Published: March 18,2021
CHAPTER 36 - TORN BETWEEN
LEANDER'S POV
Pupungas-pungas akong bumangon at naupo sa kama ko. Hinilot ko ang aking sentido na bahagya pang kumikirot. Mukhang naparami ang nainom ko kagabi.
Sinipat ko ang oras sa wrist watch ko, mag-aalas syete na ng umaga. Nangunot ang noo ko. Bakit hindi ako ginising ni Kris?
Shit! Naibulalas ko nang maalala ang ginawa ko kagabi. Napasabunot ako sa sarili ko. Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili.
Pagbaba ko ay eksakto namang papasok ng bahay si Peter. "Nasaan si Kristina?" Bungad ko dito.
"Inihatid ko na. Ang sabi ay baka hindi ka makapasok dahil sa sobrang kalasingan mo kagabi." Sagot nito. "Papasok ka ba? Ihahatid kita."
"Hindi na, magmomotor nalang ako."
PAGDATING ko sa classroom ay agad na hinanap ng mata ko si Kris. Nakatanaw lang ito sa bintana ng classroom namin sa gilid ng inuupuan nito at hindi man lang nag abalang lingunin ako. Si Anna naman ay sinalubong ako agad ng matamis na ngiti nito.
"Prince, bakit hindi ka pumasok kahapon? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong agad nito pagkaupo ko sa gitna nila ni Kristina. Ni hindi man lang talaga ako tinapunan ng kahit sulyap ng babaeng ito.
"Medyo masakit ang ulo ko." Sagot ko kay Anna.
"Okay ka na ba?" Akmang hahawakan nito ang noo ko ngunit awtomatikong napaiwas ako. Marahil dahil ayokong makita iyon ni Kris at ikaselos nito.
"Y-yes. Okay lang ako."
Nakita kong bahagyang sumilay ang lungkot sa mga mata nito matapos kong umiwas dito.
"S-sorry."
Tipid lang na ngumiti ito sakin.
Bahagya kong siniko sa braso si Kristina sa tabi ko ngunit inilayo lamang ng dalaga ang braso nito sakin. Mukhang nagalit nga ito kagabi dahil sa ginawa ko at hindi ko sya masisisi. Mukhang lumabis na ako.
NATAPOS ang klase namin na hindi ko nakausap si Kristina dahil sa hindi din humihiwalay sa akin si Anna. Bigla din nawala ito sa paningin ko nang maglabasan na ang lahat sa klase.
"Prince, sorry sa lahat ng naging kasalanan ko sayo noon. Sorry, kung bigla kitang iniwan." Saad ni Anna sakin habang naglalakad na kami papunta sa sundo nito.
"Tapos na 'yon. H'wag na nating balikan pa."
"Pati ba ang pagmamahal mo sa akin, tapos na?"
"Anna..."
"Prince, Sana mapatawad mo ko."
"Pinapatawad na kita." Sagot ko. Bakit kay Anna, ang dali kong sabihin iyon? Ang dali ko s'yang patawarin? Pero bakit sa pamilya ko, bakit kay Papa hindi ko magawa?
Ngumiti ito sakin. "Salamat Prince. Pasok ka bukas ha." Malambing na saad sakin nito matapos kong ihatid at pasakayin ito sa kotse nila.
Ngumiti ako at tumango dito bago ko isinara ang pinto ng kotse na sinakyan nito.
I sigh. Nahihirapan na ako. Nasasaktan ako na sasaktan ko si Kristina. Nasasaktan ako dahil hindi ko mapatawad ang pamilya ko. Hanggang kailan matatapos ito?
Patungo na ako sa pinagparadahan ko ng motor ko nang magring ang cellphone ko. "Hello?"
"Prince, si Anna inatake ulit. Katatawag lang ng driver namin at idederetso na nya si Anna sa Ospital. Papunta na kami doon ngayon." Umiiyak na saad ng Mommy ni Anna.
"O-okay po. Susunod na po ako." Pagkapatay ko ng cellphone ko ay agad kong tinakbo ang kinaroroonan ng motor ko, ngunit bago ko pa paandarin iyon ay muling nagring ang cellphone ko. "Hello, Peter."
"Master Prince, Si Kristina dinukot ng mga di kilalang mga kalalakihan."
"What? Paano nangyari 'yon?"
"Natanawan ko na syang naghihintay sa akin nang may Van na biglang huminto sa harapan nya at sapilitang pinasakay sa sasakyan. Sinusundan ko sila ngayon."
Bigla akong kinabahan. Sino ang mga iyon? "Tatawag ako ng mga pulis. Sundan mo lang sila Peter."
"Baka mas lalong may gawing masama ang mga dumukot sa kanya kung gagawin mo iyan. Baka kidnap for ransom iyon at lalo syang mapahamak."
Shit! "Nasaan ka na ngayon? Susunod ako." Matapos sabihin ni Peter kung saan papunta ang kotseng sinusundan nito ay agad ko nadin pinasibad ang motor ko." Inilagay ko sa Cellphone holder ang cellphone ko sa tapat ng motor ko at nagkabit ako ng earpiece nang sa gayon ay hindi mawala si Peter sa linya.
Napasulyap ako sa Cellphone ko nang may biglang sumulpot na incoming call. Si Kristina. "Hello, Pare nasaan ka?"
"Bitiwan nyo ko, anong kailangan nyo sakin?" Narinig kong sigaw ni Kris sa kabilang linya.
"Pare! Kristina!" Malakas na sigaw ko.
"Pumunta ka dito sa Bukchong, sa abandonadong gusali kung gusto mo pang makitang buhay ang babaeng ito." Sagot ng isang lalaki na sinabayan ng halaklak.
"H'wag n'yong sasaktan si Kristina." I said with my gritted teeth, ngunit bigla na itong nawala sa kabilang linya.
Mabilis kong piniga ang selinyador ng motor ko at itinodo ng apak ang clutch nito. Natatakot akong may gawin silang masama sa babaeng mahal ko.
Maya-maya pa'y nagring muli ang cellphone ko at Mommy iyon ni Anna.
My God!
Pagpindot ko ng answer button ay agad itong nagsalita. "Prince, nasa loob na ng emergency room si Anna. Natatakot akong iwanan na kami ng anak ko." Umiiyak na saad nito.
"I-i'm sorry, tita." Pagkasabi ko niyon ay pinatay ko na ang tawag nito. Hindi ko na napigilan ang paglandas ng mga luha ko. Mas kailangan ako ni Kris ngayon at hinding-hindi ko kakayaning may mangyaring masama sakanya.
KRISTINA'S POV
Humantong kami ng mga lalaking dumukot sa akin sa isang abandonadong gusali. "Bitiwan n'yo ko ano bang kailangan n'yo sakin?" Pagpupumiglas ko sa lalaking may hawak sa akin.
"Mr. Chairman, narito na po si Ms. Kristina."
Unti-unti akong napalingon sa tinawag nitong Mr. Chairman. "K-kayo po ang nagpadukot sa akin?"
"Oo. At ito ang planong sinasabi ko sa iyo noon. Sa ngayon ay papunta na dito ang apo ko para iligtas ka."
"P-pero bakit po? Naguguluhan ako?"
"Maiintindihan mo din kung bakit?" Saad nito at tumalikod na sakin. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay nagsalita ulit ito. "Sya nga pala, inatake si Anna at kasalukuyang nasa ospital ngayon." Pagtatapos nito na lalong ikinagulat ko.
Si Leander na dapat sana'y sinasamahan si Anna sa ospital ngayon ngunit papunta dito para lang iligtas ako sa pag-aakalang dinukot ako?
Napaluhod ako kasabay ng unti-unting pagpatak ng mga luha ko. Tama si Leander, gagamitin lang nila ako.
BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Teen FictionMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...