Chapter 38 - Forgiving

12 2 1
                                    

Published: May 22,2022

CHAPTER 38 - FORGIVING

LEANDER'S POV

Umawang ang mga labi ko nang biglang pumasok si Lolo. "I-ikaw? Paano nyo nagawa sakin ito, Lolo? Dahil sa ginawa ninyo muntik ko ng hindi abutang buhay si Anna."

"Hangga't hindi mo nararanasan, hindi mo mauunawaan. Bakit si Kristina ang una mong pinuntahan gayong alam mong isinugod sa ospital si Anna?"

"Dahil akala ko nanganganib ang buhay niya ngunit niloko n'yo kami. At ngayon, nasaan si Kristina?"

"Nasa panganib din ang buhay ni Anna ng mga oras na iyon, Leander. Ang sabihin mo, mas matimbang ang babaeng mahal mo!"

Wala siyang mahagilap na ikatwiran. Dahil inisip niyang hindi nya kakayanin kapag may nangyaring masama kay Kris.

"Mabuti at nadatnan mo padin siyang buhay at nakapagpaalam sayo. Unlike your father. Buong buhay niya may guilt ang puso niya sa nangyari at dinagdagan mo pa. Masakit din sa akin iyon apo dahil anak ko ang iyong mama. Pero sa mga nalalabing oras ng iyong ina ay nakita ko kung paano niya inalagaan ang aking anak."

Tumayo ang papa niya mula sa swivel chair nito at lumapit sa kanya. "Nauunawaan kita, Anak. Nang isugod sa ospital ang mama mo ay iyon din ang araw na nasa panganib ang buhay nina Rossana at Jake sa kamay ng naging unang asawa nito. Tuliro ako at ang nasa isip ko noon ay hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa mag-ina ko. At isa pa, hindi ako Doctor, ang magagawa ko lang ay maghintay unlike kina Rossana na papatayin na ng unang asawa nito."

"M-mag-ina?" Naguguluhang saad niya.

"Oo. Si Jake ay kuya mo." Napabuntong hininga ito at nagpasyang ikwento ang mga pangyayari noon. "Magkasintahan kami noon ni Rossana ngunit ipinakasal siya ng mga magulang niya sa anak ng bussiness partner ng mga magulang niya. Walang nagawa si Rossana kundi pumayag dahil sa takot ng mga magulang na mawala ang lahat ng pinaghirapan nila. Nagpakasal si Rossana lingid sa kaalaman niyang nagdadalan tao na siya bago pa sila ikasal. Nasaktan ako sa naging pasya ni Rossana at sa puntong lugmok ako sa kalungkutan, dumating ang mama mo. Nakiusap sa akin ang lolo mo na pakasalan ko ang anak niya, Ang mama mo. Dahil sinabi ng mama mo na mahal niya ako. Kahit alam niyang may sakit siya sa puso at alam niyang delikado sa kanya ang pagkakaroon ng anak ay hiniling niya na magkaanak parin kami dahil ito lamang ang maibibigay niya sa iyong lolo. Ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ni Papa. Madalas nang inaatake sa puso ang mama mo noon ngunit hindi ipinapaalam sayo upang hindi ka mag-alala. Bago pa siya mawala, hiniling niya sa akin na balikan ko ang mag-ina ko kung mawawala siya dahil batid niyang may pagmamahal parin ako kay Rossana at hindi maganda ang trato sa kanila ng asawa nito nang malamang hindi kanya si Jake. At nagpasalamat parin sa akin dahil kahit paano'y minahal at inalagaan ko s'ya at huwag kang pababayaan."

"Bakit ngayon n'yo lang sinasabi sa akin ito?" Lugmok sa luha ang mga mata niya.

"Dahil balot ng poot ang puso mo at ayaw kong dagdagan pa iyon. Ayaw mong makinig, nagrebelde ka. Nang mapanatag ako na ligtas na si Rossana at Jake ay saka ako tumakbo sa ospital ngunit huli na ang lahat dahil dead on arival ang mama mo."

Napaluhod ako sa mga isiniwalat ni Papa. Para akong nauupos na kandila at tuluyang tinakasan ng lakas. "K-kaya ba ipinahiwalay ninyo sa akin si Anna noon dahil sa unang anak ninyo?"

"Nagkakamali ka. Si Anna ang nagpasyang umalis dahil lalo lamang sumasama ang kalusugan ng puso niya dahil sa guilt na nagkakasakitan na kayo ni Jake. Jake was still so inlove with her at ayaw niya itong pakawalan, then on the other side you were eaten by your anger without knowing that she was suffering a heart desease. Kaya sinabihan kong lumayo muna dahil mas makakasama din sa puso niya. I was just protecting her. Kung hindi siya umalis, sa palagay mo humaba pa ang buhay niya at umabot ng ilang taon?"

Sa puntong iyon. Ngayon pa lamang niya nauunawaan ang lahat.

Ang sakit. Napakasakit na hinayaan niyang mabalot ng galit ang puso niya. "I-i'm sorry, Papa." Tanging nasambit niya.

Lumapit si papa sa akin at niyakap ako. "I'm sorry din, anak. Mahal kita."

Sa puntong iyon ay lumapit din si lolo sa amin at niyakap kami. "Baka gusto mo din humingi ng tawad sa kuya mo at Mama Rossana mo?" Saad ni Lolo.

Tumango siya. Pinuntahan nga niya ang step mom niya at humingi din ng tawad. Napaluha si Lady Rossana at napayakap kay Leander. Madali lang din nagkapatawaran sila ni Jake. Wala na ang bakas ng hinanakit ni Jake tungkol sa nangyari sa pagitan nilang tatlo noon ni Anna dahil naka move on na din naman ito. Galit lamang si Jake sa kanya sa naging pagtrato niya sa Mama nito noon.

Sabay-sabay silang buong pamilya na nakiramay at nakipaglibing sa pagkawala ni Anna. Isa sa pinasasalamatan ng lolo niya na nakipagtulungan si Anna upang magkapatawaran ang pamilya at ma-realized  ni Leander na ang mga bagay-bagay na nangyayari sa mundo ay may kanya-kanyang dahilan. Ang sukatan ng Love, Giving, Obligations, and sacrifices.

ITUTULOY. . .

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon