“Life Span”
NAGSUSUNURAN ang buong immunes papunta sa Assembly Hall ng E.H. Laboratory. Isang linya lang aming kailangang gawin para makapasok sa loob. Kung sino man ang hindi sumusunod sa linyang kanilang sinabi ay makakatikim ng sakit sa katawan. Mas mahigpit ang kanilang pagbabantay sa aming lahat kumpara sa dati. Baka siguro ay tangkain naming gamitan sila ng aming abilidad kapag hindi sila maging mahigpit sa aming lahat.Ilang ulit kong nilibot ang aking paningin para hanapin si Bain Cane at si Tellereza pero kahit anino manlang nila ay hindi ko nagawang mahagilap. Dahil sa paglilibot ng aking paningin ay napansin ko ang mga mukha ng bawat immunes. Sumpak ang kanilang mga pisngi at kung titignan ng maigi ay masyadong payat ang kanilang pangangatawan.
Napakapayat at parang ilang segundo lang ay matutumba na sila sa sahig dahil sa kanilang postura. Walang kaemo-emosyon ang mga mukha at nakikita mo sa kanilang mga mata ang labis na pagdurusa at kalungkutan.
Nagtanong ako sa akong sarili kung ganoon din ba ang hitsura ng aking mukha. Sa tingin ko naman ay hindi. Nang makita ko kase si Kevin ay hindi naman ganoon ang kanyang mukha.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagawa na naming punuin ang buong Assembly Hall. Naroon sa dulo ng Hall ang isang malaking led screen na nakalagay ang pangalang Erso’s creation. Nandoon sa harap sina Beatrice at si Celine Page. Nasulyapan ko din ang kasuklam-suklam na mukha ni Cruxian. Pareho silang nakangiti habang mayroon silang pinag-uusapan na kung ano.
Napansin ko sa aking kanang bahagi ang mahinang paghikbi ng isang babae. Pinipilit niyang hindi umiyak dahil sa kanyang nararamdaman. Pinapakiramdaman niya ang mga bantay sa gilid ng Assembly Hall. Mukhang takot na takot itong tumingin sa mga mata nila. Akmang tatanungin ko siya kung ano ang kanyang problema pero may biglang nagsalita sa dulo ng Assembly Hall.
“Ladies and Lads. How are you today? Feel great?” masiglang sabi ni Erso habang pinipilit niyang pangitiin kaming lahat. Kahit ano ang kanyang gawin ay hindi parin niya nakukumbinsi ang lahat na maging masaya sa kabila ng aming naranasan sa kaniyang eksperimento.
“C’mon. Are you not all happy that you have that kind of uncommon ability? You are now ten times ahead than a normal human inside this City. A great ability that can change the world forever,” pagpapatuloy niya na para bang wala siyang ginawang masama.
Akmang magsasalita siya ulit nang mayroong isang immune ang lumapit sa kanyang harapan. Isang lalaking nagkaroon ng lakas ng loob na gambalain ang pagsasalita ni Erso sa harap. Kasing tangkad kami nito at siguro ay kasing edad lang kami base sa kanyang pangangatawan.
“Go back to your line. What’s your name mister?” tanong ni Erso sa kanya.
“Eichmann, Eichmann Adley,” seryoso nitong sagot.
“Adley. Go back to your seat or else…” pagbabanta ni Erso at agad na inagaw ni Eichmann ang microphone at inihagis sa kabilang dulo ng Assembly Hall.
Napasinghap ang lahat sa kanyang ginawa. Dahil doon ay agad na naghanda ang buong bantay ng CRYPTIC sa aming gilid para sa susunod na gagawin ni Eichmann. Agad kaming tinutukan ng mga baril sa ulo at sa maling galaw lang namin ay tiyak basag na ang mga bungo namin.
“Let us go! You have already did what you wanted to do with us. We’ve suffered enough. Please let us go,” malakas nitong pagbigkas ni Eichmann na agad na ikinainis ni Erso.
“Stop with this lunatic actions. If you will not stop I will use—” putol nitong sabi ni Erso nang akmang gagamitan siya ng abilidad ni Eichmann. “Eichmann. Don’t use your ability to me. You know that—” naputol muli ang kanyang pagsasalita nang namilipit ito sa sakit.
BINABASA MO ANG
HORSESON [COMPLETED]
Science FictionAfter Laughter comes Tears. This story happened after Kylvin Diasque released all the immunes from the hands of CRYPTIC. Half of the immunes went missing and the other half was taken by Headquarters by some tests. Nate Peter Horseson escaped from th...