Chapter 40 - Longing for you

13 2 0
                                    

CHAPTER 40 - Longing for you

KRISTINA'S POV

"Kamusta, Pare?" He ask with his genuine smile. Bagay na bagay dito ang suot na business suit at napaka poging tingnan.

"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Saka palang nito inilabas mula sa ilalim ng table nito ang name plate plaque nito.

Umawang ang mga labi ko nang mabasa ang nakasulat doon. "Prince Leander Sarmiento" Chief Executive Officer.

"Ikaw ang CEO ng Royal Hotel?" Naibulalas ko eksakto naman na tumunog ang cellphone nito.

"Yes, Papa?" Sagot nito sa kabilang linya.

Papa? Nagkaayos na sila ng papa niya?

"Her qualifications doesn't suit
our company. Medyo mababa ang mga grades." Saad nito habang binabasa ang mga credentials ko. "But atleast pasado. What would i expect? Sa pagtulog lang naman sa klase sya magaling."

Naningkit ang mga mata ko sa mga narinig ko. "Goodbye Mr. Sarmiento. I guess nagkamali ako ng naapply-an." Akmang tatalikuran ko na ito nang pigilan ako.

"Hep! I wasn't finish yet." Pigil nito habang nasa tainga pa rin ang cellphone nito. "Papa, i'll call you back. I have something to discuss with the lady here. A special place where she suits her best." Paalam nito sa kausap. Binalingan ako nito. "And where do you think you're going?"

"B-buti naman nagkaayos na kayo ng Papa mo."

"Thanks to someone."

Sino ang someone na tinutukoy nito? Kung sino man iyon, nagpapasalamat din ako sa kanya. "Kung ganon. Masaya ako para sa inyo. Aalis na ko, Sir."

Nang bubuksan ko na ang seradura ng pinto ay agad akong hinila ni Leander kasabay ng pag locked ng pinto ng opisinang iyon. "Not so fast. We're in the middle of an interview."

Nagbalik ba ito dito to take his revenge? Oh no! "Maghahanap nalang ako ng ibang maaapply-an."

Napatda ako nang biglang hapitin ni Leander ang baywang ko at ilapit ang mukha nito sa mukha ko. I can feel his breath fan my face.

Nahigit ko ang hininga ko at napapikit ng mariin nang akmang hahalikan ako nito.

"Breathe, Kristina." He whisper.

Pinakawalan ko ang hangin sa dibdib ko at eksaktong pagsagap kong muli ng hangin ay saka nito sinunggaban ng halik ang aking mga labi. Shock ako. Nagsusumigaw ang utak ko na kumawala sa mga halik nito pero ang katawan at puso ko ay naghuhumiyaw naman kung gaano ko na missed ang lalaking ito. Kusang gumalaw ang mga braso ko na yumakap dito. His kiss was too passionate i just want him to continue. I unconciously moved my lips to his. Halik na punung-puno ng pananabik sa isa't isa. Animo'y pinunan nito ang mga panahong magkawalay kami.

"Be my wife, Kristina." Saad nito nang maghiwalay ang aming mga labi. I can see the sincerity in his eyes pero ang bilis naman yata non.

"Aalis ka pagkatapos babalik ka. Ngayon sasabihin mo sa akin, be your wife!?" I sarcastically said. "Akala mo ganon lang yun kadali?"

Sasabihin lang 'be my wife' ni wala man lang romantic proposals?

"Akala mo ba madali din sakin na mawalay ng matagal sayo? Bakit umalis ka nalang basta-basta na walang paalam sakin?"

"And now you're here para gantihan ako? Dahil ba pumayag akong gamitin ng lolo mo? Hindi ko alam kung ano ang intensyon nya pero tama ka nga, ginamit nila ako at ayokong makita ang galit mo sakin kaya tumakas ako." Naiiyak kong saad dito. Bigla ko tuloy naalala ang araw na iyon, nang araw ding iyon inatake si Anna. "Si- si Anna. Kamusta na kayo? Hindi ba kayo nagkabalikan?" Halos magkabikig sa lalamunan ko ng sambitin ko iyon.

"She died that day."

I was literally shocked. Napatutop ako at kusang bumalong ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. "I- i'm sorry."

Hinapit ako nito at niyakap ng mahigpit. "Ssh... don't cry." Saad nito at tinuyo ang aking mga luha. "Nagkausap pa kami bago sya bawian ng buhay. And she's thankful to you, dahil ipinahiram mo daw ako sa kanya. Then, sabi n'ya sakin balikan daw kita dahil alam niya kung gaano mo ako kamahal."

Nag-angat ako ng tingin dito. "Excuse me, naka move on na ko sayo."

"Naka move on? Kaya ba ang higpit ng yakap mo sakin kanina at halos mapugto na ang hininga mo sa halikan natin?"

Napakagat labi ako. Bakit ba kasi ang rupok ko?

Itinulak ko ito upang kumawala sa pagkakayakap nya sakin. "Ewan ko sayo. Aalis na 'ko." I rolled my eyes and walk away to leave that room.

"Sa palagay mo naghintay ako ng ganito katagal para lang pakawalan ka?"

Mabilis ang ginawa nitong hakbang upang pigilan akong makalabas ng pinto. Binuhat ako nito at kaagad na dinala sa malapad na sofa ng kanyang opisina. Maingat akong inihiga ni Leander doon. Nang akmang tatayo ako ay agad itong nahiga at hinapit ang aking baywang. "Please, stay with me." He whispers to my ear. "I am too tired. Nagmadali akong lumipad makapunta lang dito para sayo. Just let me sleep a bit."

I was too sttuned to speak. Kadarating lang niya? Nilingon ko si Leander habang nakadantay sa balikat ko ito ng nakapikit. Kababakasan nga ng pagod ang itsura nito and I can't find a way to say no.

Lumamlam ang mga mata kong napatitig sa napakagwapong mukha ni Leander. I do really missed him so much. "B-bakit ka ba nagpunta dito?"

"Dahil wala nang magbabantay sayo kapag nagkatrabaho ka na." He said in a soft tone. Nanatili itong nakapikit.

Napakunot noo ako. "M-magbabantay?"

"May iba't iba na kasi silang aasikasuhin at wala na kayo sa school."

"Ibig sabihin pinabantayan mo ako sa tatlo?"

LEANDER'S POV

"So that i can focus on my studies, para walang umaligid sayo and to get the permission to be with you. Yan ang kundisyon nila Lolo." I slowly open my eyes and stare at her. "I'm sorry. I was selfish. I only want you to be mine, to be with you for the rest of my life. I was longing for you for a long time, Pare. Kung alam mo lang kung gaano kita kinasasabikang makita sa araw-araw pero nagkakasya nalang ako sa pagtingin ng mga isinesend na pictures mo ng mga pare natin." My words are full of sincerity. "Sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko, ikaw lang ang pinakatamang nangyari sa akin. I love you, Kristina. I love you so much, Pare."

Tears started to flowed in her eyes. "I-i love you too, Leander. Pero gusto ko munang masuklian ang mga paghihirap ni Mama sa akin. Ayokong sayangin yung mga paghihirap nya mapagtapos lang ako ng pag-aaral. Gusto kong magtrabaho at mapasaya si Mama."

"You can be my secretary."

Umiling si Kris. "Baka di ko magampanan ng maayos ang trabahong iyan. Gusto kong mag umpisa kung saan nararapat na posisyon."

"You sure?"

She nod. "Pero huwag mo akong back-up-an."

"Okay." Then i hug her tightly.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon