Chapter 22

130 12 5
                                    

Published: Sept. 2,2017

CHAPTER 22

~TRISTAN'S POV~

"Tristan!" Hiyaw ni Angela sa bukana ng classroom ko.

Nangunot bigla ang noo ko base sa nakikita kong hitsura nito ngayon.

Humahangos itong mabilis na nilapitan ako at walang pakialam kahit pa nakatingin na sa kanya ang mga classmates ko.

"Ms. Angela? What is the meaning of this?" Sita ng prof. ko.

"Sorry sir, but i need my cousin right now." Sagot nito at hinila na ako palabas ng classroom.

"Hey! What's with you?" Piksi ko dito nang tuluyan ng makalabas.

"Tristan, si Kristina. Bilisan natin." Nahihintakutang saad nito.

Bigla akong kinabahan. "Anong ginawa mo sa kanya? Nasan sya?"

"S-sa CR. Please, we need to take her fast to the hospital."

Dahil sa narinig ko ay mabilis akong tumakbo sa kinaroroonan ni Kris. Nakasunod namang tumatakbo din si Angela sakin.

"Aaaaaahhh..." Malakas na sigaw na narinig ko nang malapit na kami sa CR.

Nadatnan kong nasa bukana ng pinto ang sumigaw. Dali-dali naman akong pumasok doon. "F*ck! Pare, wake up." I saw the blood flowed on her head. "Oh! God!" I immediately picked her up and brought her to my car. We need to bring her to the nearest hospital.

Nagmamadali namang sumakay si Angela sa backseat at kinalong ang walang malay na dalaga.

"My God, Angela what have you done to her?" Galit na sambit ko habang mabilis na nagmamaneho.

"It was an accident. I'm sorry. I'm really sorry. I didn't intend to hurt her this much." Umiiyak na sagot nito.

Pagdating palang namin sa entrance ng hospital ay sinalubong na agad kami ng mga attending nurse at mabilis na pinahiga sa stretcher bed si Kristina.

Habang nasa harap kami ng E.R. ay panay ang iyak ni Angela at paghingi nito ng tawad.

"Kapag may nangyaring masama kay Kristina, i swear. I will never forgive you. I've told you, huwag mo s'yang pakialaman." Galit paring saad ko.

Kung hindi lamang babae ang pinsan ko ay baka nabugbog ko na ito.

"I'm sorry, i'm sorry." Patuloy parin ito sa pag-iyak.

Ilang sandali pa ang lumipas ay humahangos na dumating sina Ulysses, Dylan, Leander at, Jessa.

Isang malakas na sampal ang agad na ipinadapo ni Jessa sa pisngi ni Angela. "Pathetic bitch! Wala kang kasing sama." Bulyaw nito habang umiiyak.

Agad naman itong pinigilan ni Dylan.

"Umalis ka na muna Angela bago pa namin makalimutang babae ka." Galit na saad ni Leander habang kuyom ang kamao.

Hindi ko rin sila masisisi dahil ganoon din ang nararamdaman ko.

"Please, Angela. Umalis ka na muna." Si Ulysses.

Napasulyap muna sa akin ito bago tuluyang umalis.

"Wala munang magsasabi nito kay Mama hangga't hindi pa natin siguradong ligtas na si Pare." Si Dylan.

Ilang sandali pa ang lumipas ay lumabas na ang doctor na gumamot kay Kristina. "Sino ang kasama ng pasyente?"

"Kami po." Sagot namin.

"Natahi na namin ang sugat sa ulo nya and doon nyo nalang sya puntahan sa ICU. She's okay right now but she still needs to undergo for CT SCAN."

"Okay doc. Thank you." Sagot ko.

~LEANDER'S POV~

"May alam ka ba dito?" Tanong ko kay Tristan.

Masamang tingin ang ipinukol sa akin nito. "Kahit g*go ako, sa palagay mo magagawa ko yan kay pareng Kris o kahit utusan si Angela?"

Nagtangis ang aking mga bagang. Kung alam ko lang na may mangyayaring ganito, hindi ko na sana ipinaalam sa lahat ang pagpapanggap ng dalaga.

Tatlong oras na ang nakalipas ngunit hindi parin nagigising si Kris.

Nag-aalala ding dumating agad si Mama pagkatawag namin dito nang madala na sa ICU ang dalaga.

"Bakit ba laging nangyayari ito sa anak ko?" Umiiyak na saad nito.

"Ma, huwag po kayong mag-alala. Maya-maya lang po ay gigising na sya." Pagpapalubag loob ko. Kahit ako sa sarili ko, sobrang nag-aalala ako sa mahal ko pero mas pinipili kong magpakatatag sa harap ng ina nito.

"Leander..." Napayakap itong umiiyak sakin. Damang-dama ko ang pag-aalala nito.

Marahan namang lumapit si Jessa sa amin at hinagud-hagod ang likod ni Mama.

Makaraan pa ang ilang oras ay unti-unting nagmulat ng mga mata si Kristina.

Agad kaming lumapit sa bed side nito.

"Anak, salamat sa diyos at gising ka na." Nakangiting saad ni mama sa pagitan ng mga luha nito.

"M-mama, ang sakit ng ulo ko."

"Tatawag ako ng doctor." Si Ulysses na mabilis na lumabas ng silid.

~KRISTINA'S POV~

Ikinurap-kurap ko ang nanlalabo ko pang mga mata upang mas maaninag ang mga nakapalibot sa akin.

Si Mama, si Jessa at ang apat na naggu-gwapuhang lalaki.

Bakas sa mga mata nito ang pag-aalala.

"Anak, salamat sa diyos at gising ka na?"

Napatitig ako kay mama.

Gi-gising?

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako.

Bigla ang pagsigid ng kirot sa ulo ko nang maalala ang nangyari. "M-mama, ang sakit ng ulo ko."

ITUTULOY. . .

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon