Chapter 24 - The Date

85 11 1
                                    

Published: Oct. 21, 2018

CHAPTER 24 - THE DATE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 24 - THE DATE

LEANDER'S POV

"Kamusta ka na, young master?"

"H'wag mo kong patawanin, Jake. Bilib din naman ako sa lakas ng pang-amoy ninyo." Pauyam na saad ko dito.

"Thanks for the compliment." He replied. "I guess nahuhulaan mo na kung bakit ako naririto ngayon?"

"Yeah, I know! At sasama ako sayo." I answered. "But not now. Ilang linggo nalang matatapos na ang sem."

"Alam mong hindi ikaw ang makapagpapasya niyan, PRINCE LEANDER RAMIREZ SARMIENTO." Pagbibigay diin nito sa buo kong pangalan.

Nagtangis ang aking mga bagang. "Susunod ka o pahihirapan kita?"

Nakangising itinaas nito ang magkabilang kamay hudyat ng pagsuko at saka naglakad palayo sa naturang lugar.

Hindi na nakapagtatakang mahagilap ako ng aking ama kahit saang sulok ng mundo pa ako magpunta. Walang imposible sa kamay ni Leandro Sarmiento.

-

"Leander, anak. Saan ka ba nanggaling bata ka? Kanina ka pa hinahanap ni Kristina."

Itinaas ko ang dalawang supot ng pagkaing bitbit ko. "Bumili lang ako ng makakain, mama. Pasensya na po't natagalan."

"Akin na nga at ng maihanda na para makakain na tayo."

"Salamat po." Saad ko bago bumaling at lumapit sa kinahihigaan ni Kristina. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na ko, Pare." Nakangiti nang sagot nito.

"Tapos na ang ginawang test sa kanya ng doctor, findings nalang ang hinihintay." Sabi naman ni Jessa at saka iniabot sa akin ang dalawang styro na may lamang pagkain.

"Mamaya na ako." Sabi ko dito at sa halip ay isang styro lang ang tinanggap ko. "Halika pare. Subuan nalang kita."

Nakita ko ang bahagyang pagkailang ni Kristina nang dumako ang mga mata nito sa mga lalaking kasama namin. "O-okay lang ako pare. Kaya ko naman kumain mag-isa."

Hindi na ako nakipagtalo pa sa dalaga. Inalalayan ko na lamang ito upang makaupo ng maayos.

-

Matapos ang ilang araw ng pagpapagaling ni Kristina sa ospital at masigurong maayos na ang kalagayan nito ay pinayagan na itong makauwi.

Hindi na din ito nagsampa ng reklamo laban kay Angela, ngunit bilang parusa sa nagawa nito at ng dalawang pa nitong kasama ay binigyan na lamang ng suspension ang mga ito.

KRISTINA'S POV

Isang linggo ang matuling lumipas mula nang lumabas ako ng ospital. Nakakalungkot lang isipin na di na tulad ng dati ang samahan naming lima. Oo nga't nagkaayus-ayos na kami pero yung samahan namin noon ibang-iba na. Parang bawat kilos at salitang lalabas sa mga bibig namin ay may limitasyon na.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon