Published: April 28,2017
CHAPTER 18 - FEVER
~KRISTINA'S POV~
Pagkauwi namin sa bahay galing School ay nagpahinga lang saglit si Leander at gumayak na ito sa pagpasok sa trabaho.
I don't know how to approach him. Nahihiya ako.
Ngayon pa talaga ako nahiya?
"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Leander. Marahil nahulaan nito ang pagkabalisa ko.
Gusto kong itanong kung saan ka nagtatrabaho?
Bakit kailangan mo pang mag-working student?
Mahirap ka ba?
Saan ka talaga nakatira?
Ano ba talaga ako sayo?
May nararamdaman ka ba talaga sa'kin o lahat ng ito'y biro lang sayo?
"Ahm.. mag-iingat ka." Sa halip ay namutawi sa bibig ko.
Ngumiti lang ito at bahagyang tumingin sa paligid.
Nang masiguro nitong walang makakakita ay nagulat ako nang bigla ako nitong nakawan ng halik sa aking mga labi. "Pasok na 'ko. Huwag mo na 'kong hintayin, matulog ka ng maaga." Sabi nito.
Napahawak ako sa labi kong hinalikan nito. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilin ang mapangiti.
"Kinikilig ka." Mahinang saad nito.
"Bwisit ka. Umaalis ka na nga!"
~~~
Pabiling-biling ako sa aking kama ng maramdaman kong humahangin sa labas dahil sa pagwasiwas ng kurtina sa aking silid. Bumangon ako at bahagyang sumilip sa labas ng bintana.
Mukhang uulan ng malakas.
Sinipat ko ang oras sa wrist watch ko. Nine na ng gabi.
Hindi nga ako nagkamali, maya-maya pa'y bumuhos na ang malakas na ulan.
Nagpasya na akong mahiga at nagtalukbong ng kumot, ngunit hindi ako makatulog dahil sa lakas ng kulog at kidlat.
Bigla kong naisip si Leander. Maya-maya lang ay out na nito sa trabaho.
Bumangon ako at nagpasyang magkape.
Hindi ako makakatulog hangga't hindi pa dumadating ang binata, idagdag pa ang sobrang lakas ng ulan. Nag-aalala talaga ako lalo't alam kong wala itong dalang payong.
Paroo't parito ako sa sala. Tahimik na tahimik. Mukhang mahimbing na ang tulog ng mga kasama ko.
Muli kong sinipat ang oras. Alas dyes na ng gabi.
10:25pm
-
-
-
10:30pm
-
-
-
10:45pmBigla akong napasilip sa labas nang makarinig ng ingay sa gate.

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Fiksi RemajaMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...