Published: Jan. 22,2019
CHAPTER 30 - THE STORY BEHIND
KRISTINA'S POV
"Anong nangyayari sa kanya?" Tanong ko habang nakatanaw sa papalayong binata.
Tinapik ako sa balikat ni Jake. "Pagpasensyahan mo nalang sya."
I bit my lip. Naiiyak na ko sa mga nangyayari. Gusto ko man tanungin si Jake kung bakit sila magkaaway ni Leander ay wala naman akong sapat na lakas ng loob para magtanong.
"I have to go."
Tumango nalang ako.
Wala sa loob na napahawak ako sa braso kong hinila ni Leander kanina. Medyo sumakit iyon. Siguro nga ay wala ng pagmamahal sa akin ang binata kung kaya't hindi na ito bumalik.
I sighed. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sayo, mas masasaktan lang ako ng husto kung patuloy na ganoon ang ipakikitungo sa akin ni Leander.
Nakapagdesisyon na ako. Uuwi nalang ako sa amin.
Agad kong pinuntuhan si Mr. Peter upang magpaalam at hihingi nadin ako ng sorry dahil sa hindi ko magagampanang trabahong ibinigay sa akin.
Agad ko namang natagpuan si Mr. Peter na kausap si Manang Corazon.
Iginiya niya ako sa isang maliit na sala upang doon kami makapag-usap.
"Sorry, Mr. Peter. Pero ibang-iba na po si Leander ngayon at nasasaktan ako sa malaking pagbabago nya."
"Hindi mo na ba sya mahal?" Tanong ni Mr. Peter sa akin.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Paanong nalaman nito na--.
"Alam kong lahat ang nagaganap kay Prince sa Pilipinas, hindi mo ba natatandaan yung driver ng kotse nung nag-date kayo?"
Napanganga ako. "K-kayo yung driver nung--."
Natawa ito. "Ako nga."
Aish. "Sorry po, hindi ko po kayo napansin dahil mata nyo lang ang nakita ko sa rear view mirror nung kotse. Pero gaya po ng sinabi nyo, para saan pa po ang pagmamahal ko kay Leander kung isa nalang sa amin ang nagmamahal. At isa pa, mukhang kinalimutan na ako ni Leander. Ni hindi nya nga po naisip na may taong naghihintay at umaasa sa pangakong binitawan nya."
"Babalik na sana s'ya." Saad nito na ikinagulat ko.
"Po? Paanong --"
"Ilang linggo palang nung umuwi sya dito galing sa pilipinas ay muli siyang tumakas." Panimulang pagkukwento nito. "Nasa airport na sya noon at pasakay na sana sa eroplano nang tawagan ko sya. Nang malaman kasi ni Mr. Chairman na naglayas muli ang apo nya ay inatake ito sa puso. Kung kaya't wala nang nagawa si Prince kundi ang bumalik dahil ayaw niyang may mangyari sa kanyang lolo ng dahil sa kanya."

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Fiksi RemajaMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...