MEET THE CAST:
*Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe.
-
*Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend.
-
*Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos.
-
*Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet.
-
*IU...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 16 - SUDDENLY IT'S MAGIC
~KRISTINA'S POV~
Naiilang ako kinaumagahan habang napapasulyap kay Leander habang sabay-sabay kaming nag-aalmusal.
Hindi ko mapigilang mapatingin sa mga labi nito habang ngumunguya ito ng pagkain.
Shocks! Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari sa amin nang magdaang gabi.
"Pare, may sakit ka ba?"
"H-huh?" Napalingon ako nang magsalita si Dylan. "W-wala. Bakit? Mukha ba akong may sakit?"
"Namumula kasi ang mga pisngi mo." Saad ni Tristan. "Nilalagnat ka ba?"
Napapitlag ako nang biglang salatin ni Tristan ang leeg ko. "W-wala akong sakit pare." Sagot ko dito. Nakita ko namang napasulyap si Leander sa'min ni Tristan nang salatin nito ang leeg ko. Napabuntong hininga ako. "Kung tapos na kayong kumain, tara na baka ma-late pa tayo."
"Ni hindi mo nagalaw ang pagkain mo, Pare." Si Ulysses.
"Medyo busog pa kasi ako."
Nangunot ang noo nito at halos lahat naman ng mata nila ay biglang dumako sa akin.
Aish! Nakakailang na talaga.
Tumayo na ako at nagpatiuna na sa mga ito.
Pasaway kasing Leander 'to.
Agad namang sumunod sa akin ang apat.
Napapitlag ako nang biglang umagapay sa paglalakad ko si Leander. "Halatado ka masyado." Bulong nito at nilampasan ako sa paglalakad.
Napanganga ako. Halatado talaga? First time in my whole life ang kissing experience na yun sa'kin noh, ni hindi na nga ako nakatulog dahil don. Nakakairita lang na parang wala lang ito sa kanya. Grr..
~~~
Pagdating namin sa school ay kami na lang ni Leander ang magkasabay papunta sa room namin. Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko dahil hindi ko na alam kung paano pa pakikitunguhan ito.
Nakita kong bumuntong hininga ito at huminto sa paglalakad kaya napahinto din ako.
Bigla akong kinabahan nang lumingon ito sa'kin at lapitan ako. Nagulat ako nang bigla nitong kunin ang kamay ko.
"P-pare?" Saad kong pilit binabawi ang kamay ko dito na hindi naman nito pinakawalan.
"Holding hands while walking." Nakangiting sagot nito sabay kindat sa'kin.
"Hoy! Ano 'yan?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi namin si Jessa kung kaya't marahas na binawi ko ang kamay kong hawak ni Leander.
"Ahm, pare. Mauna ka na sa room. Magsi-CR lang kami ni Jessa." Hindi ko na hinintay pang sumagot ito at mabilis ko nang hinila si Jessa palayo sa binata.