Chapter 8 - The Brave Man At His Weakness

201 15 1
                                    

Published - March 2, 2017

CHAPTER 8 - THE BRAVE MAN AT HIS WEAKNESS

~KRISTINA'S POV~

"Pinalayas ka no?"

"H-huh? Ahh.. h-hindi no." Kandautal na sagot ni Tristan.

I raise my brow. "Lier!"

"Wala akong dapat na ipaliwanag sayo, tomboy!" Saad nito sa pagmumukha ko.

"Aba't! Bastos 'to ahh.." hmm... infairness, kahit bagong gising mabango padin ang hininga nito. Haha

Ano ba 'tong naiisip ko? Erase! Erase!

"Bakit ang aga mo? Nasaan ang mga knight in shinning armors mo?"

"Bakit? na-missed mo sila?"

"Asa ka!"

Rolled eye. Hindi ko na ito pinansin at sinimulan ko na ang pagwawalis.

Napasulyap ako kay Tristan, nakatalungko ito sa upuan. Bakit ba feeling ko problema ito?

Hmp! Bahala sya sa buhay nya.

Maya-maya pa ay dumating narin ang mga kasama namin.

Oh! God, help. Sana walang basagan ng face ngayon please... piping dasal ko.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Kunwari wala akong nakikitang nilalang.

Nangunot ang noo ko dahil ganon din sila sa akin.

Anyare?

"Pre, sorry nga pala kahapon." Narinig kong sabi ni Ulysses kay Tristan na sinegundahan naman nina Leander at Dylan.

Lihim akong napangiti nang tanggapin ni Tristan ang pakikipagbati ng tatlo.

Thank God! Nakahinga na ko ng maluwag.

Matapos kong magwalis ay nag-inat-inat ako. Ang sakit pala sa balakang.

Ang laki kaya ng hall na 'to. Grabe! Tagaktak pawis ko.

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong abutan ng panyo ni Leander.

I just stared at him. Nang hindi ko abutin iyon ay ito na mismo ang nagpunas ng pawis sa noo ko na lalong ikinaawang ng mga labi ko.

"Kapag hindi mo itinikom 'yan, hahalikan ko yan." Bulong nito.

Napamulagat na agad kong natutop ang bibig ko.

"Hindi ka na talaga mabiro." Saad nitong pinitik ang noo ko.

"Siraulo ka talaga!" Kinuha ko sa kamay nito ang panyo at nagpunas ng pawis sa leeg ko, pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na dahil sa mga alikabok na nawalis ko.

Sinulyapan ko ang mga kasama ko. Abala narin ang mga ito.

Napasagap ako ng hangin. Mukhang okay naman na sila, kaya nagpasya akong lumabas muna para magpunta sa wash room dahil feeling ko, ang oily na ng face ko.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon