukod sa dalawang lakaking RAPSCALLION na tumatanggap ng request.
“May kasama pa ba kayo dito?” tanong ko kay Armando.
“Ah… yes. Bale mga bente ang bilang namin. Sampo kaming naghahanap ng requester at ang natirang sampu ay nasa labas. Lahat sila ay mayroong mga sniper. Mabuti nalang ay hindi kayo binaril,” sabi nito at tumawa pa ng malakas.
Nang napagtanto niya na siya lang ang tumatawa ay agad siyang huminto at biglang inayos ang kanyang sarili. Ako ang nahiya sa kanyang ginawa.
“Going back,” he said and he cleared his throat, “what request do you want, Mr…?” tanong ni Armando sa kanya.
“I’m Mr. Orlando. I’m the owner of one of the greatest infrastructure materials company inside this city. My daughter went missing, She’s Eleneor Orlando,” sabi niya at mayroon siyang hinugot sa kanyang bulsa at ipinakita sa aming lahat ang litrato ng kanyang anak na babae.
May taglay itong kagandahan at kung titignan ng mabuti ang mukha ng babae ay parang mas bata siya kumpara sa aming tatlo nina Tellereza at Bain Cane.
“Hindi ko alam kung bakit siya biglang naglaho. Nagulat nalang ako nang hindi na siya umuwi,” mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki.
“Ilang araw na po ba siyang nawawala?” tanong ni Bain Cane na ikinagulat ko naman kase kanina pa siyang walang imik sa isang sulok at ngayon lang siya nagsalita.
“Nagdadalawang linggo na,” sagot naman niya.
“Mabuti nalang,” sabi ni Bain Cane na ikinagulta ng lahat. Napatingin ito sa aming lahat at nagtakaka kung mayroon ba siyang nasabing mali, “I-I mean. Kung dalawang linggo siyang nawawala ay paniguradong hindi siya nadukot ng CRYPTIC. Right?”
Hindi na nagsalita si Bain Cane matapos niyang masabi ang mga bagay na iyon. Ilang saglit ang nagdaan ay si Dwell na ang nagtanong sa lalaki.
“Do you have any lead? If there’s no lead, there’s no action,” sabi ni Dwell.
“Nag-aaral siya sa Central City High School at palaging dumadaan sa bakanteng lote para mapabilis ang pag-uwi sa bahay. Lagi niyang sinasabi na hindi naman nakakatakot ang lugar. Doon niya nakilala ang isang bata na kaseng edad niya. Pareho silang nasa ika-lambing-apat na gulang at magkasalunghat ang kanilang kasarian. Ang pangalan ng lalaki ay si Reynard. Nang pumunta ako sa bakanteng lote na sinasabi ng aking anak ay wala akong nakitang Reynard.”
Mabilis namang isinulat lahat-lahat ni Armando ang sinabi ng lalaki. Isinulat na iyon sa isang malinis na papel. Ang dahilan lang kung bakit niya iyon ginawa ay para ipaskil sa mission board ng RAPSCALLION.
“Wala na ba siyang ibang sinabi tungkol dun?” tanong ni Dwell sa kanya at umiling na ito.
“Okay. Since you are already here guys—” putol na sabi ni Armando nang bigla akong nagsalita na agad naman niyang ikinagulat.
“Mr. Orlando. Maitanong lang. Paano niyo nahanap ang mga myembro ng RAPSCALLION para humingi ng tulong?” tanong ko kay Mr.Orlando.
“Uh-uh. Hindi kami tumutulong. Kailangan may bayad. No money, no service. Simple as that,” pagputol ni Armando kay Mr. Orlando nang sasagutin niya ang tanong ko, “pasimple kase kaming nagbibigay ng request card. Iyon ang ginagawa namin para kung sino man ang may gustong ipagawa sa RAPSCALLION ay tatawagan lang nila ang numerong nakapaloob sa request card,” man nakangiting pagpapaliwanag niya.
Tumawa na naman ito sa isang sulok at sabay pinuri ang kanyang sarili dahil sa ginawa niyang pagpapaliwanag sa akin.
“Kung pera lang ang pinag-uusapan ay wala kayong dapat ikabahala. Lumapit na ako sa sa golden troops pero ayaw nilang tumulong sa akin. Kinakabahan na ako baka mayroong ginawang masama ang CRYPTIC sa aking anak kaya ayaw makialam ng golden troop.” Sa pagkakataong iyon ay napaiyak na si Mr. Orlando.
Nang mapansin muli ni Armando na siya lang mag-isa ang tumatawa ay mabilis siyang tumahimik at inayos muli ang kanyang sarili. Malakas niyang ipinatong ang papel na pinagsulatan niya kanina. Dahil doon ay nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.
“Enough with the drama. Ilagay na ninyo 'to sa mission board. C’mon, the time is ticking!”
“No need with that. Kami na ang tatanggap ng misyon!” matapang na sabi ni Dwell.
“Kayong tatlo?” tanong ni Tellereza
“Tayong anim!” sabi ni Dwell na ikinabahala ng lahat.
“Wait—WHAT!!!” sigaw naming tatlo nang marinig namin ang kanyang sinabi.
“Yes!” magiliw niyang sabi, “ito na ang unang mission natin bilang grupo.”
Napatayo si Bain Cane para lumabas nang bigla siyang piniglan ni Clifford. Hindi na ito nagmatigas pa sa pagpipigil sa kanya dahil nakakasindak naman talaga ang awra ni Clifford.“Sana ayos ka lang. Hindi pa nga kami bihasa sa paghawak ng baril,” pagrereklamo ni Tellereza.
“Hindi pa SANGAYON.” Idiniin ni Dwell ang huling salitang kanyang binigkas. “Kung hindi pa kayo bihasa, sigurado ako na magagamit ninyo ang inyong mga abilidad para malutas ang misyon na ito,” sabi ni Dwell na hindi manlang inalam kung payag ba kami sa kanyang mga sinasabi.
“Sandali. Anong abilidad?” tanong ni Armando pero hindi siya pinansin ng lahat.
“Don’t worry Mr. Orlando. Iuuwi namin ang anak ninyo,” matapang na sabi ni Dwell na ikinaiyak ng matindi ni Mr. Orlando sabay nagpasalamat ng marami sa aming anim.
THIS ISN’T FAIR.
Thank you for Reading :)
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...