Chapter 31 - The Fear

101 9 2
                                    

Published: Jan. 23,2019

CHAPTER 31 - THE FEAR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 31 - THE FEAR

KRISTINA'S POV

"Kamusta ka na, Prince? Na-missed kita." Saad ng babaeng yumakap Kay Leander.

"I'm good."

"Really?" Napasulyap ito sa akin. "Bagong alalay?" Tanong nito kay Leander pero sa akin nakatingin.

"Yup." He answered.

Medyo nasaktan ako sa puntong iyon. Pero totoo naman. Isa lang akong hamak na alalay ni Leander ngayon.

"Prince, Pare." Paglapit ng iba pa dito. Nagpingkian ng kamao ang mga ito.

"Woah! Bagong buntot mo?" Tanong naman ng isa pang lalaki.

Napayuko ako. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako sa uri ng tawag nila sa akin.

"Mga Pre, si Kristina." Saad ni Leander na umakbay sa akin kung kaya't nag-angat ako ng tingin.

"Ow! Tokayo." Sabi ng babae kanina. "Hi, I'm Kristine." Pagpapakilala nitong inilahad ang kanang kamay sa akin.

Kiming ngumiti ako at inabot ang pakikipagkamay nito.

Isa-isang nagpakilala ang mga ito sa akin. Si Leon, Mark, Helen, and Kristine.

"Let's go." Saad ni Leander sa mga ito matapos i-park ng maayos ang mga motor nila at kunin ang mga bitbitin nila.

Napakagat labi ako habang sinusundan sila ng tingin habang si Leander ay nakaakbay kay Kristine habang naglalakad. Kanina lang sa kwarto nya ang bait-bait nya sakin. Pero ngayon --

Bigla tuloy nag-init ang mga mata ko. Naalala ko ang mga kaibigan ko, sina Ulysses, Tristan, Dylan, Angela, at Jessa.

Napapitlag ako ng biglang lumingon sa akin si Leander. "Hindi ka ba sasama?"

Lakad takbo na ang ginawa ko makaagapay lang sa mga ito.

"Prince, kapag ayaw mo sa kanya ibigay mo nalang sakin." Narinig kong sabi nung Leon kay Leander.

"G*go!" Sagot nito. "Ano yan, aso?"

I hardly bit my lower lip. Pakiramdam ko ano mang oras bibigay na ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

Kaya mo yan, Kristina. Magpakatatag ka. Pagpapalakas loob ko sa sarili ko.

Nagpakawala ako ng marahas na buntong hininga at pinakalma ang sarili ko. Itinuon ko nalang ang paningin ko sa paligid na dinadaanan namin. Medyo masukal na ito.

Base sa uri ng mga suot nila at mga bitbit na mga gamit ay mukhang magka-camping ang mga ito.

Paglampas namin sa medyo masukal na daan ay tumambad sa mga mata namin ang isang may kahabaang hanging bridge.

This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon