Published: June 8,2019
CHAPTER 32 - SHE'S BACK
KRISTINA'S POV
Kinabukasan ay maaga kaming nagsigising at gumayak na pabalik. Pagdating namin sa hanging bridge ay muli akong kinabahan. Napatingin ako sa nakalahad na palad sa harap ko. Pag-angat ko ng mga mata ko ay nakangiting mukha ni Leon ang bumungad sa akin pero bago ko pa abutin ang kamay nito ay hinawi ito ni Leander. Walang babalang binuhat ako nito.
"Leander, ano ba? Ibaba mo 'ko nakakahiya."
"Close your eyes."
"A-ano?" Pero bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay kusa na itong kumilos pahakbang sa tulay. Wala na akong nagawa kundi pumikit at yumakap ng mahigpit sa batok ni Leander.
Napapailing nalang ang mga kaibigan nitong nakasunod sa amin at umalalay dito.
Almost 10am na nang makauwi kami sa bahay.
Dumiretso na ako papunta sa kwarto ko at ganoon din si Leander.
"Mabuti't nandito ka na." Bungad ni Marie sa akin bago palang ako makapasok sa kwarto ko. "Pinapasabi ni Mr. Peter, pumunta ka daw sa opisina ni Master Leandro."
Napakunot noo ako. Bakit kaya? "Ah, sige salamat." Sagot ko nalang. Dumiretso na agad ako sa opisina ni Mr. Leandro pero nagulat ako nang Lolo ni Leander ang nakaupo sa swivel chair doon.
"Kamusta ka hija, maupo ka." Nakangiting bati nito sa akin.
Kiming ngumiti ako dito at naupo sa harap nito. Hindi ko maintindihan, medyo kinakabahan ako sa paghaharap naming ito.
Tumikhim muna ito bago magsalita. "Bukas ay pwede ka ng pumasok sa Bangtan University, naiayos na ni Peter ang enrollment mo bilang transferee. May maghahatid sa inyo ni Prince sa eskwela." Litanya nito.
"Maraming salamat po Mr. Sarmiento."
"Ahm, hija. Paalala ko lang. Siguro naman ay hindi mo nakakalimutan kung ano ka kay Prince dito at ang mga dapat mong gawin para sa kanya at para narin sa pamilya nya? Hahayaan ko kayo sa nararamdaman n'yo para sa isa't isa pero alamin mo ang limitasyon ninyo."
"P-po?" Napayuko ako.
"Gusto kong ihanda mo ang sarili mo. Huwag kang bibitiw, tutulungan kita. Magtiwala ka sa akin."
Naguguluhan man ako sa mga sinasabi ng matanda ay pinili ko nalang magtiwala dito. Alam kong para iyon sa pamilya nila. "Opo."
"Good to hear that." Ngumiti ito sakin at may inilapag na sobre sa harap ko. "Nariyan ang allowance mo sa loob ng isang buwan. Ipinadala na din ni Peter Kay Marie ang uniporme at mga gamit mo sa eskwela. Kumpleto na lahat iyon."
Hindi ko alam kung dapat ko bang tanggapin iyon gayung wala pa akong nagagawa sa trabaho ko. "Salamat nalang po pero hindi ko po matatanggap iyan. Wala pa po akong nagagawa sa misyon ko."

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Novela JuvenilMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...