Chapter 29 - The Fight

108 7 2
                                    


Published: Jan. 18,2019

CHAPTER 29 - THE FIGHT

KRISTINA'S POV

"Naibigay mo ba?" Tanong agad sakin ni Bell.

"Oo." Sagot ko dito. "Ahm.. Bell, madalas mo ba makita si Lean-- ay este, Young Master Prince kapag nasa loob ng kwarto nya? I mean, kahit natutulog ganun?" Curious na tanong ko.

"Hindi. Si Manang Corazon kasi ang naglilinis ng kwarto nya kapag umaalis na ng bahay si Young Master Prince."

"Huh? Eh, paano yung mga damit nya kapag dinadala mo sa kwarto nya?"

"Inaabot lang nya sa pinto, kapag hindi naman sya sumasagot iiwan lang sa tapat ng pinto ng kwarto nya." Sagot nito.

Napangiwi ako. Siraulo talagang lalaki yun. Sanay na pala ha!

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito na mukhang may naalala. Biglang nanlaki ang mga mata nito at umawang ang mga labi. "Hwag mong sabihing pumasok ka sa loob?"

"Huh?"

"Sorry, Kris. Nakalimutan kong ibilin sayo sa pagmamadali ko kanina. Nasigawan ka ba? Sorry talaga. Si Mr. Peter at Manang Corazon lang kasi ang hinahayaan niyang makapasok sa kwarto nya. Sorry talaga." Abot na paghingi nito ng paumanhin.

"H-hindi naman. Hindi naman sa ganun, Bell."

"Pagpasensyahan mo sana yung halimaw na yun."

Napalingon kaming pareho ni Bell ng may biglang tumikhim sa likod namin. Naroon na pala si Manang Corazon. "BELL, MAY MGA GAGAWIN ka pa hindi ba?"

"O-opo." Sagot nito kay Manang at tumalikod na sa amin upang gawin ang trabaho nito.

Binalingan naman ako ni Manang Corazon. "Hija, hwag kang palilinlang sa mga nakikita at naririnig mo." Makahulugang saad nito sakin.

Nangunot ang noo ko. "Po?"

Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang ito ng matamis sa akin. "Aalis si Young Master Prince. Baka masalisihan ka."

Napamulagat ako sa narinig ko at agad na tumakbo patungo sa kwarto ni Leander. Unang araw ng opisyal na trabaho ko ito, hindi pwedeng pumalpak ako agad.

Haist! Ano ba kasing pinaggagagawa ni Leander sa buhay nya? Magmumukha pang body guard ako nito e.

Nagulat nalang ako dahil sa pagmamadali ko nang may biglang makabangga ako. Bago pa man ako matumba sa bilis ng pangyayari ay maagap na akong nahawakan nito sa aking mga braso.

Napamulagat ako nang mapagtanto kung sino ang nakabangga ko. "S-sir Leandro?"

"Ngayon alam mo na. Kailangan mo ng dobleng pagbabantay sa kanya." Saad agad ng Ginoo. Mukhang alam na nito ang dahilan ng pagmamadali ko.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon