CHAPTER THIRTY-ONE

9 3 0
                                    

“Into the Battle”


“So here we are,” sabi ni Trevor habang nakapamewang ito sa harap ng kagubatan. Sinamahan niya kaming hanapin ang pinasukan ng itim na sasakyan ng CRYPTIC. Itong lugar kung saan nila dinala ang babaeng immune at ang anak ni Mr. Oliver.

“Sasamahan mo ba kami sa loob?” tanong ni Clifford kay Trevor na biglang ikinagulat niya ng matindi.

“W-woah…” sabi ni Trevor habang hindi niya maipaliwanag ang kanyang sarili sa kanyang narinig na boses mula kay Clifford. Maging siya ay hindi makapaniwala na nagsasalita si Clifford sa harap niya. Maging ako man ay nagulat din nang marinig ko siyang nagsalita. Nakakapanibago lang kaseng marinig.

Pagkatapos kong malaman kay Trevor ang tungkol sa aking nakita mula sa kanyang holoboard ay agad iyong sinabi ni Bain Cane kay Dwell. Pagkatapos nun ay hinanap ako ni Dwell para tanungin kung totoo ba ang sinasabi ng aking kaibigan. Sinabi ko sa kanya ang kung ano ang nakita ko sa screen ng holoboard ni Trevor. Dahil doon ay napaniwala ko naman siya. Ayaw pang maniwala ni Tellereza tungkol sa kutob ko sa mga CRYPTIC pero nang malaman din niya iyon ay hindi na siya nagsalita pa.

“What the… you almost scared me to death, man,”hingal na hingal na sabi ni Trevor at  agad niyang sinagot ang tanong ni Clifford, “kayo na ang bahala sa misyon niyo. May gagawin pa ako dahil kailangan ako ng grupo ko. So… Long live and Thrive!” sabi niya at agad na tinapik ang mga balikat namin.

Long live and Thrive ang madalas kong marinig sa RAPSCALLION. Simula nang maging kaanib kami sa kanilang grupo ay parati nilang bukang bibig ang mga katagang iyon. Sabi sa akin ni Dwell na ang mga katagang iyon ay nagpapakahulugan na kailangan nilang mabuhay at lumago sa siyudad na kinabibilangan nila katulad ng mga halamanang tanim nila.

“Are we all ready? This is our only last chance to find Eleneor,” sabi ni Dwell nang makaalis na si Trevor sa kinaroroonan naming lahat.

“Oh, we’re been ready since day one,” matapang na sabi ni Bain Cane at napangiti naman si Dwell ng napakalapad na halos umabot sa kanyang tenga.

“So, C’mon guys. We have some business that we need to finish,” sabi nito at sinimulan na naming pumasok sa loob ng kagubatan.

Bakas sa lupa ang mga gulong ng isang kotse na nagpapatunay na nandirito nga ang mga CRYPTIC na dumukot kay Eleneor. Mabuti nalang talaga ay nandirito pa ang bakas na iniwan nila dahil nagbigay iyon sa amin ng deriksyon kung saan sila posibleng mahanap.

“Can I ask?” tanong ni Dwell sa aming tatlo nina Tellereza at Bain Cane.

“Hmm?” Sagot ko.

“Naalis niyo ba lahat ng tracker tattoo sa mga immunes nang nasa E H. Laboratory?” tanong niya at nababakas sa kanyang mukha ang pagkaseryoso sa kanyang tanong.

“Bakit mo naman naitanong?”

“Kung naalis ninyo ay bakit nakita pa rin ng CRYPTIC ang babaeng immune?”

Sa kanyang sinabi ay napahinto ako sa aking paglalakad. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako sigurado na naalis ko lahat sa mga immunes ang tracker tattoo gamit ang tracker remover na ibinigay sa akin ni Beatrice. Iniwan ko iyon sa mga kamay ni Kevin.

“Hindi ako sigurado,” sabi ko sa kanya na lubos naman niyang ikinabahala. “Bakit gusto mong malaman?”

“Napaisip ko lang na kung hindi niyo nagawang maalis ang tracker tattoo sa buong immunes ay nagpapakahulugan lang iyon na nasa panganib parin ang ibang immunes.” Sabi ko nito at agad na huminto sa paglalakad at hinarap ako. “Mukhang kailangan ng ibang immunes ang tulong ninyo o tulong ng RAPSCALLION.”

HORSESON [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon