CHAPTER 42 - Insecurities
LEANDER'S POV.
"P-pare, wait. Mag-usap muna tayo." Pigil sa akin ni Kristina, saka bumaling sa sekretarya ko at sa kasamahan nito. "Pwede bang iwan n'yo muna kami?" Ngunit hindi tuminag ang mga iyon at nanatili sa kinatatayuan nila.
"Didn't you hear her?" Bulyaw ko sa mga ito. Napapitlag naman ang dalawa saka tumalima palabas ng opisina.
"Bakit ka ba nagagalit? Huwag mo silang sinisigawan." She said with a frown.
"At bakit hindi ako magagalit? 'Yan ba ang gusto mong trabaho? Ang maging tagalinis?" Inis na saad ko.
"Anong masama dito? Maraming tao ang may ganitong trabaho. Atsaka, mabuti nga at nakapasa ako."
Natampal ko ang noo ko.
"Huwag ka nang magalit. Hmm?" She stared at me cutely while biting her lips. Kapag ganoon na si Kristina na nagpapacute, I wanted to kiss her lips badly everytime i look at her lips.
I instantly grab her waist and pulls her closer to me. Akmang hahalikan ko ito ngunit tinakpan n'ya ng palad n'ya ang kanyang mga labi.
"Nagtatrabaho ako." Saad n'yang itinulak ako palayo.
"Isa lang?" Hirit ko pa din.
"Tumigil ka."
____
NANG MAKAALIS sila Kristina ay saka ko ipinatawag ang HR Manager.
"E Sir, Sabi n'yo po dalhin ko s'ya sa department na pwede n'yo siyang makasama araw-araw. Room Attendant lang po ang available. Kung sa kusina, malabo po kayong magkita at cook helper lang ang maaari niyang mapasukan." Mahabang paliwanag sa akin nito.
I sigh. Napasandal ako sa swivel chair na kinauupuan ko at napahawak sa aking sentido. This girl is really giving me a headache.
KRISTINA'S POV
Ilang araw ang lumipas ay naging maayos naman ang naging trabaho ko at hindi na rin ako sinasamahan ni Leila.
Dala ang gamit ko sa paglilinis ay kumatok na ako sa opisina ni Leander. Mas gusto kasi nitong naroon siya kapag pupunta ako. Kung minsan gusto n'ya akong tulungan pero sinasabi kong magreresign ako kung di siya titigil.
Pagpasok ko sa opisina niya ay abala siya sa pagtipa sa kanyang laptop.
"Sir, here's your coffee." Nakangiting saad ng sekretarya nito na bahagyang yumukod upang mas mailapit ang mukha sa binata.
"Thank you." He replied.
Naningkit ang mga mata ko nang makitang gumanti ng ngiti si Leander dito.
Maganda ang sekretarya nito at balingkinitan ang pangangatawan. Bumagay din dito ang uniporme na suot at lumutang ang kasexy-han sa formal blazer and skirt na kulay navy blue. Samantalang ang uniform ko ay simpleng Blouse na gray at black pants. And i admit, i feel a little insecure dahil sa tingin ko ay mas bagay sila ni Leander. Sa tantiya ko ay halos magkaedad lang din kami nito. Kung sana ay ipinanganak akong matalino, marahil mas may iaangat pa ang posisyon na maaari kong mapasukan. Mas lalo tuloy akong nanliit sa sarili ko. Mas lalo ko tuloy naisip na hindi kami bagay ni Leander.
Hindi ko maintindihan pero bigla akong nainis sa uri ng ngitian nilang dalawa. Halata naman na she's flirting with him at parang balewala sa kanya iyon. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko. Napakagat labi akong tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Sir, ito na nga po pala ang mga pipirmahan ninyong papeles." Malamyos na tinig ng babae.
"Ah, okay. Just leave it there." Sagot ni Lean na sinulyapan ang dalaga.
Hindi ko maintindihan pero naiinis talaga ako. "Mamaya na ako maglilinis dito." Saad kong binato ang basahan na hawak ko sa kung saan.
"Kristina." Tawag sakin ni Leander pero di ko na ito nilingon at dere-deretsong lumabas ng opisina nito.
Nang mapansin kong nakasunod siya sa akin ay mabilis akong sumakay sa elevator na kabubukas palang. "Miss, pang clients and VIP's lang ang elevator na to." Saad sakin ng operator doon. Mas lalo tuloy akong nainis. Tiningnan ko ito ng masama, eksakto naman na nakapasok na din si Leander sa loob. Akmang lalabas ako nang pigilan ako nito sa braso.
"Get out." Utos ni Leander sa operator ng elevator na agad sumunod dito. "What's wrong?" Kunut-noong tanong agad sa akin nito pagkasara ng elevator.
Napaangat ang aking mga mata at nakita ko ang cctv doon. "May cctv dito tigilan mo ko." Simpleng saad kong hindi ito tinitingnan.
Iniharap ako nito sa kanya. "Kapag nagpumiglas ako dito masisira ang imahe mo." Pilit kong kinakalma ang inis ko.
"Threatening me? Go ahead! Alam mong sanay akong sirain ang sarili ko. What's the problem? Are you jealous?"
"At bakit naman ako magseselos?"
He grab my waist and pull me close to him.
"Leander, binabalaan kita--" Before i can finish my sentence Leander hugged me tight as my hands remained at my side.
"I'm sorry kung may nagawa akong hindi mo nagustuhan. But it was nothing. I'm yours, i promise." He whispers.
Parang natunaw lahat ng inis ko dahil sa sinabi nito. Siguro nga masyado lang akong nag-over react. But the fact, na ganoon siya ngumiti sa ibang babae ay naiinis ako. Wala yatang anak ni Eva ang hindi mahuhumaling sa napakagwapong mukha nito. To think na ngitian nito ng ganoon ka-close.
Dinged ng elevator ang nagpakalas sa amin. Pagbukas palang ng pinto ay pinindot agad ni Leander ang button pabalik sa itaas. Hinawakan ni Leander ang kamay ko at hinila pabalik sa opisina nito. Pagbalik namin ay nakaupo na sa pwesto niya ang sekreterya ng binata sa labas ng opisina nito. Bahagya akong napasulyap sa kinaroroonan ng babae at napansin ko ang bahagyang pag-irap nito sa'kin.
Pagpasok sa opisina nito ay inilock nito ang pinto saka ako niyakap nito ng mahigpit. He lessen his hug then kiss my forehead. "I love you, Kristina."
Biglang nag-init ang aking mga mata at agad na naglandas ang luha sa aking mga pisngi. "L-let's end this."

BINABASA MO ANG
This Guys Inlove With You, Pare! [Completed]
Fiksi RemajaMEET THE CAST: *Jeon Jungkook as Dylan: Ang Campus heartthrob, playboy na torpe. - *Aaron Yan as Ulysses: Ang seryosong bestfriend. - *Huang Zitao/Tao as Tristan: Ang Fighter, maginoong bastos. - *Kim Taehyung/V as Leander: Ang Joker na sweet. - *IU...