Chapter 34 - Pain From The Past

25 1 0
                                    

Published: Feb. 13,2021

CHAPTER 34 - PAIN FROM THE PAST

KRISTINA'S POV

"Kamusta na kayo? Miss na miss ko na kayong lahat." Nakangiting naluluha ako habang kausap sa video call sila Ulysses, Dylan at Tristan, matapos kong makausap si Mama. Naroon silang lahat sa bahay at halos doon padin umuuwi ang mga ito.

Vacant namin ngayon at sinusulit ko ang oras ko sa mga kaibigan kong nasa Pinas. Mas pinili kong umakyat dito sa rooftop upang mas makausap sila ng walang masyadong estudyante.

"Okay naman kami, Pare." Nakangiting sagot ni Dylan. "Ikaw? Kayo ni Leander, kamusta na?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Dylan. Masasabi ko bang 'okay' kami ni Leander kung mula noong madischarged sa ospital si Anna ay sila na itong parating magkasama? Masasabi ko bang 'okay' ako? Na animo'y asong bumubuntot sa kanila? Ayoko namang maging selfish dahil alam kong kailangan ni Anna si Leander ngayon.

Napapitlag ako at agad napalingon nang biglang may mga brasong pumulupot mula sa likurang baywang ko. "Okay na okay kami." Matamis na ngiting sagot ni Leander sabay halik sa pisngi ko.

"Mabuti naman kung ganon. H'wag mong pabayaan ang Pare natin d'yan ahh.. Mag-iingat kayo lagi." Paalam ni Ulysses na sinegundahan naman nina Tristan at Dylan.

"Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala."

"Ahm.. kasi bigla ko namiss si Mama kaya tumawag ako sa kanila." Sagot ko dito. "Si Anna?"

Nagbuga ito ng isang marahas na paghinga bago ito sumagot. "Nagpunta sa ladies room." Tumitig ito sa akin at malamyos na hinaplos ang aking pisngi. "Miss na kita."

Masakit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa sinabing iyon ni Leander.

"Sorry, alam kong nasasaktan kita. Pero wala akong magawa." Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito.

"Sshhh.. naiintindihan ko naman 'yon. H'wag kang mag-alala, nandito lang naman ako. hmm..." i smiled sweetly, kahit bakas sa mata ko ang lungkot.

"Prince, N-nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo na ko." Sabay kaming napalingon kay Anna pagdating nito sa kinaroroonan namin. Hawak nito ang dibdib at bahagyang hinihingal.

Agad namang dinaluhan ni Leander ang dalaga. "Bakit ka umakyat dito? Alam mong bawal sa'yo ang mapagod." Saad nito habang hawak sa magkabilang balikat ang dalaga.

Biglang may kung anong kirot ang bumalatay sa puso ko dahil sa eksenang nakikita ko. Nagseselos ako kahit alam kong hindi dapat, dahil alam kong ako ang mahal ni Leander. Pero paano kung mahulog muli ang loob ng binata dito? Gayong alam ko kung gaano minahal ni Leander si Anna noon.

--

"Bakit nag-iisa ka?" Napaangat ang paningin ko sa binatang bumungad sa akin papasok sa pinto ng mansion.

"Jake, ikaw pala. Wala kang trabaho ngayon?" Sa halip ay balik tanong ko dito.

"Medyo sumakit ang ulo ko kaya umuwi ako ng maaga. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"H-ha? ahh.. k-kasi... may dinaanan pa si Prince." Pagsisinungaling ko. Dapat ko bang sabihin dito na inihatid ni Leander si Anna, gayong alam ko na din ang nakaraan nila nito?

"Kristina, alam kong narito na ulit si Anna at hindi lingid sa kaalaman mo kung anong nakaraan sa pagitan naming tatlo noon nila Prince. Pero tapos na 'yon. Nakaraan na." Diretsong saad nito.

Napayuko ako sa sinabi nito. Bahagyang nalungkot ako para sa binata. "S-sorry, Jake."

He lift up my head and gave me a smile. "I'm okay now."

I was shocked sa sumunod na nangyari. Biglang may humila sa braso ni Jake na nakahawak sa mukha ko at agad dumako ang kamao ni Leander sa mukha nito. "Don't touch my, girl." Bulyaw ni Leander sa lalaki.

Agad din namang nakahuma si Jake at malakas na suntok din ang pinakawalan nito dito. "Natatakot ka bang gawin ko ang ginawa mo sakin noon?" Ganting saad nito.

Sinunggaban ni Leander sa kwelyo si Jake at ganon din ang huli. "Never akong nang-agaw dahil mas gawain n'yo yun ng ina mo!"

Lalong nag-igting sa galit si Jake at muli nya itong sinuntok.

"Tama na." Sigaw ko at agad dinaluhan si Leander. "Please, Jake nakikiusap ako."

"Kausapin mo 'yang g*gong 'yan."

Susugod sanang muli si Leander ngunit agad ko itong pinigilan. "Tama na, Pare please..." Pagmamakaawa ko.

"Anong nangyayari dito?" Naguguluhang tanong ni Mistress Rosanna sa nadatnan. "Leander, Jake?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawang binata.

Sa halip na sumagot ay umalis na lamang si Jake.

"Leander, anong--?" Akmang hahawakan ng ginang si Leander ngunit sinalya nito ang kamay nito.

"H'wag mo kong hahawakan." Matigas na saad nito saka tinalikuran ang ginang.

Wala akong nagawa kundi habulin na lamang ito ng tingin.

"Hindi ko alam kung paano sila pagkakasunduin, kung ganitong pati sa akin ay malaki ang galit ni Prince." Umiiyak na sambit ng Ginang. Bumaling ito sa akin. "Pasensya ka na Hija, kung nasasaksihan mo ang ganito."

"H'wag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan upang maging maayos ang pamilyang ito." Pang-aalo ko sa Ginang, kahit hindi ko pa alam sa ngayon kung paano ko gagawin iyon.

"Maraming salamat, Hija."

MATAPOS kong magpaalam kay Mistress Rosanna ay sinundan ko agad si Leander sa kwarto nito upang makausap. Hindi pwedeng ganito nalang sya palagi sa twing makikita niyang magkausap kami ni Jake.

"Anong kailangan mo?" Malamig na bungad sa akin ni Leander pagbukas nito ng pinto ng kanyang silid.

Dire-diretso akong pumasok sa loob. "Pare, hindi pwedeng ganyan ka lagi, na sa twing makikita mong magkausap kami ng kuya mo ay makikipagbasagan ka ng mukha."

"Hindi ko sya kapatid."

"But he's the son of your step mother. Anak ng babaeng pinakasalan ng Papa mo." I exclaimed.

"Sila ang dahilan kung bakit namatay ang Mama ko, sila ang dahilan kung bakit ako nasaktan ng ganito." He replied.

"Nasaktan din si Jake nung malaman nyang kayo ng girlfriend nya. Na naging kayo na ni Anna kahit hindi pa sila naghihiwalay. But he moved on. Naka moved on na sya kay Anna."

He grin. "So, alam mo na pala ang mga bagay na 'yan? Kaya ba gumawa sila ng paraan para ilayo sakin si Anna noon dahil hindi matanggap ni Jake na ako ang mahal ni Anna at hindi na s'ya? At ano? Si Papa pa mismo ang nagpalayo kay Anna para sa'kin. Dahil nasasaktan ang mas itinuturing niyang anak? Si Anna na s'yang dumamay sa lahat ng paghihirap ko. Ang taong muling nagpangiti sa akin at nagturo kung paano maging masaya muli?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko habang ibinubulalas ni Leander ang bawat katagang kung gaano nabago at minahal ni Leander si Anna noon. Oo nga't nasabi na sa akin iyon ni Mr. Peter pero iba ang sakit na sa mismong bibig ni Leander nagmumula ito. Animo'y punyal na tumatarak ng malalim sa puso ko.

"Ako parin ba ang mali, Kristina?"

"No." Pag-iling ko. "I was just trying to help you to open up your heart for forgiveness. Matuto kang magpatawad at h'wag mong hayaang kainin ng galit ang puso mo."

"You would never understand my pain, dahil hindi ikaw ang nakaranas no'n."

"Pare..."

"Leave, Kristina."

"Please, listen to me--"

"Get out!"

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon