CHAPTER TWELVE

19 5 5
                                    

“Meeting the Project Green”


“GOOD to see you, Nate Peter…” pagbati sa akin ni Erso nang nakita niya akong pumasok sa kanyang opisina. Nakasuot siya ng puting tuxedo at ang abo ng sigarilyo na kanyang sinisipsip ay nahuhulog sa kanyang eleganteng puting pantalon.

Muntik na akong matawa sa kanyang reaksyon nang maramdaman niya ang init ng abo ng sigarilyo. Agad siyang kumalma na parang walang nangyari at hindi niya nagawang tumingin sa akin. Umupo ako sa bakanteng silya na nasa harap ng kanyang lamesa. Hindi muna ito nagsalita dahil bumubuwelo pa ito sa kanyang sasabihin dahil sa nangyari kanina.

“Bakit mo ako pinatawag?” tanong ko sa kanya.

“Ito naman. Bakit wala ka naman emosyon sa sinabi mo. Hindi ka ba natuwa? dahil sa amin ay nagkaroon ka ng pambihirang abilidad na kailanman ay hindi makukuha ng ordinaryong tao sa loob ng Central City,” tuloy-tuloy nitong sabi sa akin at agad niyang nilagay ang kanyang sigarilyo sa ash tray na nasa kanyang harapan.

“Sa tingin mo ay matutuwa ako…?” sambit ko sa kanya at nararamdaman ko ang pagtaas ng tensyon sa pagitan naming dalawa, “sa tingin mo ba ay pasasalamatan kita dahil dito? Noong una palang ay dinakip niyo kami at pinarusahan dito. Inalyo niyo kami sa mga mahal namin sa buhay… tapos gagawin niyo kaming sunod-sunuran sa mga gusto ninyo!—” sigaw ko sa kanya.

Dahil matinding emosyon ang aking pinakawalan ay nagkaroon iyong ng reaksyon sa mga de-kuryenteng kagamitan sa loob ng kanyang opisina.

Dahil doon ay agad niyang kinontrol ako gamit ng tattoo na nasa aking pulso. Doon ay napigilan niyang sumabog ako sa galit. Hindi ko talaga gusto kapag ginagawa nila iyon sa akin. Hindi ko manlang natanggihan ang kanilang pagkontrol niya sa akin.

“Calm down,” sabi nito habang bahagya niyang nginitian ako. Sa ginawa niyang iyon ay nakapadagdag iyon ng inis sa akin. Akmang gagamitin ko sa kanya ang aking abilidad nang pinakita niya sa akin ang  isang voice remote control para ako ay kontrolin, “isa ka nalang ngayong papet na sumunod sa bawat utos ko. It remind me of someone. We also control him the way we want to. But the difference is, you is an ordinary guy but that guy is so popular inside this City,” sabi nito na agad na tinikom ang kanyang bibig.
Hindi ko inalis ang masamang tingin ko sa kanya hanggang sa itinago na niya ang remote na kumokontrol sa buo kong katawan. Tumawa ito ng mahina habang pinapanood ako.

Iniinsulto pa talaga ako ng matandang ito. Kapag nakalabas ako ng buhay sa lugar na ito ay sisiguraduhin ko na siya ang una kong papatayin.

“Go back to our topic. Dahil nasa loob mo na ang gamot para makontrol ng CRYPTIC ang buo mong katawan at isipan ay malaya na naming magagawa ang gusto namin. Kailangan kase ninyong mainom ang gamot na iyon para komonekta sa tattoo na nasa mga pulso ninyo. Is it amazing? Our creation can lead the whole city into a better place. Imagine a city were all the citizens are obeying to their master in one order. How fun to imagine that,”  kinikilig niya pang sambit.

“Sa tingin mo ba ay magtatagumpay kayo sa inyong pinaplano?!”

“Not being absurd or being boaster. But yes. Soon enough we will conquer the whole city by using all the immunes we have created,” sabi nito at agad na kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinidihan iyon, “lumayo na tayo sa dapat nating pag-uusapan.”

Bago niya pa tinuloy ang kanyang sasabihin ay sumispsip muna ito sa kanyang sigarilyo at halos tumirik ang kanyang mga mata sa sarap na kanyang nalanghap na aso mula sa sigarilyo.

“Do you remember my offer to you last time?... Oh, sorry about what happened. I didn’t hold myself to beat your face before…” he laughed and he cleared his throat. “Naalala mo pa ba ang Project Green?” tanong nito sa akin na agad na ikinalukot ng aking mukha.

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon