Publised: April 18,2017
CHAPTER 14 - THAT KISS
~KRISTINA'S POV~
Pabiling-biling ako sa higaan. Gabi na naman at hindi na naman ako makatulog.
Oh, God! Ano ba itong nangyayari sa akin?
Bumangon ako at naupo sa harap ng tukador. I looked my self at the mirror. Wala sa sariling nahaplos ko ang aking pisngi. Ang taong tinititigan ko ngayon sa harap ng salamin, kilala ko pa ba?
~~~Who is the girl I see staring straight back at me? Why is my reflection Someone I don't know? Must I pretend that I'm Someone else for all time? When will my reflection show Who I am inside.~~~
I hardly closed my eyes. Hanggang kailan ko mapaninindigan ito? Nang dahil lang sa isang hula, nagugulo ang utak ko ngayon.
I sigh.
Lumabas ako ng kwarto ko at nagpasyang magpahangin muna sa terrasse.
Nangunot ang noo ko. Hindi lang pala ako ang hindi makatulog ngayong gabi.
"Parekoy, hindi ka rin ba makatulog?" Untag ko kay Ulysses.
"Nagpaantok lang. Sige, matutulog na ko."
Sandali nga, parang may hindi na tama dito.
Hinawakan ko sa braso nito si Ulysses ng akmang tatalikuran na ako nito. "Saglit nga parekoy. Ano bang problema mo? Napapansin ko hindi mo na ko masyadong kinakausap at kung magsasalita ka man, lagi mo naman akong sinusungitan. Nakakainis ka na, daig mo pa ang nagme-menopause sa attitude mo."
Hinarap ako nito. "Nakakaramdam ka rin pala. Akala ko manhid ka!"
"Bakit ka ba nagagalit sa'kin? Ano bang nagawa ko?"
"Hindi mo talaga alam Kristina?"
Haizt! Nakakapikon na! "Huwag mo 'kong tawagin ng ganyan."
"Huwag kitang tawaging Kristina? Iyon naman talaga ang pangalan mo di ba? Kristina!"
Naikuyom ko ang aking kamao at biglang umigkas ito sa pisngi ni Ulysses.
Agad namang nasapo nito ang pisnging nasuntok ko. "Kung may galit ka sa'kin, tara. Magsuntukan nalang tayo." Bulyaw ko dito na agad na nagpainit sa sulok ng aking mga mata. "Nagbago ka na Ulysses. Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa'kin." Sambit kong tuluyang nagpaiyak sa'kin.
"Hindi ako nagbago Kristina. Pilit ko lang itinatago ang nararamdaman ko dahil natatakot ako. Natatakot akong magbago kang bigla."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi mo parin ba ma-gets? Noon okay lang na friendzone tayo kasi ako lang ang lagi mong kasama. Pero iba na ngayon e."
"Ano bang iba Ulysses? Diretsuhin mo nga ako."

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...