CHAPTER 39 - The Interview
KRISTINA'S POV
"Mama." Bungad ko nang makapasok sa aming bahay.
Nasurpresa naman si Mama nang makita ako. "Anak, bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka? Edi sana nasundo ka namin sa Airport."
Agad akong yumakap kay Mama na animo'y nakahanap ng masusumpungan.
"Anong nangyari, Anak?" Nag-aalalang tanong nito.
Bahagya akong ngumiti ngunit hindi ko mapigilan ang mga luhang kanina pa nais kumawala sa aking mga mata.
"May nangyari ba sa inyo ni Leander? Nag-away ba kayo?"
"Hindi po Mama. Mukhang mali ang naging pasya ko na sundan siya sa kanila. Baka galit na s'ya sakin ngayon. Umuwi ako kasi ayokong makita kung paano siya magalit sa akin." umiiyak na saad ko.
Hinagud-hagod ni Mama ang likod ko upang kumalma. "Ssshh.. Tahan na anak. Kung ano man ang nagawa mo, alam kong mauunawaan iyon ni Leander at hindi ka matitiis. Sa ngayon, pumasok muna tayo sa kwarto mo at magpahinga ka muna. Pagkatapos saka mo ikwento sa akin ang lahat."
Habang nasa kwarto ay ikinwento ko kay Mama ang mga nangyari.
Tinapik niya ako sa balikat. "Alam kong may dahilan ang lahat. Hindi naman gagawa ang lolo o Papa ni Leander nang mga bagay na ikasasama lalo ni Leander. Magtiwala ka. hmm?"
Ngumiti at tumango ako kay Mama. Sana nga.
Pero paano si Anna? Ano na kayang nangyari sa kanya? Magkasama na kaya sila ni Leander ngayon?
Napabuntong hininga ako.
MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO ay muli akong bumalik sa Eskwela kasama ang mga kaibigan ko. Pinilit kong mag-aral ng mabuti para kay Mama. Hindi man ako nahanay sa mga topnotchers, atleast hindi naman bagsak ang grades ko.
Madalas ko padin maalala si Leander lalo na kapag nag-iisa ako. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya.
kamusta na kaya siya? Namimiss n'ya din kaya ako? Napapaluha nalang ako sa tuwing maaalala ko s'ya. Pero kailangan ko nang mag move on. kailangan ko nang tanggapin na magkaiba ang mundong aming ginagalawan at hindi kami nababagay para sa isa't isa.
Pero bakit ang sakit? Nasasaktan ang puso ko sa kaalamang iyon? At heto na naman itong mga matang ito. Ayaw na naman tumigil sa pag-iyak.
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at pinahid ang mga luha ko. Kailangan ko na talaga siyang kalimutan at ituon nalang ang sarili ko sa pag-aaral.
Hanggang sa sumapit ang Graduation namin. Masayang-masaya si Mama dahil sa wakas, natupad nadin ang pangarap niyang makapagtapos ako ng pag-aaral.
______
"PARE, dun ka nalang sa company namin mag-apply. As secretary ko." Suhestyon ni Dylan sa akin.
"Pare, pwede naman habang wala ka pang nahahanap na trabaho, tulungan mo muna ako sa pet shop ko." Suggest naman ni Ulysses.
"Hindi Pare, dun sa hospital namin. Kailangan namin ng cook doon." Sabad naman ni Tristan.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko upang patigilin ang mga ito. "Mga Pare, alam kong gusto ninyo akong tulungan lahat. Pero sana, this time. Hayaan n'yo naman na maging independent ako. Masyado na ako nasanay na parati kayong nariyan sa tabi ko. Paano ako matututo? And besides. Ang layo ng mga kurso ninyo sa akin. Gusto kong magamit kahit paano ang natutunan ko at ma-grow kung ano ang skills ko. hmm?" Nakangiting saad ko sa mga ito.
"Sige, Pare!" Nakangiting naunawaan ako ni Ulysses.
"Pero kapag kailangan mo ng tulong, narito lang kaming tatlo. Okay?" Si Dylan.
Ngumiti ako sa mga ito. "Okay."
Masasabi ko parin na napakaswerte ko dahil binigyan ako ng Diyos ng mabubuting mga kaibigan bonus pa na ang gugwapo ng mga ito.
"Ito nalang. Puntahan mo to, hiring sila ngayon. Kilala ng daddy ko ang Executive director dyan dahil naging pasyente niya yan." Pag-abot sa akin ni Tristan ng isang calling card.
Malawak akong napangiti. "Thank you. Yieee.." Saka ko niyakap ang mga ito.
_____
"Ma, alis na po ako."
"Goodluck sa interview mo anak. Sana makapasa ka."
"Thanks, Ma." Saad ko at humalik sa pisngi ni mama.
Nakarating ako sa Hotel kung saan gaganapin ang interview ko.
"Miss Amor." Tawag sa akin ng isang babae. Marahil ay sekretarya ito ng Executive doon. "Sumunod ka sa akin."
Agad naman akong tumalima. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. Ngayon pa talaga ako ninenerbyos.
Huminga ako ng malalim at nag sign of the cross. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka sa sobrang kaba ko, mautal ako at hindi ako matanggap sa trabaho.
Sumakay kami ng elevator ng babae at pinindot sa mataas na palapag. Paglabas namin sa elevator ay humantong kami sa isang opisina doon. Kumatok muna ang babae at nang marinig ang "Come in" galing sa loob ay binuksan niya ang pinto at pinapasok ako.
Kay lamig ng kwarto na nanggagaling sa aircon niyon. Parang mas lalo yata akong kinabahan. Isang lalaking nakatalikod sa amin ang nadatnan namin doon, nakaupo ito sa swivel chair nitong patalikod at nakaharap sa open curtain glass wall ng opisinang iyon.
Nangunot ang noo ko. Dito ba talaga ginaganap ang interview ng mga aplikante? Animo'y isang luxury office of an CEO ang datingan nito. At ang lalong nagpakunot sa noo ko ay wala ang plaque ng name sa Office table nito.
"Sir, narito na po si Miss Amor." Saad ng babae.
Itinaas lang ng lalaki ang kamay nito at lumabas na ito sa opisinang iyon.
Tiningnan ko ang babae sa paraang nagsasabing "iiwan mo ko?"
Ngumiti lang ito sa akin.
"What position are you applying for?" The man asked. Hindi parin ito humaharap sa akin.
Napalunok ako. Medyo kabado bente talaga. "A-ahm.. Any position that fits my qualifications." I stutter in response.
"Then, you are perfectly fit the qualification as my wife."
Parang nag slow motion ang paligid sa unti-unting pagharap nito.

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
TeenfikceMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...