“Punishment”
NAKAHELERA sa labas ng E.H. Laboratory ang sampung mga namatay sa aksidenteng nangyari kanina. Nakatulala lang ako sa isang sulok habang nasa likod ko si Bain Cane. Nakasandal ito sa likod ko at nakasandal din ako sa likod niya. Maging siya ay tulala rin dahil sa nangyari. Hindi naman nasira ng malala ang Laboratoryo pero ang nakakapanghina lang ay ang mga kabataang nangamatay sa pagbigay ng handrail.Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang pagdating ng isang Metal Knight Truck. Agad iyong huminto sa harap ng sampung mga immunes na nagpasimuno ng pagtakas. Umiiyak ng parang bata si Geek habang minamatyagan niya ang pagtutok sa kanya ng baril ng isang bantay.
Ilang saglit lang ay bumaba sa truck si Cruxian at gaya ng dati ay nakasuot ulit ito ng puting tuxedo. Inilahad niya ang kanyang kamay sa isang bantay at agad na hinugot ng bantay ang baril at ibinigay kay Cruxian.
“Well, well, well… isang immunes ang nagtangkang tumakas?” Pasimulang sabi nito at sabay umikot sa harap ng sampung immunes, "Raising rebellion without my presence in my kingdom?"
Lahat sila ay hindi makatingin sa mata ni Cruxian. Ang hindi lang umiiyak sa grupo nila ay si Larry. Naawa rin ako sa sitwasyon ngayon ni Tellereza dahil nadamay pa siya sa katarantaduhang plano ni Geek.
Nagsisisi rin ako kase hindi ko nagawang sabihan si Tellereza na huwag ng makisali sa planong ginagawa nila.“Are you think that you can fool us here? This E.H. Laboratory has a device that can track you immediately. Remember the numbers stamped on your wrist?” Nakakatakot na pagngiti ni Cruxian. “That was the device that can locate you easily. If you try to put your feet outside the Laboratory, the device on your wrist will send a signal to the main base of CRYPTIC. Did you get it? To make it short… You have nothing to do to escape here. Accept the fact that all of you are CRYPTIC’S property,” pagtatapos ni Cruxian.
“Fuck you…” bulyaw ni Larry na ikinahinto ni Cruxian.
Ilang saglit lang ay tumalsik ang dugo ni Larry sa mukha ni Geek at Mark. Napasinghap ang lahat sa nangyari. Wasak ang mukha ni Larry nang natumba ito sa lupa. Nanlilisik ang mga mata ni Cruxian sa kanyang ginawa habang umuusok pa ang kanyang baril na ginamit sa pagpatay kay Larry.
Dahil doon ay mas lalong umiyak ng matindi ang mga kababaihang immunes. Tumahimik lang ang lahat ng nagpaputok ng dalawang bala si Cruxian sa kalangitan.
“That is your warning. Hindi kami magdadalawang isip na patayin kayo kapag tatakas kayo rito dahil hindi pa nagsisimula ang aming eksperimento sa inyo,” sabi ni Cruxian at agad na ibinigay ang baril sa isang bantay, “I need replacement of those dead immunes,” pabulong nitong utos sa bantay at agad namang tumango ang kanyang kausap bilang tugon.
“Go,” utos sa amin ng isang bantay.
“Where?”
Hindi niya ako sinagot bagkus mayroon siyang tinignan sa malayo. Sinundan ko ang kanyang tingin at nakita ko ang tents na nakaayos malapit sa Laboratory.
“You all have to stay there temporarily,” sabi ng bantay at agad na kaming tumayo ni Bain Cane at pumunta sa tents.
Hindi na rin kase maganda ang panahon ngayon. Medyo madilim ang paligid at hudyat iyon na ano mang oras ay malapit nang umulan. Kumulog ng isang beses at tumulo na nga ang masakit na tubig-ulan sa aking balat. Bago pa kami makapasok sa loob ng tents ay basang-basa na kami ng ulan.
“Number 50 and Number 60. Come with me,” sabi ng isang babaeng nakasuot ng puting kasuotan tulad nina Beatrice at Celine Page.
Hindi na kami nagtanong pa at agad na namin siyang sinundan. Maraming mga immunes ang nasa kani-kanilang mga tents at lahat sila ay mayroong kasamang katulad ng babaeng kasama namin ngayon. Hindi siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa comfort room ng tents.
“You should take a shower and after a minute we will call you for some announcement,” sabi niya at agad na siyang naglakad palayo sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bain Cane dahil pareho kaming naintriga sa sinabi niyang announcement. Dahil doon ay kinutuban ako ng matinding takot. Hindi namin hawak ang aming kapalaran dito sa loob ng E.H. Laboratory at narinig ko rin mula sa bibig ni Cruxian ang mga katagang hindi sila magdadalawang-isip na patayin kami kapag gagawa kami ng hindi maganda.
Baka totoo nga talagang tanggapin nalang namin ang aming kapalaran dito sa loob ng Laboratoryo.
Ang kanilang comfort room ay yari sa bamboo. Napangiti nalang ako sa desinyo ng banyo. Ang papag din nito ay yari sa bamboo at napaplibutan ng maliliit na mga bato. Nasa kabilang cubicle si Bain Cane at mukhang patapos na siya sa kanyang pagligo kaya sinimulan ko naring maligo.
Matapos kaming maligo ay nakaabang sa labas ang isang tuwalya at mukhang iyon lang ang magiging suot ko hanggang sa dumating ang babaeng sumama sa amin dito. Inilibot ko na sa aking beywang ang tuwalya at ilang saglit lang ay dumating na nga ang babaeng sinamahan kami dito kanina.
“Wear this sweater,” sabi niya na parang isa na siyang bangkay dahil sa kanyang walang ka emo-emosyong mukha. Nang maibigay na niya sa amin ang mga sweaters ay nginitian ko siya ng bahagya.
Nang maisuot na namin ang sweaters ay sinundan agad namin siya hanggang sa nakarating kami sa isang tents na nandoon lahat ang mga immunes. Nakaupo silang lahat at magkakapareho ang mga suot naming lahat. Kagaya sa Laboratoryo ay napapalibutan pa rin kami ng mga bantay.
Ilang saglit lang ay pumunta sa harap si Cruxian na labis kong ikinagulat. Naglagay ito ng alcohol sa kanyang kamay bago niyang simulan ang kanyang sasabihin. Mukhang nandiri pa siya sa kanyang ginawang pagpaslang kay Larry.
“So, this is temporary. We are staying here until our Laboratory will be okay. Those immunes that responsible to the accident will be punish,” pagsisimula niya at agad na sumenyas sa isang bantay. Mga ilang saglit lang ay pumasok ang sampung immunes at lumuhod ito sa harap namin.
“Here are the immunes that put us on hell earlier. They will going to suffer from the punishment of five days of no food, no water and we will hit them one by one. I hope that it will serve this as a warning to all of you. Don’t do anything stupid. Understand? And of course. No immunes will create a conversation to them within five days.”
Walang may sumagot sa sinabi ni Curxian at inulit niya pa ang kanyang sinabi pero wala paring tumugon sa aming lahat.
Isang putok na baril ang umalingawngaw sa aming mga tenga at napasagot kami ng mabilis. “May mga bibig naman pala kayo,” sabi ni Cruixan habang ibinababa niya ang kanyang baril.
Agad niyang tinadyakan isa-isa ang mga immunes palabas at uminit ang ulo ko dahil nakita niya kung paano niya tadyakan si Tellereza. Akmang tatayo ako nang pinigilan ako ni Bain Cane. Pinilit ko pang alisin ang kanyang mahigpit na pagkapit niya sa aking braso pero nagmakaawa ang ibang immunes sa akin na huwag kong ituloy ang aking binabalak baka daw ano pa ang gawin ni Cruxian sa ibang mga immunes.
“Dude, control your temper,” sabi ni Bain Cane habang hawak niya ang kaliwang kamay ko.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili at unti-unti namang binitawan ako ni Bain Cane. Napansin niya ang suot kong mood ring kaya tinanong niya kung bakit palagi nalang daw iyon kulay itim.
“Ewan ko din baka sira ang binigay saking singsing ni Beatrice,” sagot ko naman sa kanya.
“Wait… binigyan ka ni Beatrice ng ganyan?”
“Oo, bakit? Hindi ko pa nga sana tatanggapin pero pinilit niya ako.”
“Okay. Teka lang… may naiisip ako,”
napakunot ako ng noo sa kanyang sinabi. Nakangiti itong nakatingin hanggang sa nailabas niya ang kanyang sasabihin.“Paano kung gagamitin natin si Beatrice para makatakas dito?”
“Are you out of your mind?”
“I’m dead serious,” sagot niya sa akin na biglang sumeryoso ang mukha.
“I’m not using anyone here. We will escape here without the help of our enemies. Beatrice is still our enemy. Remember that. Although I’m using her for some kind of gathering information, We will not use her to create a dangerous plan to escape here,” sabi ko at agad na tumayo kasabay ng pagtayo ng ibang immunes.
Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...