Published - March 4, 2017
CHAPTER 9 - THE FOUR PRINCES IN THE HOUSE
~KRISTINA'S POV~
Nakangiting inilahad kong muli ang kamay ko kay Tristan. "Friends na tayo ha?"
"Friends!" He smiled back and took my hand.
"Tara na, baka naghihintay na yung tatlo sa cafeteria."
Nangunot ang noo nang tatlo pagkakitang magkasama kami ni Tristan.
"Ba't magkasama kayo?" Tanong ni Dylan.
Nagkatinginan lang kami ni Tristan. "Simula ngayon, sa bahay nadin titira si pareng Tristan." Nakangiting inporma ko sa mga ito.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leander.
Napakamot ulo si Tristan.
"Mahabang kwento kaya sa ngayon, pakainin nyo muna kami. Kanina pa ko nagugutom."
"Di ba mayaman ka at hindi naman kalayuan ang bahay nyo dito?" Si Ulysses.
"Pare, mukhang hindi yata sila pabor sa alok mo sa'kin?" Bulong sa'kin ni Tristan.
Dismayadong hinila ko sa kamay si Tristan palayo sa tatlo. "Umuwi na tayo, sa bahay na tayo kumain."
Hinabol ako ni Ulysses at pinigilan sa braso. "Pare, hindi naman sa ganon. Masama bang magtanong?"
"Hindi naman masama, pero hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Sabi ko, mahabang kwento at hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan ito."
"Sorry! Sobrang sensitive mo naman."
"Ako pa talaga ang sensitive? Di ba sinabi ko naman sayo na gutom na 'ko."
"Sorry na nga eh. Sige na, kumain na kayo."
"Wala na 'kong gana. Tara na pareng Tristan, mas masarap luto ni mama kaysa dito sa cafeteria kaya tiisin mo muna gutom mo." Yakag ko dito.
Naiiling na sumunod nalang sa amin ang tatlo.
Pagdating sa bahay ay naamoy na agad namin ang bango ng niluluto ni mama na pininyahang manok.
"Wow! Ang sarap naman nun." Napangiting saad ko. "Mama, andito na po kami."
Nakangiting sinalubong kami ni Mama. "Nandito na pala kayo." Gumawi agad ang tingin nito kay Tristan.
"Mama, si pareng Tristan. Simula po ngayon, dito muna sya titira."
Napaawang ang bibig ni mama na titig na titig kay Tristan. "Ikaw palang ang kauna-unahang itinanan ng anak ko."
"Mama, hindi ko sya itinanan ano ba naman kayo?"
Pagkasabi ko noon ay eksakto namang pagpasok nina Ulysses, Leander, at Dylan sa bahay.
Lumawak ang pagkakangiti ni mama.

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...